Epilogue : Euna's untold feelings

550 21 4
                                    

Nakita ko sya sa wakas sa loob ng 5 years. Mahal ko parin sya kahit anong mangyari pero kailangan kong kalimutan sya dahil anditp na si Steve para sa akin. Gusto ko talagang itanong ito sa kanya nung nagkita kami


'' Bumalik na ba mga ala-ala mo ?? '' tanong ko sa kanya


nginitian nya lang ako saka '' Hindi na Euna, hindi na sya bumalik ''

Hudyat na iyan na wala ng pag-asa sa relasyon naming dalawa. Dapat ko na sigurong tanggapin na hindi kami sa isa't isa kaya ginawa na ng tadhana na maaksidente kami at magka-amnesia sya. Mahirap magmove-on lalo na ako ang pinakanahirapan kasi nakalimutan nya ako. Nag-abroad ako para mabawasan ng hinanakit ko at inaasaang pagbalik ko ay naalala na nya lahat pero wala akong napala. Sa araw ng kasal ko ay nakita ko sya kasama si Luhan. Masaya akong nandito sya pero mayroong kunting kirot sa puso. Pero dapat si Steve na hindi na sya at tandaan mo Euna, ikakasal ka na sa kanya. Matapos ang kasal ay hindi ko na sila nakita sa reception hall. Maya-maya ay nakita ko si Luhan at nilapitan ako



'' Pwede bang mag-usap tayo kahit saglit lang, Euna ? '' sabi nya at nagpaalam ako kay Steve at sumama kay Luhan sa labas ng reception hall


'' Ano yun Luhan,importante ba ? '' tanong ko



nilingon nya ako '' Napakahalaga Euna pero wag ka na sanang magsisi , okay ?'' sabi nya



Nagnod ako at nagsimula na sya '' Bumalik na ala-ala nya Euna mga 3 years before pa. Hinintay ka nya for 3 years at supresahin ka na bumalik na ang mga ala-ala nya pero ikaw pala ang may supresa, dahil may Steve kana at fiancee mo na sya. Labi na nasaktan si Lay pero hindi nya pinapahalata dahil mahal ka nya . '' sabi nya



'' Kung mahal nya talaga ako, dapat sinabi nya kaagad Luhan ! '' halos pasigaw kong sabi



'' Wala syang lakas ng loob kasi sa mga ginawa nyang pananakit daw sa iyo nung may amnesia na sya. Sinasabi ko sa iyo ito para malaman mo at sana mawala narin ang pagmamahal mo sa kanya.May asawa ka na at dapat sya na lang diba, Euna ? Pakawalan mo na feelings mo sa kanya dahil masisira lang relasyon nyong mag-asawa Euna '' sabi ni Luhan



'' Nakakainis talaga si Lay !! Kung sinabi nya edi sana hindi ko pinakasalan si Steve ! Pero thanks sa pagsabi Luhan. Atleast ngayon payapa na ako at promise mamahalin ko n ng lubos si Steve. '' aabi ko at nginitian nya lang ako



Bumalik na kami sa loob at nagpatuloy ang party. Mabuti sinabi nya, sorry Lay may kasalanan rin ako. Kung hinintay kong magbalik ala-ala mo diba ? Sorry nasaktan kita. Pero may kilala akong mas magmamahal sa iyo ng lubos. Matagal na syang may pagtingin sa iyo at alam kong papasayahin ka nya. Nilapitan ko ang kaibigan kong si Nessa



'' Congratulations Euna ! '' masayang sabi nya



'' Thanks , Nessa... alam mo single na si Lay '' sabi ko



nagblush '' Eh.. a-ano naman Euna .. ''



'' Alam kong mahal mo sya Nessa kahit noong kami pa diba ? Gusto ko sanang ikaw ang sunod sa aking magmamahal sa kanya ngayon. Kasal na ako at hindi si Lay ang pinakasalan ko kaya ang gusto kong pakasalan ni Lay ay ikaw, Kung kayo ang par sa isa't isa ay kayo talaga diba? Mabait ka , maganda at higit sa lahat kakaiba ka.Alam kong maaalagan mo si Lay at mamahalin ng lubos. Bakit hindi mo sabihing gusto mo sya ? '' sabi ko



'' Pero nahihiya ako saka halata ba ? '' inosente nyang sagot



'' Oo, kung makatingin ka nga kay Lay eh haha ! '' tawa ko ng mag-flashback lahat dati



'' Suportado kita Nessa ako bahala sa iyo '' sabi sabay wink


Sana naman sa ganitong paraan Lay ay mapatawad mo ako. Alam kong mamahalin ka ni Nessa at alalagaan habang buhay at sana magustuhan mo sya at mahalin katulad ng pagmamahal mo sa akin dati.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Amnesia [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon