5 - Huling Araw ng Impiyerno

10 0 0
                                    

Ang sarap tumingala sa kalangitan kapag gabi. Ang daming bituin. Bukod pa sa mainit na hangin ng Abril, hindi ko pa rin maisip ano pwedeng mangyari sa Monday, araw kung saan malalaman ko kung magpapatuloy pa ako sa pangarap ko maging Aeronautical Engineer.

Ang ganda ng buwan ngayong gabi. Kung pwede lang eh tumingala na lang buong gabi, pero kailangan ko mag-aral para sa Statics bukas.

"Nandyan ka pala, JP."

Jasper pare. Paano mo nalaman nandito ako sa rooftop?

"JP, 2 years na tayong magkaklase, 2 years na tayong magkasama kumain, kung pwede lang eh magkapalitan na tayo ng mukha sa sobrang dikit natin."

Ang cheesy mo talaga. Tsk.

"Dude, magkaroon ng kaklase na tinulungan ako nung Freshman Year dito sa Laguna, kahit alam mong taga Davao ako, bro, that's big business for me." Sabi ni Jasper.

"Wala yun, ikaw naman oh. Tutal, piling pili lang din mga taong pinakikisamahan ko." Sagot ko sa kanya.

"Ano na namang iniisip mo, yung quali results mo for Junior Year?

"Oo Jas, buti nga last subject na bukas eh. Sana di ako magbreakdown, kasi pag hindi pa ako pumasa sa last subject na to, di ko na alam ano gagawin ko." Sabi ko kay Jas.

"JP, hindi ikaw yung taong kilala ko na sumusuko. Ever since Freshman year, fighter ka na.

Naalala ko pa yung panahon na nag CPR ka dun sa isa nating kaklase. Or yung ipinadala ka sa Villamor Air Base para maging Parajumper. Oh yung niligawan mo si Angela."

"Si Angela? Oo yun, pinaalala mo pa yun. Di ako sinagot eh. Anong magagawa ko." Sagot ko kay Jas pagkatapos ng mahaba niyang litanya.

Pero nagbreak din kami after niyang tumakbo sa akin.

"Ano Jasper? Naging kayo?" Pabalang sa tanong ko kay Jasper.

"Oo, naging kami. Naging kami ni Angela. Pero niloko din ako. Naka-isang taon din kami. Maganda na, mabait na, running Cum Laude pa. Pero sinong mag-aakala.

Sorry di ko sinabi sa iyo, JP."

Wala yun dude, lipas na yun. 

Nakapag-aral ka na sa Statics?

"Last chapter na lang Jeyps. For sure nangangalahati ka na rin."

Last 3 chapters na lang nung book then tapos na ako. Pinaghandaan ko talaga to kasi alam kong mahirap. Alam kong makakabawi ako sa lahat ng bagsak ko. 

"JP Pre, maraming salamat talaga sa lahat ng pinagsamahan natin."

"Ano ba Jasper, tinatakot mo ako eh. Parang mamaaalam ka." Sabay suntok ko sa dibdib ni Jas.

"Kaya mo yan bro. 

Baba na ako sa room." 

Bumaba na si JP sa Room namin at tumingala pa ako ng ilang minuto, sabay kabisado ng ilang formulas para may memory retention. Narinig ko na may kasunod sa kanyang umakyat.

"JP! Yung crush mo paakyat na diyan! Haha!" Sabay kantiyaw ni Jasper.

Pagtalikod ko, tinapik ako ni Mel. 

"Uhmm, Me-Mel! Wow nice to see you here sa rooftop! Ano ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hi JP! Nag-aaral din ng Statics. Nangangalahati na rin ako and last 3 chapters na rin." Sabi ni Mel.

Uyy tamang tama, sabay na lang din ako mag-aral sa iyo para ayos. Tutal kabisado ko naman mga formula, sasabayan ko na lang mag solve.

Lumipas ang buong magdamag na nag-aral kami ng Statics ni Mel. Bukod kay Angela, Si Mel ang isa sa mga taong special sa akin. Pero dahil best friend ko siya, namimihasa pa akong ligawan siya dahil masisira ang pagkakaibigan namin.

Kapag Ako'y Malapit Nang MamatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon