Castor
Dumiretso ako sa Serenity Falls, lumuhod ako sa damuhan saka mabilis na nilinis ang aking sarili. Buong katawan ko ay puno ng dugo mula sa wizard na iyon. Nilinis ko rin ang aking bibig sa pamamagitan ng pagmumog.
Hindi ko akalain na magagawa kong mapatay ang wizard na iyon gamit ang aking mga ngipin. Hindi ko rin inasahan na matitikman ko ang dugo ng tao. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pagkasabik sa dugong ipinagbawal sa akin ni Nazar. Hindi ko alam kung paano pa ako makikisalamuha sa mga ibang wizard.
Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid, sirang sira na ang Serenity Falls dahil sa nangyari noon, ang pagwasak ng mga centaur sa kweba.
Napatingin ako sa aking mga palad, may itim na kuryente ang parang dumadaloy dito.'Hanggang kailan ako magtatago?'
Huminga ako ng malalim, kailangan ko makita si Nazar, siya lang ang makakatulong sa problema ko.
Zaiden
Matapos kunin nila Miranda at Nazar si Oceane sa gubat, umuwi ako sa bahay kasama ang walang malay na si Ulrika.
Nakahiga siya sa silid kung saan namin pinatuloy sina Seda at Zaq.
"Itutuloy nila ang libing kahit wala siya?" tanong ni Kuya Justin habang nakatingin kami sa natutulog na si Ulrika
"Oo, Kuya." Simpleng sabi ko
"Si Silverwood, bumalik na ba sa Elfwood?" tanong ni Kuya
"Hindi pa rin Kuya, hinahanap rin siya ni Nazar." Sabi ko
"Talaga? Ilang araw na ang lumipas mula noon umalis siya. Ano kayang nangyari sa kanya?" tanong ni Kuya
Hindi ako nagsalita. Nakatikim na siya ng dugo ng tao, sigurado ako na nahihirapan siyang kalimutan ang dugong una niyang natikman.
"Si Oceane, kamusta na siya? Balita ko nagising na siya." Sabi ni Kuya
"Oo kuya, nagising siya kahapon at nabigla siya nun malaman na wala na sina Seda at Zaq." Sabi ko
"So, wala talaga siyang idea na namatay ang dalawa ng dahil kay Roberto Winterspoon?" tanong ni Kuya
Umiling ako. "Wala, hindi rin ako sigurado kung alam ni Ulrika ang nangyari."
Huminga ng malalim si Kuya. Hinawakan niya ang door knob ng silid. "That's their fate, katulad ni Dad." Sabi ni Kuya sabay isinara ang pintuan
Bumalik ako sa ELfwood para sa pormal na paglilibing kina Seda at Zaq. Halos lahat ng taga Elfwood ay naroon, may ilan din fairies na nakiramay.
Matapos mabigyan ng pormal na bendisyon ang mag asawa ay ipinaanod na sa lawa ang kanilang mga balsa pagkatapos ay itinutok ni Old Elf ang kanyang wand sa balsa, nagsimula itong magliyab habang inaanod ng alon ang balsa hanggang sa tuluyang maging abo ang lahat.
Nakatayo si Oceane sa tabi nila Miranda at Nazar. Tahimik siya ngunit hindi umiiyak, na para bang may malalim na iniisip.
"Tayo na anak." Anyaya ni Miranda
"Dito muna ako, Mama." Sabi ni Oceane
"Sigurado ka ba?" tanong naman ni Nazar
Tumango lang si Oceane, isang halik at yakap naman ang ibinigay ng magulang niya sa kanya, pagkatapos ay umalis na ang mga ito.
"Kamusta ka?" tanong ko
Nilapitan ko siya nang makaalis ang lahat ng naroon. Naupo siya sa katawan ng puno na marahil ay inanod ng alon patungo sa pampang kung saan kami nakatayo ilang araw na ang nakakaraan.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book Three
FantasyAcademy of Witchcraft and Wizardry Book Three The Beginning (Everything will End) Paano kung may isang nilalang na kayang tumupad ng kahilingan, at binigyan ka niya ng tatlong pagkakataon pra humiling, ano ang tatlong hihilingin mo? Si Oceane, si Za...