--
"Ipaliwag n'yo nga? Gabi na ah? Bakit magkasama pa kayo?, at ikaw iho! Bakit hawak mo kanina ang kamay ng anak ko."sunod sunod na ask ni Mama ko. Showbiz lang =_=
Dahil katabi ko nga itong lalakeng 'to aba syempre tinignan ko lang siya ng 'Bahala kang magpaliwanag'--look
Tumikhim lang naman ito tsaka nagsalita.
"Ito po kasing Anak n'yo ang tigas-tigas po ng Ulo! Kanina nga po eh. Malapit ko ng mabundol!"totoo naman lahat nung sinabi nya . Patay ka kay Pops ko malapit mo kong mabundol eh.
".. Ewan ko nga ho! Dito eh, nung una dinala ko sya sa Hospital dahil nga nahimatay s'ya! Pangalawa naman po sa Bar! At pangatlo! Sa may Kalsada nanaman po. Kung di ako nakapagpreno . . Ewan ko nalang."may dagdag pa pala akala ko tapos na . Tinignan ko naman yung tatlong nasa harap ko.
Papa-Mama-Darius
"..Alam mo Anak! Kung na i-stress ka dahil pinagbabawalan ka namin ng Mama mo na mag boy--"hindi nito natuloy kasi sumabat naman si Mama.
"Ikaw lang kaya! Honey."di nito pagsang-ayon.
"sa pagkakaalala ko Honey si-----"
"Ginatungan lang kita!"ani Mama nung pinutol yung sasabihin ni Papa.
"Mawalang galang na po . Tito and Tita! Pwede po sila unahin nyo. ."ani naman nitong si D.O na wagas kung makangiti.
Nanatili kaming tahimik dalawa..
"Ehem! From now on anak! Okay na sakin na mayroon kang Boyfriend kaya wag na mag-alala! Okay?!"ani Papa.
"Nakakatakot ka pala 'nak pag may tinatago! So okay ba?"seryoso naguguluhan ako sakanila.
"So Man! Sana alagaan mo anak namin! Wag mong papaiyakin yan."
Kumurap kurap muna 'ko.
"Ano po?"paglilinaw ko.
"Sinabi na sakin ni Darius, nahihirapan ka na daw pumili . Kung ang boyfriend mo daw O'kame! Kaya naman ayos na saamin kung magka boyfriend ka man. Wag lang pabaya sa pag-aaral hah? . G-graduate ka pa man din!"ani ni Mama, na ikinagulo lalo ng utak ko. So ridiculous.
"....Darius!"ani ko dito. Nang-iwas naman sya ng tingin. Luh! Malala to.
Tinignan ko naman yung katabi ko. Ang guess what? Para namang nanigas sa kinauupuan.
**
"...Oh? Bakit di ka nag disagree kila Papa?"reklamo sa ungas na 'to.
"Ewan, diko magawang magsalita kanina!"ani naman ng lokong 'to.
"At ikaw naman!"sabay tutok ko sakanya. Kanino pa nga ba? Kay Darius lang naman. Har!Har!
"...eh, wala naman na kasi akong maisip ng lusot. . Ano namang gusto mong sabihin ko? Na, hindi ka parin maka move on dun sa pagsulot ng bestfriend mo sa boyfriend mo?.tsk. Gaga!"at dun ako natauhan.. Aist ang dalawang yun. . Tadyakan ko sila pareho eh.
"..natameme ka naman dyan? Ka muntikan pa nga 'kong mabuking na gumagawa gawa lang ako ng Storyaa.., paano? Ang pagkakaalam ni Mama mo! Magkagalit ka pati ng Boyfriend mo, na may tampuhan kayo.! Hindi naman daw pala.!"sabi nito tsaka nang-irap! Bongga! Tss
....asan na yun?
Lumingon-lingon naman ako kung saan-saan pero di ko sya mahagilap.
"Asan na yun?"??
"...AHA! San mo dinukot yon?."ani sakin ni Darius, like eeww?..
"ANONG SABI MO?!"sigaw ko dito.
