6 - Sa Ibang Bukas

6 0 0
                                    

"Papa, meron tayong problema." 

Tumindig ang naka unipormeng lalaking may ranggong Captain at may apat na guhit sa insignia sa kanyang balikat, May badge ng parajumper sa kanyang kanang dibdib at may Bandila ng Pilipinas sa baba nito. Nakakalat sa kanyang computer desk ang mga papel at ballpen na puno ng mga guhit, Ang kanyang computer desk na nakalinya sa sampu pang ibang computer desk sa loob ng isang High Security Zone na gusali.

Sa harapan ay makikita ang isang malaking LCD screen na maraming orasan, at makikita ang Mapa ng Pilipinas, Ang Luzon Visayas at ang Mindanao.

"Captain Lazaro, paki-tawagan nga si Papa sa Pentex at pakisabihan na puntahan agad ang NTRC. Ngayon din."

"Yes Captain, tinatawagan ko na." tugon ni Captain Lazaro, isang dalawampung taong gulang na graduate ng Unibersidad ng Pilipinas na may Degree sa Physics.

DInial ng mabilis ni Captain Lazaro ang direct line sa Pentex, ang Defense Nerve Center ng Pilipinas sa Clark, Pampanga.

"General Malayag, may R1 Alert Situation po kami dito sa NTRC. Gusto po kayong kausapin ng inyong anak."

"Allison, di mo gugustuhing kausapin ang heneral sa ganitong oras. Alam mong nasa Joint Chief of Staff Meeting ako ngayon.

Anak ng tipaklong. Put me through, Allison." Tugon ng matandang boses ni General Malayag,  na may apat na bituin sa kanyang balikat, nameplate sa kanyang kaliwang dibdib at maraming bandila sa kanyang kanang dibdib.

"Captain Malayag, ang inyo pong ama, Line 7 po." Tugon ni Allison.

"Salamat Allison."

At mabilis na pinindot ni JC ang *1 sa kanyang Cisco Phone at nag connect ang tawag sa kanyang ama.

"Papa, may malaki tayong problema." Sabi ni JC.

"Ano na naman? Babagsak ang ekonomiya? Gigiyerahin tayo ng China? Magreresign ang Pangulo? Ano na naman ang nakita mo?" Pagalit na tanong ng matandang Malayag.

"Tungkol kay JP ito." Pag-alalang sagot ni JC.

Napakamot ng ulo si General Malayag sa kanyang narinig.

"Ano tungkol kay JP?" Tanong ng kanyang ama.

"Lumitaw na naman sa Time Realignment Chart namin dito na mukhang hindi na naman siya lalagpas sa susunod na buwan. Katapusan na ito ng lahat ng pinaghirapan natin, Dad." Sabi ni JC.

"Hindi ba't sa lahat ng Tme Realignment Probabilities ay nakita mo nang ang sakit ng ulo nating ito ay hindi pa lilitaw sa susunod na sampung taon? Anong pinagkaiba ngayon?" Tanong ng kanyang tatay.

"Si JP mismo ang magpapakamatay. At dahil makikickout siya ng La Salle, dad." Pag-alalang sagot ni JC.

"Okay. Magpatawag ka ng emergency meeting ngayon din sa Pentex. Isama mo ang Department of Defense, ang NTRC Director, ang NCSS at pati ikaw sumama ka na din.

Handa ka na ba?" Tanong ng kanyang tatay.

"Pa, may isang linggo pang training ang kailangan kong tapusin para maging handa ako." Tugon ni JC.

"Puwes mapag-uusapan naman yan. Kailangang maliko ang timeline ni JP, kung hindi ay tapos na ang bansang ito. 

Binaba na ni General Malayag ang Telepono.

Allison, sumunod ka sa akin, ngayon din.

Lumakad ng mabilis si Allison kasama si Captain Malayag at naglakad papunta sa opisina ng direktor ng NTRC. 

"Allison, ilang modules pa ang kailan kong tapusin sa aking Space-Time Survival Training?" Tanong ni JC.

"Isa na lang, Captain Malayag. At ito pa ang pinakamahalaga, Rescue Operations." Sabi ni Allison.

"Kaya naman siguro mapag-aralan yan sa biyahe, o kahit pag nandun na sa kabilang ibayo." sambit ni JC sa kanyang sarili.

Kumatok si JC sa opisina ng direktor ng National Time Reconnaissance Center.

"Come in," Sabi ng Direktor na nakaupo sa kanyang opisina, at may pangalang  Director  Maria Anna Pastrana sa harapan.

"Director Pastrana, nagpapatawag po si General Malayag ng Emergency Meeting sa Pentex, ngayon din. Handa na po ang ating sasakayan sa labas."

"Bakit, ano nangyari? Akala ko ba ay wala tayong nakitang time defect sa susunod na sampung taon?" Pag-alalang sagot ng direktor.

"Director, ang natitirang pag-asa ng bansang ito ng huwag giyerahin ng Tsina, o maging diktadurya o kaya naman ay maging isang bansang walang Mindanao ay nangananib pong mabura sa Time Realignment Chart ng bansa.

Katapusan na po ito ng lahat ng ating pinaghirapan, director."

"Sandali lang at maghahanda lang ako pati na ang aking laptop."

"Allison, siguraduhin mong hindi kakalat sa media ang balita. Siguradong malaking balita ito at maging sa mga rebelde ay kikilos silang mabilis pa sa alas-kuwatro." Utos ni JC kay Allison.

"Yes Captain. At oo nga pala, nasa Sat Phone niyo po ang director ng NCSS." Dagdag ni Allison.

"Director Ragos, simulan niyo na ang pag energize sa National Grid at ihanda niyo na ang Hiraya. May kailangan tayong iligtas." Dagdag ni JC.

"Naghahanda na po kami Captain Malayag. Sasama na din po kami sa Emergency Meeting mamaya." Binaba na ni JC ang linya.

Nagmamadaling bumaba si JC, Allison at Director Pastrana sa lobby at nakahanda na ang Ford Explorer na kanilang sasakyan sa labas. Kaagad nagmadali ang Ford Explorer sa kahabaan ng Expressway at wala pang isang oras ay nasa Pentex na sila.

Ang Pentex ay ang sentro ng Defense Systems ng Pilipinas, kung nasaan ginagamit ang modrenong teknolohiya upang bantayan ang teritoryo ng Pilipinas, ngunit hindi handa maging ang Presidente ng Pilipinas sa kanyang maririnig sa pagpupulong na ito.

Pagpasok ni Direktor Pastrana, JC at Allison ay bumungad ang malaking bulwagang pabilog, kung nasaan nakataas ang bandila ng Pilipinas at maging ang sangay ng militar, Ang Navy, Air Force at Army at mga letrang 'Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.' 

Magandang Gabi Captain Malayag, General Ireneo Avendano ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas. This way please. Dun po tayo sa Conference Room A.

Naglakad pa ng ilang metro ang Heneral kasama si JC at sa kanyang pagpasok, ay bumungad ang isang malawak ng silid, nagkakagulong mga heneral, mga nag dedebateng siyentipiko at inhinyero.

Sinalubong si JC sa kanyang Ama na kaagad siyang nilapitan.

"Dad, mukhang malaking gulo ito." Sabi ni JC, sabay yakap sa kanyang ama.

"Joint Chiefs of Staff ba naman ng AFP ang sabihan mo na may mangyayari, aba eh ewan ko na lang. Kalmahin ko muna, shall we?" Sabi ng matandang Malayag.

Ladies and Gentlemen. Panimula ni General Malayag.

Di pa rin natinag ang bulwagan.

"LADIES AND GENTLEMEN!" Pasigaw na ni General Malayag.

"General Malayag, nasa linya na po ang Presidente at Bise Presidente ng Pilipinas." Tugon ni Allison na kinakalikot ang kanilang conference bridge.

Tumahimik ang bulwagan at nagsimulang magsalita ang matandang Malayag.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapag Ako'y Malapit Nang MamatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon