2

3 0 0
                                    

Lizzie's POV

So I'm here at National Bookstore para bumili ng mga gamit ko. And yes, nahanap ko na si Chubs. Juskolord nasa ilalim lang pala ng kama ko. Buti kamo umuwi ako kundi nabaliw na ako kakahanap sakanya. Sinapak ko siya pagkakita ko sakanya. Syempre joke lang, di ko magagawa yun. Matapos ko siyang makita.. sa ilalim ng kama ko, pinakain ko na siya tapos dumiretso na ako dito sa SM para makabili na ng mga gamit ko.

Fortunately, wala masyadong tao. Why? Malapit na pasukan ah? Bat di pa nagsisi-bilihan mga tao? Hmm.. kumuha ako ng 3 sets of ballpen tsaka 3 notebooks. Yun lang binili ko. 

Actually, kain talaga ang pinunta ko dito. Tsaka nababagot na ako sa bahay kaya napagisip isip kong umalis. Niyaya ko mga kaibigan ko, pero nabigo padin ako. May mga kanya kanya silang lakad. Hays. Pagkatapos kong bayaran mga pinamili ko, dumiretso ako sa may food court. 

And wow.. napaka-daming tao. Kaya naman pala wala masyadong tao sa NBS kasi nandito silang lahat. Nakalimutan kong Lunch na pala. Kaya pala kanina pa kumakalam sikmura ko. 

Nag-order muna ako sa favorite kong korean stall dito bago naghanap na ako ng mauupuan. Naikot ko na ata buong food court, wala padin akong mahanap na upuan. Halos lahat puno na. May nakita akong 2 babae lang sa isang table na kumakain. Pwede naman ata akong maki-share sakanila noh?

"Ahm.. excuse me? Can I share a table with you?" di nila ako pinansin. Patuloy padin silang dalawa sa pagkain. Mukhang di sila magkakilala. Napa-buntong hininga nalang ako bago umupo na.

Nagsimula na akong kumain. Tumingin sakin yung isang babae na maliit yung mukha tapos chinita, nginitian ko siya bago nginitian niya din ako. Mabait naman pala to. Maganda pareho yung dalawang babae. Hiyang hiya naman daw yung kagandahan ko sakanila gosh.

Pagkatapos kong kumain eh umalis na ako. Di na ako nagpaalam sa dalawa kasi di ko naman sila kakilala. 

Dumiretso ako sa department store para makabili ng regalo para sa pinsan ko. Birthday niya ngayon so di pwedeng hindi ako pumunta.

Nagtatampo na nga yun sakin kasi sa buong bakasyon halos dalawang beses lang ako nakapunta sa bahay nila. Pagkatapos ko makapili ng regalo pumunta ako sa gift wrapping station tapos nagdrive na ako papunta sa bahay ng pinsan ko. Dun daw kasi gaganapin yung party.

Masyado pa nga akong maaga kasi alas sais pa yung party pero alas tres papunta na ako. Di naman kalayuan yung bahay nila. Panigurado madaming bisita yun, peymus yun eh.

----

Nang makarating na ako sa bahay nila pinark ko na yung kotse ko sa garahe. Malaki naman yung garahe nila. We're allowed to park here since magkamag-anak naman kami.

"Good afternoon ma'am Lizzie." Bati sakin nung mayordoma dito, si Ate AC.

"Good afternoon po. Nandiyan si Von?"

"Opo ma'am. Nasa kwarto niya po." Nginitian ko si Ate AC bago dumiretso sa kwarto ni Von. Rusell Von Chua is my cousin. Si Von ang pinaka-close ko sa tatlong Chua. Si Kuya naman si Van tsaka Ven yung kaclose.

"Von? I'm here." Sabi ko bago binuksan yung pinto ng kwarto niya. Napaka-linis ng kwarto niya. Unlike sa ibang boy's bedroom na napaka-dumi.

"Marivaux?" I hate calling me Mari-- ugh.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong Lizzie ang itawag mo sakin? By the way, Happy birthday!" Sabi ko sabay upo sa may study table niya.

"What are you doing? Diba dapat nagpe-prepare ka para sa birthday party mo mamaya?" Pagpapatuloy ko habang tinitingnan yung mga gamit niya.

"YAH!" Bigla siyang sumigaw, muntikan ko na mabitawan tong hawak ko. Nati-timang nanaman to. "Akala mo ba hindi ako nagtatampo sa'yo?! Di ka na nga bumibisita dito sa bahay tapos iniwan mo pa ako! Diba ko sa'yo sabay tayong mageenroll?!!" shocks. Oo nga pala.

"Ahh.. Ehh.. Sorry na! Nawala sa isip ko eh heh peace na tayo bespin" sabi ko habang naka-peace sign tapos awkward smile sakanya. Bespin ang tawagan namin, short for Best Pinsan. Corny noh?

"Tss. Yan tuloy! May nakilala akong asungot na babae sa school." Sabi niya habang may hinahanap na kung ano sa bag niya. "Akala mo kung sino kung makapag-siga sa school eh. Oh ayan! Naiwan niya pa yung relo niya! Napaka-burarang asungot na babae" sabi niya. Umuusok na ilong netong pinsan ko. Galit na galit ha?!

"Galit na galit pre?! Babae yun! Easy ka lang. Baka malusaw kapogian natin niyan! Ayieee" sabi ko sabay kindat sakanya. "Joke lang. Baka lumaki ulo." pagpapatuloy ko sabay poker face.

"Tss. Alam kong babae siya, pero ayun na nga eh!! Babae siya! Nakikita mo to?!" Sabay turo sa may braso niya. Shocks! May pasa! Maliit lang naman. Eto namang si ako, kung makapagreact eh kala mo pang-horror yung nakita.

"Sinuntok niya ako! Kapag nakita ko talaga yun makakatikim yun sak--" natigilan siya nung nakita niyang masama tingin ko.

"--ng power hug!" Napa-angat pa siya tapos nginitian ako. Buti naman na-gets niya.

"Rusell Von!" Huh? Napatingin ako kay Von. Si Tita Vien?! Nandito na?! Kelan pa?!

"Yes, that's mom. Last week pa siya nandito. Sabi ko kasi sa'yo pumunta ka, sabi mo naman busy ka. Busy? Sa pagtulog? Nako naman Mariv--" Tumakbo ako pababa, di ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Tita Vien!!

Naabutan ko si Tita Vien na nagaayos ng table sa may garden.

"Tita Vieeeen!" Sigaw ko.

"Oh? Mariv--este Lizzie! Nandito ka pala?!" Niyakap ko siya pagkapalit ko sakanya.

"Namiss kita Tita!!"

"Tss. Mom, may kailangan yan sa'yo kaya nagmamadali." Nandito na pala siya. He really know me.

"Ahh." Natawa si Tita sa sinabi ni Von. "Wag ka mag-alala Lizzie, may pasalubong ako para sa'yo galing Korea. Kunin mo nalang sa kwarto ko mamaya." Napatalon naman ako sa saya! May bago nanaman akong damit tsaka sapatos galing Korea! Kada uuwi kasi si Tita, may dala siya parating madaming damit tsaka sapatos.

"Marivaux! Mukha kang asong pinapakain! First time mo bang mabigyan?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga panira to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon