Lizzie's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na sumisilip sa kurtina ng kwarto ko. Sabado ngayon. So today is a new day. Parang kahapon lang kakastart lang ng summer vacation namin tapos the next day pasukan na agad. Buti nalang naka-enroll na ako sa university na pinasukan ko last year. I'm turning fresh man med college student this school year. Medyo kinakabahan nga ako kasi wala akong friends pagpasok ko sa university na yun. Well, nagtransfer na kasi lahat ng kaibigan ko, so yes, I'm a loner sa darating na pasukan. Sana naman mabilis pakisamahan mga bago kong makakasalamuha. Ayoko ng masyadong papansin, masyadong maarte, masyadong grade conscious, gusto ko Happy go Lucky lang like me. I'm a Class Salutatorian from our batch. I don't know how and why. Di sa nagyayabang pero, di naman ako masyadong nagaaral. Madalang lang akong magbukas ng libro ko. Di din naman ako grade conscious. Basta kahit anong makuha kong grade masaya na ako.
"Lizzie! Breakfast is ready!" Sigaw ni Mama sa baba. Agad naman akong tumayo at naligo na bago bumaba. Pagkatapos ko maligo eh tiningnan ko muna yung schedule na nakalagay sa calendar ko. So I'm planning to buy some things for school, today? Hmm. Agad akong nagbihis at bumaba na.
"Hi Mama! Goodmorning!" Bati ko kay Mama. Nginitian niya naman ako at nag-goodmorning din. "Ma, aalis pala ako ngayon. Bibili ako ng gamit para sa first day ko next week."
"Sige anak." Sumubo muna siya bago kinuha yung wallet sa bag niya tapos binigyan ako ng pera. "Oh ayan anak, magiingat ka ah? Alis na ako. May meeting pa ako with Villaflor company ngayon. Bye anak!" Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi at umalis na. Tinuloy ko nalang ang pagkain ko. Teka bat parang may kulang? Tumingin ako sa paligid, miski sa ilalim ng lamesa sumilip ako. Bat parang wal---
"Looking for me, panget?" Aba nga naman assuming din tong devil na to eh. Siya nga pala si Luke Marvin, ang Kuya kong devil.
"Assuming kang devil ka. Hinahanap ko si Chubs! Nakita mo ba?" Si Chubs yung aso kong chowchow. Oo nga noh?! Kaninang umaga di ko napansin na wala siya sa tabi ko huhu.
"Baka nakalabas? Hala ka Lizzie wala ka nang baby!" Badtrip to pinapaiyak ako lalo. Agad akong tumayo at nagpaalam sa Kuya ko. Hahanapin ko si Chubs! Kinuha ko yung bag ko at hinanap yung susi ng kotse ko habang papalabas. Kaso narealize ko.. Pano ko makikita si Chubs kung naka-kotse ako? Edi nasagasaan ko pa yun? Kaya napagdesisyunan kong maglakad nalang. Hayyyy! Chubs asan ka na ba!
Kung san san na ako nakarating. Naikot ko na ata buong village. Kaso may isa pa akong di napupuntahan. Natanaw ko na yung park at nagsimula nang hanapin ang baby ko. Gosh! Baka narape na yun huhu no way! Naglakad lang ako hanggang sa may napansin akong panyo.
"Huh?" Kinuha ko yun tapos pinagmasdan. Di siya ordinaryong panyo eh. Ang cute niya. Galaxy. From red shade to blue.
"I'll keep this." Sabi ko sa sarili ko tapos bumalik na sa paghahanap sa Chubs ko.
"Chubs baby ko? Mommy is here! Lumabas ka na please! Huhu" sabi ko habang naglalakad ng nakayuko. Maliit pa kasi yun, kakabili ko lang sakanya last last week. Nakayuko ko pading hinahanap baby ko hanggang sa may maka-bangga ako.
"Aray!" "Ouch!" nakayuko din ata siya kasi ulo yung tumama sa ulo ko eh di naman hita -_-
"Sorry miss! May hinahanap kasi ako. I'll be careful next time." Sabi niya sakin. Wow. Ang pogi niya. Shemay. Ang puti. Tas medyo chinito. Napatitig ako sa lips niya. Gosh! Kissable!!!!
"Umm.. miss?" Bumalik lang ako sa katinuan nung tinawag niya ako.
"Ah heh-- Okay lang. So..Sorry den. May hinahanap din kasi ako k..kaya di kita napansin." Sabi ko habang naka awkward smile.
"Ano bang hinahanap mo?" Wow. Pogi sana. Chismoso nga lang.
"Yung baby.. este yung aso ko. Kanina ka pa ba dito? May napansin ka bang aso habang may hinahanap ka?" Makatanong ka naman Lizzie kala mo close kayo. Nako nako.
"Hindi eh. Gusto mo samahan nalang kita maghanap?" Alok niya. Seryoso ba siya? Eh may hinahanap siya diba? Tsaka baka mamaya magnanakaw or kidnapper pala to juskolord madami pa akong pangarap sa buhay kuya. Wag muna please.
"Hmm. Wag na hehe. Kaya ko na to. Salamat. Sige! Mauna na ako. Baka wala na dito yung aso ko. Nice to meet you uhmm..." pagpuputol ko. Ay tangeks. Di ko pa alam pangalan niya kaya dapat talagang di ako sumama sak---
"Lance. Lance is my name." Sabi niya sabay ngiti. Ang pogi talaga waaah!
"Nice to meet you, Lance."
"And you are?" Sasabihin ko ba? Sasabihin ko baaaa?
"Lizzie."
"Nice to meet you too, Lizze." Nginitian ko nalang siya tapos nagsimula na ulit maghanap kay Chubs. Waaaah! Asan na ba kasi yung asong makulit na yuuun?
BINABASA MO ANG
The Best
Teen FictionA girl group comprised of a grade conscious, fashionista, maingay, mabait, and a happy go lucky. No prologue needed. Enjoy the story.