Love story ni Author.
nakaharap ako sa laptop ko ngayon at nagiisip kung ano ang isusulat kong bagong story. about ba sa isag makulit na babae at misteryosong lalaki? isang tahimik na babae at isang masungit na lalaki? mayamang prinsipe at simpleng babae?
lagi nalang ganyan ang topic sa wattpad. wala na bang iba? wala akong maisip kung ano ang papatok sa mga readers.
ang mga writers, or authors, nakakagawa lang naman sila ng mga magagandag lovestory, ayun na rin sa mga nakikita nya sa paligid nya o kaya'y sa sarili nya ring expirienced. at kung wala man, ginagamit ng mga wirters ang kanilang imagination.
tulad ko, para lang ako kiligin sa mga isinusulat ko, iisipin ko nalang na lalapitan ako ng crush ko at tatanungin ang cellphone number ko, and then, pwede ko na iyong isulat. oh diba? hahahah!
pumasok ako sa school, at dumaan ako sa engineering department. para lang makita ko ang crush ko. nakita ko syang nakikipagtawanan sa mga kaklase nya. kinilig lang ako ng walang dahilan. sobrang inspired na inspired ako, kaya agad akong umuwi para isulat ito sa story ko, na pinamagatang " Love story ni Author "
gusto ko kasing magkatuluyan kami kahit na sa sarili ko lang na kwento sa wattpad.
laging ganito ang ginagawa ko. makita ko lang kung anong ginagawa nya, isasama ko yun sa story ko.
naglalakad ako pauwi ng bigla ko syang makita na naglalakad. may isang batang babae na nadapa sa gilid nya, kaya tinulungan nya itong bumangon, at naglabas pa sya ng band-aid.
>////< grabe! ang bait-bait pa nya.
" oh, sa susunod, mag-iingat ka na huh. " sabi niya sa bata na nakangiti na yung bata.
" salamat po kuyang gwapo. " sabi nito.
napakasaya ko ng makita ko ang ginawa nyang iyon. kaya pagdating ko sa bahay, ay isinulat ko na ang next chapter.
Naglalakad si Ynna kasabay ng lalaking mahal niya. mabagal ang kanyang paglalakad at nakayuko siya. hindi naman sya pinapansin ni Richard. kahit na alam nitong sumusunod si Ynna, sa di inaasahang pangyayare ay natisod si Ynna sa isang maliit na bato, matumba siya at nasugatan sa kanyang tuhod. lumapit sakanya si Richard na ala-lang alala at inalalayan nya ito sa pagtayo, saka nya nilagyan ng band-aid.
habang isinusulat ko ito ay kinikilig ako, iniisip ko kasi na ako si Ynna at sya naman si Richard.
kinabukasan nanaman ay sinundan ko nanaman si Lois. that is his true name. kasama nanaman nya ang mga kaibigan nya.
" alam nyo, masyado kasi kayong matalim kung magisip eh! kaibigan ko lang si Frances. " sabi ni Lois na natuwa nanaman ako. yung Frances kasi na sinasabi nila ay yung kumakalat na dinedate ni Lois. at nalaman ko mula sakanya na hindi iyon totoo.
BINABASA MO ANG
LOVE STORY NI AUTHOR ( short story )
Ficção Adolescentenais kong isuwalat ang tunay na nararamdaman ng lahat ng mga writers and Authors sa wattpad