Hanggang Sa Muli

21 2 0
                                    

Kapag tama na ang panahon
Ang tama ay hindi palagi dapat
At ang dapat ay hindi palagi sa paningin nila ay tama
Kapag tama na ang panahon
Sana ay maintindihan
Hindi lahat ng bagay na ipinaglalaban ay nakukuha ng madalian
May mga pangyayare na susubok sa iyong mga kakayanan
Susubukin ang tatag mo laban sa mga enerhiyang pahihinain ang depensa mo.
Susubukin ang lakas ng isip at puso mo.
Susubukin ang pagkatao mo.
Pilit kukuwestiyunan ang mga kakayahan mo.
Mga pagkakataon na kailangan may gawin.
Kailangan may piliin.
Kailangan may gawing aksyon
Kailangang may gawing desisyon.
May mga bagay na ginagawa na dapat  agad
At may mga gawi na hindi pa panahon para simulan.
Matuto tayong tanggapin ang kaganapan ngunit hindi ibig sabihin wala na tayong karapatang masaktan at maapektuhan
Limiin bago gawin
Gawin ang hinihingi ng iyong budhi
Kapag nagawa na panindigan din
Panindigan at ramdamin ang mga kaakibat.
Masasaktan, luluha, mabibigo, manlulumo ngunit hindi tuluyang magpapagupo.
Babangon, tatayo, ngingiti at mabubuhay.
Habang may buhay makibagay, makiramdam at ramdamin ang ganda ng buhay.
Manalig, magtiwala, magdasal at sumampalataya.
Kumalma at mag isip.
Lahat ng bagay may kaagapay.

Kapag tama na ang panahon.
Kapag kaya na
Kapag pwede na
Kapag dapat na
Hanggang sa muli

My HeartWhere stories live. Discover now