02-who's that?

11 1 5
                                    

SELENA.

"Kaye...?"

"Hmm?"

"ayaw kong pumasok"

Nandito kami sa burol ni Jella.. natatakot akong pumasok dahil parang di ko kakayanin na makita ang bestfriend ko na hindi na humihinga

"Don't be scared"

"It was my fault.. kung pinigilan ko lang sana siya.. dapat buhay pa siya ngayon" naiiyak ako habang sinasabi ko yun

"ssh ssh ssh.. don't act like a baby.." sabi ni kaye habang ako ay pinipigilan ko ang pabagsak na luha ko at tumango sakanya

"Let's go.. hinihintay na niya tayo sa loob.. baka mainip yun" pabiro ni kaye na nagpangiti sakin

"Ya.. for sure maiinip yun" sabi ko habang pilit na ngumingiti sa sinabi ko

"Tita.. condolence po" sabi namin ni Kaye sa mommy ni Jella na nasa harapan at umiiyak pa din

"Masyado pang maaga anak.. bakit mas nauna ka pa sa amin ng mommy mo?" napalingon kami kay tito na nasa harapan ni Jella at umiiyak din.. may sakit sa puso si tito.. at alam kong masakit sakanya na mawala ang kaisa isa nilang anak lalo na't dikit na dikit sakanya si Jella

"Tito.. halika na po.. makakasama po sainyo yan" nakita din namin ang pinsan ni Jella na inaaya na si tito na umupo muna

"Uy! Jella... gising na tanghali na..madami ka ng assignment at lessons na namiss.. papagayahin nalang kita para di kana bumagsak.. kaya pls bumangon kana diyan.. wag ng makulit" sabi ko na parang kinakausap ko ang Jella na may buhay kaya di ko na napigilang umiyak

"Sssh... wag ka ng umiyak.. aasarin ka ni Jella" sabi ni Kaye na inaalo ako

"Sa ganitong sitwasyon.. gustong gusto ko na marinig ang pang aasar ni Jella sa'ting dalawa" sabi ko habang nakayakap kay Kaye pero walang sinabi si Kaye

"Ano na Jella? inabot kana ba ng langgam diyan?" sabi ko at mas lalo lang akong umiyak

"Sssh.. tama na" sabi ni Kaye

"Gusto ko ng hustisya sa anak ko! gawin niyo ang lahat para mahanap kung sino mang hinayupak ang gumawa nito sa kanya!!!" napalingon kami sa sigaw ni tito habang kaharap niya ang mga pulis

"Ginagawa na ho namin ang lahat para mahanap ang suspek sa pagpatay sa anak ho ninyo" sabi nung pulis

"Talagang gawin ninyo ang lahat kundi ako ang hahanap sa hayop na yun at ako din ang papatay sakanya!!" sigaw ni tito at bigla siyang napahawak sa dibdib niya at inalalayan naman siya ni tita at ng iba pang mukha na di pamilyar sakin

"Mauna na ho kami" sabi nung pulis at tumalikod na siya para lumabas

"Kaye?" tawag ko kay kaye pero nakita kong galit ang mukha niya at nakakuyom ang kamao niya habang nakatingin sa ibang direksyon kaya napalingon din ako kung saan siya nakatingin..
may isang lalaki na naka hood sa isang pinto and i think its an emergency exit kasi medyo madilim dun..

"Who's that?" tanong ko kaya napalingon siya sakin

"You can see him?" gulat na tanong niya sakin kaya parang na curious ako

"Ah.. ya.. may mata kasi ako Kaye" sabi ko at lumingon ulit kami sa pinto kung nasaan yung lalaki na naka hood pero wala na siya dun sa pwestong yun at parang natakot ako dun ah

"Tara na.. umalis na tayo dito.. magpanggap ka nalang na wala kang nakita" sabi ni Kaye habang hawak niya ang kamay ko kaya at medyo naninibago ako ngayon sa kilos niya.. napaka seryoso na niya tingnan at di ko na makita yung dating Kaye

"Sakay na.. wag ka ng lilingon" sabi ni Kaye at mabilis niya akong pinapasok sa kotse at siya na rin nagsarado nun.. pag alis ni Kaye sa may pinto nakita ko ulit yung lalaking naka hood sa may iskinita.. parang tinatawag niya ako at pakiramdam ko nakatingin din siya sakin

"Selena" napalingon ako kay Kaye di ko alam na nakapasok na din pala siya

"I said don't look anywhere" seryoso ulit siya at pakiramdam ko sinapian siya ng kung ano, natatakot na ako sa pinapakita sakin ni kaye

Naging tahimik lang ang byahe namin.. di na din ako nagsalita dahil natatakot ako kay Kaye.. at ganun din siya.. wala siyang pinapakitang ibang reaksyon kundi ang seryoso niyang mukha..
nakarating din kami sa bahay at bumaba ako agad ng hindi ko nililingon si Kaye

"Selena wait!" sigaw ni Kaye kaya napatigil ako sa paglalakad pero di ko siya nililingon

"I'm sorry.. may problema lang ako.. at alam kong nadamay kana dun.. ayaw ko lang na may mangyaring masama sayo kaya ganon nalang ako magsalita kanina" sabi ni Kaye at alam kong seryoso siya sa tono ng pananalita niya.. pero ang di ko lang maintindihan.. anong problema ang tinutukoy niya at nadamay ako

"Bye.. pls lock your door and window before you sleep.. and take this" at may binigay siyang kwintas sakin na hugis bilog na bato

"Why?" tukoy ko dun sa kung bakit ko ila-lock yung pinto at bintana.  at ginagawa ko naman talaga yun eh

"Just do it" sabi niya at umalis na

***

Di pa din ako nakakatulog.. pinagmamasdan ko lang ang suot kong kwintas na bigay ni Kaye at sa pagkakaalam ko may ganito din siyang kwintas pero ginawa niyang bracelet

"What is happening Kaye? bakit ganyan ka nalang kung magsalita?" sabi ko habang nakatingin pa din sa kwintas ko

"Because she don't want to loose you too" bigla akong napa bangon sa kama ko ng may marinig akong ibang boses

"So you can hear me too?"

"May tainga ako malamang! ikaw ata ang walang utak dahil tinanong mo pa yan! sino ka?! magpakita ka!" lakas loob kong sinabi kahit takot na takot na ako

"I mean is.. its not normal to you to see and hear me.. you're a mortal.."

"Of course i am!"

"Or she did something special to you? so that you you can see and hear me"

"What the hell are you talking about?!"

"Ooh.. you don't have an idea? maybe she used her amnesia trick" sabi na naman niya at parang naku-curious ako lalo

"Show your self!" sigaw ko

"I can't" napa smirk ako sa sinabi niya

"Then you're not a man!"

"I am.. if you remove your necklase.. i can show myself then" sabi niya kaya napatingin ako sa kwintas na suot ko.. dagdag curious shit! ano ba ang kwintas na 'to! is this a bad luck!

"Promise?" kahit parang bata ako sa way ng pagsabi ko nun.. sa loob loob ko natatakot ako sakanya

"Ya" tanging sabi niya at tatanggalin ko na sana yung kwintas ng may

(tok! tok! tok!)

"Mom?" tanong ko sa kumakatok dahil baka hindi si mom ang kumakatok kundi yung lalaking yun

(tok! tok! tok!)

Unti unti kong binubuksan ang pinto ng itulak iyon ng nasa labas

"Aaaaaaaaaaaaah!!!"

***

My name is TROUBLE (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon