Dahan dahan kang ninanakaw,
Palihim na inaagaw,
Sa dilim pilit kinukubli,
Inggit na nag-uumapaw.Gaslaw ng iyong kilos,
Sitwasyong kalunos lunos,
Pilit mo mang pigilan,
Luha pa ri'y aagos.Ang Diyos ba'y sobrang tanga?
At tila 'di Niya makita,
Bawat mong pagluhod,
Kilala ka pa ba Niya?Dasal mo'y ibulong na,
Ave Mariang puno ng grasya,
Dahil bukas o makalawa,
Mamamatay ka na.