Chapter Four

4 0 0
                                    

Ilang araw din akong nagkulong sa kwarto feeling ko kasi wala na kong kwenta eh. Nawawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay.

Sobra ng nag-aalala sina Mama at Papa sa kalagayan ko konting-konti na lang daw mababaliw na ko.

Sobrang puyat ako ng tumawag tong si Darius, date daw kame! Hay ayoko sana kaso makakaayaw pa ba ko?!

*

Tulad ng sinabi ko mag d-date kame ngayon ng pinsan ko. At yun nga andito siya ngayon.

"Tita,alis na po kame!"paalam nito.

"Ingat kayo! Bantayan mo yan!"tas sabay turo nito sakin.

"Ma naman ee!"naiirita ako

"Biro lang nak."tas nag sign lang ito na pinapalayas na kame.

*

"Anong ginagawa natin dito?"takang tanong

"Mamimili! Tara GORA lang gurl!"sabay hila nito sakin.

"Darius n-naman ee"reklamo ko. Pero gusto ko ung idea nyang mamimili daw kame.

"Gurl! Pakipot pa eh!"

Dinala niya ako dito sa mga Teddy Bears 'WOW'

Ang c-cute nila.Sana isa na lang ako sakanila yieeeeee ..

"'te laway mo po!"geez tong baklang 'to.Bumilog naman yung mata ko. Kala ko nga totoo eeh nakakahiya pag nagkataon.

"Pili kana! Libre ko!" de? haha.Kelangan ko pa talagang broken ako tsaka siya manlilibre how 'SWEET'

Nilingon ko naman siya "Talaga?!" para sure uy! Madame kasing alam sa buhay tong baklang to eh.

Napaatras naman siya sa tinanong ko"Hoy umayos ka nga! Nakikilabutan ako sa hitsura mo!"

Napailing na lang ako! Ganun ba kasama hitsura ko! Loko to.

"Pili na"sabi nito. Kaya pumili naman ako.

"Yun! Yun ang gusto ko!"sabi ko sabay talon ng talon

"Baby! Wag na po ikaw talon ng talon aah"he pouted nakakatawa baby niya ako? Nahiya naman ako."DAHIL HINDI BAGAY SAYO!"bibigla nitong sigaw.Patayin ko kaya siya sa isip ko walang modo.Pahiyain ba naman ako.

"Bat ka ba naninigaw aah??!"frustrated itong tumingin sakin tapos ay sabay turo nung upuan dun muna daw siya. So nagkibit balikat na lang ako at pumili na nung mga cute na bears.

*

Yehei! May triplet bears nako. "Pinsan!"feeling ko di na ko makakahinga! Buhat buhat ko ngaun yung tatlong naglalakihang teddy bears.

"GANYAN KARAME??!"hahah kahit di ko siya nakikita alam kong nakakatawa hitsura nya. Kuripot nya pag di ito nabayaran ito na nga lang pagdadamot pa.

"Marame na ba 'to aah?! Para tatlo lang ee!"

"Nakakatakot pa lang manlibre sayo! Nang-aabuso! Kaloka"

"PLEASE INSAN!"

Hindi ito sumagot, kinuha nya lang sakin yung isang cute teddy bear at nilapag pababa tapos sabay kuha naman nung isa.

"Gwapo mo po Insan!"

"Kailangan talagang mambola?! Thanks sa compliment 'Matagal' na gurl!"ngumisi lang ako dito.

"Hahah! Bakla seryoso ka?"binatukan naman nya ko bigla.

"Sorry Darius, galit ka ba 'ge ibabalik ko na to."

"Gaga! Wag na, may nakita lang kasi ako kaya na tameme ako for a while! Aya Rain faster kailangan nating magmadali."sabi nito.

"Papabols? Why so RUSH!"pang-aasar ko.

"Bayaran na natin yan ng makaalis na"yaya nito sabay kaladkad nung mga teddy bears. Dalawa kasi yung kinakaladkad nya tapos ay itong isa hawak-hawak ko.

"Pinsan, wag mo kaladkarin nasasaktan ako"

"Aba 'te! Ikaw to?! Dalian mo"

Tumawa lang ako ng tumawa.Nauna itong pumunta sa counter at nakakunot noong tumingin sakin. Pinandilatan ko lang naman sya. Tapos palakad kong niyayakap yung bear at inamoy amoy na dahilan naman para takpan yung mukha ko.

"Love! Yun oh, yun yung sinasabi ko sayo!"dinig ko sa likuran ko. Pero pake ko ba kung ano tinutukoy nila? Kaya naglakad ulit ako ng pigilan ako ng isang boses babae. Yung babae kanina so Bear ko ata tinutukoy niya.

"Miss wait!"

Kaya humarap naman ako. Nakarinig ako ng mga yabag papalapit na sila. Nung huminto na nagsalita ulit yung babae.

I'm so addicted sa amoy nitong Cutie Bear ko. Kaya nakatakip pa din yung mukha ko.

"Love! Yan yung sinasabi ko sayo nakakainis ka ayan tuloy wala ng stock." parang familiar yung boses.

"Sorry na love! Iba na lang kasi pwede ba yun?"totoo ba to? Syeeeeet.. Si Lay at Ayako.

"Gusto ko yan ee!"nagsalita ulit yung babae. At kumpirmadong si Ayako nga.

"Pakiusapan natin!"bulong naman ni Lay na obviously dinig naman. I heared Ayako chuckled. Yuck!

"Miss pwde ba------" hindi ko siya pinatapos dahil binababa ko yung bear pagkatapos ay nagulat sila sakin. "Kita nyo namang hawak-hawak ko na diba? Means, akin na bibilhin ko na wag na nga kayong mapilit Potek! Kapal. Magtataka pa ba ko? Teddy Bear pa kaya ang hindi maagaw?! Haha! Seriously?!"nakita ko naman silang gulat na gulat! Kinuha ko yung bear, nag-iba isip ko nawalan ako ng gana. Lalo pa't gusto din iyon ni Ayako. Kaya naman kinuha ko ito at ibinigay sakanya.

"Baka isipin mo ang damot-damot ko! Sige sayo na!"walang ka emo-emosyon kong sabi pagkatapos ay tumalikod nako.

Yung luha ko di ko nanaman magawang pigilan kaya tumakbo na ko't lumabas ng mall.

*

Naglalakad ako ngayon sa kawalan! Kanina pa tumutunog phone ko .

Pero wala ako sa mood para sagutin iyon.

Sa kakalakad ko di ko namalayan yung oras.

6o'clock na pala.

Shunga! Para kong zombie mula kanina. At ngaun ko lang napansin. Potek baliw na nga talaga ako.

Tatawid na sana ako nang may ilaw na paparating, ilaw nga ba?

Hala kotse! Ewan bahala na pipikit na lang ako. Patay na kung patay di naman ako yug makukulong.

1mins. Later

Bakit wala akong naramdaman na sakit? Wala nga ba? Baka naman sumakabilamwg buhay nako.

Natauhan ako bigla nang may bumusina na pang ilang ulit.

At kalaunan ay bumaba "DAMN! Ikaw nanaman?!"

My Playfull LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon