Panginoon

148 1 0
                                    

Pinulot Mo ako do'n sa kadiliman;

Minulat Mo ako sa ganda ng buhay.

Napunan ang puso ng 'yong pagmamahal,

At sa akin din ay lubos gumagabay.


Salamat sa Iyong mga biyaya sakin;

Kahit Iyong anak ay iyong hinain

Nagpakasakit pa para lang sagipin

Ang tulad kong sa'yo'y minsan ay suwail.


Hindi ko po kayang mawala

Ang nag-iisang D'yos na sami'y lumikha.

Pakundangan saking nagawang masama

Ngunit alam ko na alam mong mahal Kita.

PanginoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon