CHAPTER 1: MEETING THE WORST PERSON

17 1 0
                                    

CHAPTER 1: MEETING THE WORST PERSON ..

Shey Yasmin Mendoza's POV

“Please Shey pumayag kana ..”

“Oo nga naman sayang naman kung hindi mo sisiputin”

“Sige ka gusto mo bang tumandang dalaga ..”

Pangungunsyensya sakin ng mga kaibigan ko. Hays -__- bakit ba ang kukulit nila? Ano bang mahirap intindihin sa salitang 'Ayoko'

Ayokong makipag blind date sa kung sino man dahil hindi naman ako bulag para makipag blind date at isa pa hindi naman ako naghahanap ng magiging boyfriend. Im Single and Happy bakit ba hindi nila makita yun?

Napabuntong hininga nalang ako at idinukdok ang ulo ko sa arm chair. Last Subject na namin ngayon pero nagkaroon ng biglaang meeting kaya maagang dinismissed ang klase pero dahil sa mga Autistic kong Kaibigan hindi pa tuloy ako makauwi ngayon. Dapat nasa bahay na ko at nanunuod nalang ng T.V eh!

“Sige naman na Shey sayang din to oh!” pangungulit sakin ni Asha habang niyuyugyog-yugyog ako.

“Oo nga naman pagbigyan muna kami at isa pa ginagawa naman namin to para sayo eh” dagdag pa ni Jane.

“Please Shey last na talaga to promise! Hindi kana namin iseset-up ulit!” narinig ko namang sabi ni Yanna. Napatingin kaagad ako sa direksyon nya.

“Talaga?”

nagtinginan muna silang tatlo bago sumagot. Mga to talaga parang walang sariling utak! Paano bako nabarkada sa mga to e matinong tao naman ako?

Matapos ang Tinginan Session nila ay sabay sabay pa silang tumango. “Totoo ba yan? As in never nyo na talaga ko iseset up sa mga ganito? As in Promise?” paninigurado ko.

“Oo na, basta make sure na hindi ka gagawa ng ikakaturn off sayo ng guy nato okay?” sambit ni Jane.

Teka ano bang nakakaturn off sa ginagawa ko?

“Wala namang nakakaturn-off sakin ha? Sadyang choosy lang talaga ko” confident kong sagot.

Tumayo si Asha mula sa inuupuan nya kanina at nagpalakad lakad na animo pulis na nag iinterogate.

“Wala? Eh anong tawag mo dun sa last time na sinet up ka namin sa Varsity player? Diba nilait mo lang naman sya?” pagpapaalala pa sakin ni Asha.

Ako nanglait? “Excuse me po pero totoo naman ang sinabi ko na hindi sya kagwapuhan at mabaho ang hininga nya. What's so wrong of telling the truth?”

“Shey naman, be sensitive! Paano ka makakahanap ng tamang partner nyan kung lahat nalang ng lalaki hinahanapan mo ng butas.” - Jane

Napatahimik ako sa sinabi nya... hindi naman sa hinahanapan ko sila ng kasiraan pero wala naman akong magustuhan sa lahat ng nirereto nila sakin. Masyado lang sigurong mataas ang standard ko sa lalaki at wala akong balak ibaba yun.

“Omg! Nagtext na yung friend ko! Nandun na sila sa Circum! Ano let's go na?” - halatang excited si Yanna . Naku naman!

“C'mon Shey. This will be the last time, we promise” nakangiting sabi ni Jane.

Ok.

Sapilitan akong tumayo mula sa upuan ko at naglakad palabas sa room. Oh Shemz! Ayoko sa lahat ang mga ganitong meet and greet eh. Ang baduy!

Pupunta kami ngayon sa Circum, yun yung malaking Circle sa may Garden part ng School. Wais din tong mga kaibigan kong pumili ng tagpuan ah! Dun pa talaga sa Romantic Place. Tsk saksakin ko sila eh!

Habang papalapit kami sa patutunguhan namin bigla akong nakaramdam ng something. Yung Strange Feeling. Teka baka naman natatae ko? Pero hindi e kakadumi ko lang kaninang umaga kaya imposible.

Nakarating na kami sa Circum. May dalawang lalaki doon na nakatalikod. Malayo palang halata munang Gwapo sila dahil sa lakas ng Appeal ng likod at Mold Body nila.

“Bryan!” tawag ni Yanna dun sa isang lalaking gwapo at mukang half half .. Sabay namang lumingon yung parehong lalaki.

Red lips, rosy cheeks, messy style hair, perfect face.. hindi ko na yata kayang idescribe ang itsura ng kasama nung Bryan basta ang alam ko Gwapo sya kahit na medyo bad boy ang asta nya.

“Hey Girls ..” nakangiting sagot ni Bryan. Nakalapit nadin kami sa pwesto nila at ngayon ay magkakaharap na.

“Sya naba?” tanong ni Yanna at tumango naman si Bryan.

“Swerte mo Day ang gwapo.” bulong sakin ni Asha. Ok gwapo naman talaga pero hindi ko type hindi ako mahilig sa mga lalaking nakasimangot ang mukhang at parang sinapo lahat ng problema sa mundo.

Seryoso ba silang ganyang mukha ang ihaharap nila sakin?

“ Meet Justin Symond Cruz one of the most Famous Bachelor in our Batch a Hearthrob and a Decent Man” formal na pakilala ni Bryan sa kasama.

Napangisi lang yung Justin. “Correction Bro, Im not one of the …. Im the Only one” pagmamayabang ng lalaking to.

“Yeah right. “ sagot naman ni Bryan.

Sus! Mga taong may aircon sa ulo! Mayayabang ..

“Uhmm eto naman si Shey yung Friend namin” pakilala sakin ni Jane.

Hinead to Foot lang ako ng Justin nato. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung tititigan ako ng walang expresyon.

“Amazed?” sabi ko kay Justin mata sa mata.

“Nah … Disappointed. Akala ko kase maganda at sexy ang makakadate ko ngayon” expressionless nyang sagot.

Lintek! This is the first time na nainsulto ako ng ganito at sa harap pa ng mga kaibigan ko! At ako? Sasabihan nya ng Hindi maganda at sexy? Bulag ba sya? FYI madaming lalake ang pumipila sakin! Mas hamak gwapo pa kaysa sa kanya tapos sya lalaitin lang ako! Unbelivable!

“Don't worry the Feeling is mutual” expressionless ko ding sagot.

Kahit na itago nya napansin ko padin na naasar sya sa sinabi ko.

“What?” asar na tanong ng mokong nato.

“Ah Eh ...” singit naman ni Asha. “Sabi ko disappointed din ako dahil akala ko Gwapo at Desenteng tao ang iseset up nila sakin. Are you sure ikaw yung kadate ko? Hindi kasi ikaw ang tipo ng lalaking papatulan ko ...” kalmadong sagot ko at may sarcasim na tunog. Mamatay sya sa inis!

Napangisi sya pero ngising parang naasar na. Pikon pala to eh! “No one Dare to talk to me like that, hindi mo yata kilala kung sino ang binabangga mo”

“Ahmm wala naman syang ibang meaning dun eh ...” singit naman nitong si Yanna.

“Meron Yanna” singit ko naman. “You said na hindi ko kilala kung sino ang kinakabangga ko? Well You do the same. You dont know me.”

“Whatever” paniningit naman nya sakin. Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad palayo. Takte yun! Wala pang nang ngahas tumalikod sakin.

“I don't care who you are … your not worth for my time” sambit pa nya habang nakatalikod samin.

“Im the most important person here in school I am Worth of anyone's time. Idiot” sagot ko naman. Pinapaalala ko lang na sa akin nakapangalan ang Universiting pinapasukan nya. I am the Heiress of Mendoza's Company. I am worth for everything.

Huminto sya sa paglalakad pero hindi padin sya lumilingon samin.

“Well ….. I am the Worst Person You've Ever Meet ..”

pagkatapos nyang sabihin yun ay tuluyan na syang umalis.

Tsk.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweetness Overload (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon