"If you're not gonna show up, then I think It's time to say goodbye. I have to move on and live as normal." (Sarah texted).
Oo as in hindi pa nga kami nagkikita for 6 months na hanggang text lang. Lahat na lang yata ng dahilan e naidahilan na ng koreanong ito. Ewan ba niya kung bakit ganon na lang sya ka-curious dito at binigyan pa nya ng panahon kesa sa mga nanliligaw sa kanya na nakikita pa nya.
Nasa labas sya nang employees entrance na hinihintay ang katext.
Indeed, hindi nya alam kung pano nagsimula ang lahat. Basta na lang nag text ito sa kanya, nosebleed nga sya kasi English itong magtext. Pagkakilala nito ay isa itong koreano at hindi marunong mag tagalog. Una sya raw nitong nakita sa airport with her auntie na hinatid lang naman niya.
In short, naging stalker nya ito ng anim na buwan dahil para nya itong anino.
She's so disappointed dahil wala na talaga syang mapapala sa kakahintay sa taong ito.
Akma na syang tatalikod nang bigla na lang may humawak at humila ng kamay nya at biglang sya nitong niyakap.
Hinawakan nito ang kanyang mukha. Animo'y naglalakbay sa kabuuan ng kanyang pisngi,mata at mga labi.
Nawala ang pagkatulala nya nang biglang nag ring ang kanyang telepono.
Sabay taas ng koreano ang telepeno nito na patunay na sya ang matagal nitong katext.
"Anghel ba ang nasa harapan ko?" (Isip ni sarah)...
Hindi basta-basta ang postura ng nasa harap niya. Ito yong mga napapanuod niya sa mga koreanobela... Pwede nga itong maging artista...o baka naman artista na ito sa bansa nila kaya ayaw nitong magpakita dahil ayaw ng iskandalo...Nahalata naman ng Koreano ang malalim na pag-iisip nya. Muli itong nag dial ng keypad. Nagtext ito sa kanya.
"I'm sorry to keep you waiting... I just got this courage to finally showed up. I'm afraid you really give up on me.. And... I understand if you can't accept me as what I'm really am now...coz I'm ... I'm unable to speak...for now..." (Paliwanag nito)...Sa kabila ng nalaman. Hindi kinakitaan ng disappointment si Sarah. Hindi na ito nagtanong pa. At niyakap na lang ang kaharap na pahiwatig nang pagtanggap...
"Mam?..." ..(naiilang na pansin ng nasa counter)
"Mam?.." (Inabot nito ang papel na kailangan nyang pirmahan)..
Parang wala sa sariling pinirmahan lang ito at Hindi nagpatinag sa pagkatulala.
"Jad, I'm at counter 7. Can you wait 'till 9pm?". (Tanong niyang nagmamadali)
Tumango ito at ngumiti.Pagbalik niya sa counter nakita niya ang koreanong nakaupo sa bench malapit sa counter kung saan siya naka-aasign.
Nakapangalumbaba ito na titig na titig sa kanya.
" Part...."(pansin ng kasamahan niya)
"Sya na ba yong sinasabi mo?' (Curious na tanong nito at pa cute na ngumiti na nakattig na din dito).At napatango na lang sya.
" O m G!!!" (Napalakas na tugon ng katabi)
"Part... Nasa langit na ba tayo?( hindi mapigilang paghanga nito sa nakita)
" Baliw! Sya nga..." (Pasimpleng bulong niya) dahil kahit sya hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa kanya. Gusto nga rin nyang sumigaw kanina pa. Para syang matutunaw sa mga titig nito...
"Oh part.." (Abot ng item ng kasamahan sa kanya). Isa syang Checker sa isang malaking mall sa Makati noon hanggang ma-promote nga sya ngayon at isa na syang supervisor.Pagkatapos ibigay sa customer ang pinamili, muling ibinaling nya ang mga mata sa anghel na iyon.
Mataman nyang hinanap ito.. Nilibot na ng kanyang mga mata ang kabuuan ng floor na naaabot ng kanyang paningin...ngunit hindi na nya ito nakita pa.
At...Isa nga iyong gabi na hindi niya makakalimutan ...
YOU ARE READING
You Are Mine...
RomanceDahil sa hilig kong manood ng korean movies at koreanobela, I mean, actually hindi lang hilig kundi panatik ako sa mga istorya at mga tauhang gumaganap- naisip kong ipareho ko ang korean actor sa pinoy actress... Why not?Right?... Kaya heto ...