Bago kita sukuan, pansinin mo naman ako.
Bigyan mo ng konti pang ningas ang lamig na lamig kong puso.
Buhusan mo pa ng gas ang namamatay ko nang apoy.
Dahil wala na rin naman akong balak tumuloy ...
Tumuloy na suyuin, mahalin at lambingin.
Tulad mong lawiswis ng malanding hangin.
Kung sisipol man ako, iyo bang pakikinggan?
O hahagisan mo lamang ng porselanang pinggan?
Bago ako manahimik sa kakadada.
Ipakita mo naman na sayo ako'y may napala.
Ako'y lumuluhod, nagmamakaawa.
Bumaba ka naman, O makislap na tala!