Kinabukasan flight na nya. Kinakabahan sya na hindi nya maintindihan. Inihatid sya ng mga magulang at kapatid gayon din ang kaibigan.
Mamimiss nya ang mga ito. Sana nga'y maging maayos ang lahat doon.
Dinig na dinig nya ang ingay ng eroplano sa pag take-off. Feeling nya'y binaligtad ang kanyang sikmura.
Nang halos hindi nya makaya, iniabot ng kanyang katabi ang plastik na pwede nyang sukahan. Walang alinlangang kinuha nya ito agad.
Napatango sya sa katabi at nagpasalamat in Korean.
Pinagtitinginan sila ng iba pang nakaupo na mababakasan ng pagka inggit. Hindi nya alam kung bakit o siguro dahil gwapo ang katabi nya...at... totoong gwapo nga...
Hindi na nya binigyan ng pansin ang mga ito dahil sa sobrang pagkaliyo. Hindi talaga sya sanay sa ganitong biyahe at first time nya rin ito.
Nakatulog sya agad hanggang ginising na lang sya ng flight stewardees sa nalalapit na pagbaba.
Wala na ang katabi nya. Hindi man lang sya nakapag pasalamat ng maayos dito...Hindi rin maipinta ang itsura nya sa pagkaliyo. Sa edad nyang ito, ito lang hindi nagbago sa kanya... Sa Tricycle lang ata sya hindi nahihilo. At dahil na rin first time nyang mag eroplano.. Kaya't halos wala syang ma-appreaciate sa nakikita nyang magandang pasilidad ng airport. Kahit nasagi na sya ng nagtatakbuhang mga kabataan hindi na nya rin pinansin. Feeling nya may artistang pinagtitilian ang mga ito kahit hindi nya maintindihan halata naman sa mga kilos ng mga ito. Panay din kuha ng litrato ng mga kabataan. Hindi rin naman nya halos makita ang artista dahil sa pagdagsa ng mga tao.
'Sarah! Iha! '.. (Sabay lingon nya sa tumawag)..
Isang ngiti ang ibinalik nya at kumaway sa Auntie nya kasama ang asawa nito.'Oh sige mamaya na tayo magkwentuhan' ...(nangingiting naiiling nitong sabi) hindi na rin nya iyon pinansin dahil sa jetlog at kilala na sya ng Auntie nya pagdating sa ganitong bagay.
YOU ARE READING
You Are Mine...
RomanceDahil sa hilig kong manood ng korean movies at koreanobela, I mean, actually hindi lang hilig kundi panatik ako sa mga istorya at mga tauhang gumaganap- naisip kong ipareho ko ang korean actor sa pinoy actress... Why not?Right?... Kaya heto ...