/ launch sequence /

0 0 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW POINT

"Hindi nga 'yon totoo!" Sigaw ng binata sa kaibigan habang nagtatalo ito kasama ang iba pang miyembro ng kanilang grupo sa loob ng opisina.

Matapos lumabas ang isang babae sa balita na 'di umanoy na buntis daw ni Yoongi sa US matapos ang isang After Party ay agad inulan ng paratang, hindi lamang si Yoongi, kung hindi ang buong management ng BigHit.

"Okay, okay, magsi-tahimik kayong lahat." Utos ng manager nila habang papasok sa kwartong pinagdadausan ng meeting.

Huminga sya ng malalim, "Naniniwala akong hindi 'to kayang gawin ni Yoongi, okay? Pero iba ang pananaw ng mga fans nyo. Lalo naman ang mga may ayaw sa inyo so, matapos ang mahaba-habang diskusyon sa taas, naisipan ni Bang PD Nim na . . ."

Tahimik ang lahat, nag aantay ng kadugtong ng balita ng Manager nila.

Pairap na sumagot si Yoongi. "Na ano?"

Huminga na naman ito ng malalim bago kagatin ang labi't sinabing, "Gagamit tayo ng isang publicity stunt."

"Huh?" Sabay sabay na sabi ng iba habang nakaupo sa palibot ng mesa't nakakunot ang noo.

"Publicity Stunt. Stunt sa public." Patawang sabi ni Jin.

"Sorry," Imik uli nito pagtapos tignan ng masama ni Rapmon.

"Fake act yun." Pagpapatuloy ng manager nila.

"Fake act para mapaniwala ang fans nyo sa isang bagay, either para iboost ang awareness sa inyo ng tao or i-boost ang nasisira nyong reputasyon." Dagdag nito.

"So, ano naman ang balak nyong gawin ni Hyung?" Tanong ni Rapmon.

Biglang bumukas ang pinto sa likod ng kanilang manager at doon lumabas ang isang magandang babae, mga kaedaran lang siguro ni Yoongi, o kung hindi, eh, mas bata pa.

Bahid sa mukha nito ang unting pagkahiya pero nangingibabaw pa din ang kumpyansa sa sarili.

"Sino ka?" Masungit na tanong ni Yoongi.

"Girlfriend mo." Ani nito na syang nakapagpagulat sa BTS, habang si Yoongi naman ay nakakunot pa din ang noo.

"Ay wow, bongga. Kanina nakabuntis ako, ngayon nagka-jowa naman. So ano susunod? May lalabas dyan na middle aged na lalaki't sasabihing anak ko sya?"

Napa-ismid na lamang si Jin sa sarkastikong sagot ni Yoongi habang nagpigil ng tawa sila Jimin at Taehyung.

Napairap na lamang ang babae, "Fake Girl friend. Publicity Stunt nga 'di ba? Papalabasin natin na ako ang secret girlfriend mo at noong araw ng after party ay magkasama tayo buong gabi. Na mas pinili nating i-sikreto ang relasyon natin dahil ayokong ma-bash ng mga fans mo. Or so I think. 'Di ko pa gaanong nababasa ang script ko."

"Oh wow! So 'di pala middle aged na anak ang lalabas! Telenovela pala! Anong script ha? Bwisit. Ayoko! Hindi ako sasali sa punyemas na Publicity stunt na yan! Alam ng fans ang totoo! Heck, grandpa na nga ang bansag sa akin sa internet dahil sa sobrang tamad ko tapos makakabuntis ako?"

Sabi niya bago padabog na umalis sa kwarto't dumiretso sa parking lot.

___

Huminga ng malalim si Yoongi habang naglalakad sa liblib na lugar sa Saenyang Park. Isang abandonadong parke may 'di kalayuan sa BigHit building.

Dahil sa nakakatakot na istorya na pumapaligid sa lugar ay walang may gustong pumunta dito. Pwera na lamang kay Yoongi dahil, well, kung may multo man talaga dito'y makikipag ayaan pa syang magsuntukan para lang malabas ang galit niya.

Balot ang parke ng patay na dahon at medyo mahahabang talahib habang kaunting kalat at basura ang makikita sa iba't ibang lugar.

Nang makakita ng upuan na kahoy ay umupo ito't tinignan na lamang ang view sa harapan nya; sandamakmak na basura.

Napairap ang binata bago iniliyad ang ulo sa sandalan ng wooden bench na inuupuan niya.

Gusto nya sanang mag isip at mapag isa, kaso ang biglaang click! Ng camera ay nakapag pabuhay ng dugo nya at agad nyang hinanap ang may sala.

Isang metro sa kaniya'y babaeng may hawak na camera.

"Potragis, 'di nyo ba ako kayang iwanan ha? Di ko nabuntis yon! Tanginis nga naman oh! Umalis ka nga dito!" Sigaw nito.

Nanlaki ang mata ng babae.

"Luh, wala naman akong sinasabing may nabuntis ka. Bopis nito. Pinicturan ka lang nakabuntis na agad? Photographer ako. Naghahanap lang ng subject. Eh ang ganda ng drama mo kaya pinicturan kita. Delete ko na lang kung ayaw mo. Sungit. Pwe."

Napakunot ang noo ni Yoongi.

"'Di mo ba ako kilala?" Tanong nya.

"Dapat ba?"

"Joke ba 'to? Ano tayo nasa K-drama na naman. Hindi naman sa nagmamayabang pero, masyadong sikat ang BTS para hindi mo ko makilala."

"Ay sorry. Famous ka ba? Sorry ha. Galing kasi akong US. Dun ako lumaki kaya sorry ha, kung di kita kilala. Wag ka mag alala mamaya tatawag ako ng paparazzi para mas ma-feel mong famous ka." Irap ng babae.

Napatitig na lamang ang binata sa bagong kilalang babae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Publicity Stunt ; Min YoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon