PROLOUGE
Did you ever encounter someone who is your total opposite? Yung bang north pole at south pole ang layo ng mga ugali nyo? Yun bang kasing cold ng frozen planet ang ugali nya and kasing hot ng hell ang attitude mo? Yun bang kasing amo ng mga anghel sa langit ang mukha nya at kasing panget ng mga lamang lupa ang mukha mo? Haha! Joke lang!.. I mean yung parang simple lang ang features ng mukha mo habang sya naman e almost perfect na.. este remove the word “almost”.. Perfect na perfect pala! Pero sa lahat ng mga pagkakaiba nyo.. there’s one thing that you’re in common.. and you’ll know what it is if you’ll read this..
(naisip ko ang idea na ito nung nasa jeep ako. Haha! isang tagos pusong pasasalamat kay manong drayber for a nice deadly ride! Credits to my Yabz for approving this Fic. Enjoy reading!)
-TMN 1-
Lalalalalalalalalala. Lalalalalalala. Ang sarap panuorin ang pet ko. Napakaliit pero ang kyut! Kasalukuyan ko syang pinapakain ng coco crunch. Goodluck sa bituka nya. Hahahaha! Joke lang, maliit nga di ba? Hindi kaya ng bituka nya ang isang pirasong coco crunch. Actually green leaves ang binigay ko sa kanya for her lunch.. ang kaso di ko na sya makita, san na ba yun nagsuot? Nadaganan na ata ng mga dahon. Haha!
“naku po! Asan ka na patty? Ok ka pa ba jan? humihinga ka pa ba?” tawag ko sa kanya habang inaalis yung ibang green leaves sa kulungan nya. Glass box yun na may wet piece of land. Ang laki ng kulungan pero ang liit nya naman! Haha! Ngayon ko lang narealize yun a? teka, asan na ba yun?
*hanap-hanap*
San na? tsk.
*hanap* hanap*
“Lee! Hanggang kelan ka ba magkukulong dito sa kwarto mo?!”
“ay palakang bakulaw!” hanubayan! Bigla bigla na lang susugod sa kwarto ko! Maninigaw pa e ang lapit-lapit lang e! hindi naman ako bingi! Psh.
“sinong palaka ha? Bugbugin kita dyan e. ano bang ginagawa mo dyan?” nakapameywang na nilalang ang nakita ko nung nilingon ko sya.
“Ate Lenny naman e! nakakagulat ka! Pinapakain ko lang si patty ng lunch nya e!” nakabusangot na ang mukha ko. Si ate lenny kasi e! porket sya ang panganay ina’under nya na ako lagi. Naku po! Bakit pa kasi ako naging bunso? Pwede namang second,third, wag lang last sa family tree! Teka, I’ll introduce myself para naman makilala nyo ko. Haha! Mamaya na muna ang etymology ni ate lenny, yung akin na muna. Tutal ako naman ang bida e. Wahahaha! Ansama no? anyway, I’m Lee Demish, labing anim na taon ng nabubuhay sa mundong ibabaw. Haha! Ako yung taong nageevolve into monster kapag ginagalit ako. Ako yung taong pumapatay..
..
..
ng kuto.. akala nyu tao no? haha! Hindi a. what I mean is I’ll do everything just to protect myself against bad humans. Hindi ko pinapayagan na apakan ang pagkatao ko. Sino sila para yurakan ang aking malinis na pagkatao? (anlawlem no? ahaha!) sa mundo ko gagawin ko lahat ng gusto ko.. ayun lang. mabait na man ako sa mga taong mabait sakin. Kaya magpakabait kayo a? haha!
*Boink*
“Ahrawsh!” bumalik ako sa earth nang batukan ako ng isang nilalang na nakalimutan kong nasa paligid lang pala.
“hindi ka nakikinig e! pangiti-ngiti ka lang jan! sinapian ka ba? Naku ikaw na babae ko titirisin na kita e!” tinuturo-turo nya pa ko sa sobrang inis. Namumula na ang mukha nya sa sobrang galit. Haha!
“ate naman e! ini’introduce ko lang yung sarili ko sa readers tapos eepal epal ka. Psh. Asar ka naman e.” sabi ko habang himashimas ang batok ko. Sakit nun a!
“selfish ka! Ba’t sarili mo lang ini’introduce mo? Kasali din ako sa storyang to noh!” hala sige lang. sumigaw ka lang. boses mo naman yan e. haha!

BINABASA MO ANG
He Owns My Name . I Own His by MyAlterEgo
Teen Fictionito ang storya na hindi ko maintindihan kung bakit pumasok sa isip ko. ayan tuloy excited na kong tapusin to. this will definitely make you haywired. two DIFFERENT persons with THE SAME name.. this sounds so impossible but i swear this will surely...