Chapter 1 (Aeisha and Gabriel)

42 0 0
                                    

" Gabeeeeh! Gising na! Malalate ka na nyan sa school eh!"

" Ano ba yan Aei! Ang ingay ingay mo! Umagang-umaga eh! Tsaka isa pa, Saturday ngayon, so please shut your mouth and get out of my room! "

Ganyan si Aeisha at si Gabriel. Madalas ganyan ang eksena nila tuwing umaga. Pano naman kasi? Si Gabriel tanghali na talaga gigising kung di mo talaga sya gigisingin. Buti na nga lang at andyan ang Long-time Bestfriend nya na si Aeisha, para gisingin sya. Tuwing pagkagising ni Aeisha sa umaga, di nya nalilimutan na gisingin din si Gabriel na nasa tapat lang ng bahay nila.

"Gabeeeeeh! Pag di ka dyan gumising, kikilitiin na naman kita sa talampakan mo at hahalikan kita sa tenga mo, sige ka!" panakot ni Aeisha lagi kay Gabriel.

Ayaw kasi ni Gabriel na hinahalikan sya sa tenga, kasi isa ito sa mga kahinaan nya. At yung sa talampakan nya, pag kiniliti sya dun, para syang kabayo kung sumipa!

" Oo na, oo na! Gigising na! Para ka namang nanay ko. Dinaig mo pa nga si Mommy eh!" sabi ni Gabriel kay Aeisha na kasalukuyang nakahiga sa tabi nya.

" Ang malas ko siguro pag naging asawa kita eh! Ano Aei?"  pabiro pa nitong dagdag.

" Ha? A-ano? Bakit naman ako ang magiging asawa mo? Eh diba mag-BFF tayo? Tsaka isa pa, wala ka sa mga tipo ko sa lalaki noh!" sabi ni Aeisha sabay ngudngod ng mukha sa tiyan ni Gabriel na nakapagpatayo agad sa kanilang dalawa.

" Kumain na kayo mga bata. Papagalitan ako ni Madam kung lalagpas ng 8 at di pa kayo nakapag almusal." sabi ng Yaya ni Gabriel.

Ganun talaga ang Mommy ni Gabriel. Masyadong over protective. Palibhasa ay uniko iho lang 'tong si Gabriel. At isa pa, sakitin sya kaya naman dala-dalawa ang Yaya nito.

Aeisha's POV

Im Aeisha. Simpleng babae lang ako. Di ako mahilig sa pagsusuot ng mga mini skirts at mga damit na labas-kaluluwa. May pagka-Boyish din ako. Hilig ko kasi ang mga larong panlalaki. Baril-barilan, CF, GTA , LOL at mga takbuhan. Mas madami din akong friends na lalaki kesa sa mga babae. Kaya nga may bestfriend akong lalaki diba? Si Gabriel Diaz . 3-years old pa lang kami, bestfriend ko na si Gabe. Nung nasa toddler palang kasi kami, classmate na kami. O kitams? Its been 12 years na din kaming mag BFF. Bongga diba?

" Bam! Tara na! Kakain na." sabi sakin ni Kuya Ian. Bam ang tawag ni Kuya sakin. Ako naman, Boo ang itinatawag ko sakanya. Parehas kasi kami mahilig sa bandang Bamboo eh.

"Opo Boo! Susunod nalang ako." sagot ko sa kanya.

Palabas na sana ako sa kwarto ko nang biglang nag-ring ang phone ko.

*You're my honeybunch, sugar plum

Pumpy-umpy-umpkin

You're my sweetie pie

You're my cuppycake, gumdrop

Snoogums, boogums, you're

The apple of my eye

And I love you so

And I want you to know

That I'm always be right here

And I want to sing

Sweet songs to you

Because you are so dear...*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last Standing CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon