Earth Guardian

2.5K 54 14
                                    

Castor

Bago ko pa madala sa clinic si Oceane, naghilom na ang kanyang mga sugat kaya naman sa dormitory ko na siya dinala.

Maingat ko siyang inilapag sa kama, kinumutan at habang nakatitig sa kanya, hinaplos ko ng sandali ang kanyang ulo.

“Atleast tapos na ang lahat sa inyo ni Ashlyn. Makakasama mo na siya na di nyo kailangan patayin ang isa’t isa.” Bulong ko

Muli kong binalikan kung saan namin iniwan si Ashlyn/ Ulrika. Ngunit wala na ito doon.

‘Saan kaya siya nagpunta?’

Dahil sa matalas kong pang amoy sa dugo, napansin ko kaagad ang mga patak nito sa lupa, at papalayo ito sa gubat na iyon, kaya agad ko itong sinundan. Sigurado akong kay Ashlyn ang dugong iyon.

Pagdating ko sa may tabi ng lawa, nakita ko siyang waang malay na nakadapa sa dalampasigan. Agad ko siyang nilapitan, bahagyang iniangat ang kanyang ulo.

“Ashlyn..Ashlyn..” sabi ko sabay tapik sa kanyang pisngi

Bahagya siyang kumilos, napangiti ako. ‘Thank you Merlin, buhay nga talaga siya.’

Binuhat ko siya at dinala sa aking paboritong tambayan. Inilapag ko siya sa aking ginawang kama, tiningnan ko ang kanyang sugat at gasgas maging ang sunog na bahagi ng kanyang katawan dahil sa apoy na inihagis ni Oceane kanina. Unti unti na itong naghihilom, ngunit hindi katulad noong una ko siyang iniligtas, mabagal ang paghilom nito at sa tingin ko aabutin ito ng dalawa hanggang tatlong araw pa bago tuluyang maghilom.

‘Hindi kaya dahil hindi na siya fully wolf kaya hindi kaagad naghihilom ang kanyang sugat?’

Tumayo ako at saglit ko siyang iniwan sa tambayan, kailangan akong kumuha ng malinis na tubig na maari niyang inumin.

Oceane

Masakit ang buong katawan ko paggising ko ngayong araw. Katatapos ko lang maligo at naghahanda na ako sa para sa agahan at sa klase sa susunod. Habang nakaharap ako sa salamin, naalala ko ang nangyari kagabi.

‘Nagawa kong putulin ang tadhana namin ni Ashlyn. Ibig sabihin ba nito, maari ko na siya ulit maging kaibigan?’

Isang katok ang nagpabalikwas sa akin. Pagbukas ko ng pintuan, nakatayo sa harapan ko si Zaiden, bahagya itong nagulat ng makita ako.

Hindi siya nagsalita ngunit ang kaninang itsura niya ay napalitan ng ngiti na para bang sinasabing what a relief.

“Nag alala ako sa’yo..” mahinang sabi ni Zaiden

Napansin ko ang kanyang kamay sa kanyang bulsa.

‘Bakit nakatago sa bulsa niya ang kamay niya?’

Sabay kaming naglakad sa hallway papunta sa dining hall para sa agahan bago magsimula ang klase, ngunit bago pa kami makapasok sa pintuan ng dining hall, nilapitan kami ni Headmistress Alyora, kasama nito si Reedwick na bahagyang ngumiti sa akin.

“Pagkatapos mo mag agahan, dumiretso ka sa aking opisina.” Sabi ni Headmistress

“Pero may klase po ako pag…” sabi ko

Academy of Witchcraft and Wizardry Book ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon