“Gel, dalian mo naman……”
“eto na nga oh…nagmamadali na…” sabi ng bestfriend kong si Gel habang nagmamadali sa pag-aayos ng sarili niya.
Ako si Kim, 3rd year HRM student. 8am-6pm ang schedule ko araw-araw, may practice pa kasi ako ng volleyball. Lagi ko kasabay pag-uwi ang bestfriend kong si Gel, varsity din siya ng olleyball, he’s a gay, at super bagal niya mag-ayos.
Suki kami ng LRT, bukod kasi sa iwas na sa trapik, tipid sa pamasahe, eh malapit pa sa school. At feeling ko mas safe kami kung sa LRT na lang kami sasakay.
Lagi kami nagmamadali ni Gel makarating sa LRT,
Para makita ang CRUSH ko,
Hindi ko siya kilala, basta gwapo siya
Matangkad, maputi, singkit ang mata, matangos ang ilong, maganda ang mga labi, mukha nga lang siya msungit.
Kapag nakita mo siya, hindi mo maiiwasan na mapatingin sa kanya.
Pero dapat bago mag 6:30 nasa LRt na kami, ganung oras kasi siya sumasakay.
“Anong oras na?” sabi ko kay Gel habang tumatakbo kmi papuntang LRT.
“6:28 na teh…”
“awtss……sana maabutan natin s’ya”
Nakatingin ako kay Gel at biglang
*boooogssshhh*
Nabangga ako sa isang babae na may dalang mga prutas, gumulong yung mga dalang prutas nung babae…
“sorry po…sorry po…nagmamadali po kasi kami” sabi ko sa babae, pinulot ko na yung mga prutas at tinulungan naman ako ni Gel.
Ganda nman ng timing…kung kelan nagmamadali kami…
“sorry po talaga…”sabi ko dun sa babae at inabot ko na yung mga prutas sa kanya.
"ok lang yon, hindi mo naman sinasadya…”sagot nung babae at umalis na siya
Buti hindi nagalit yung babae, may mababait pa rin talaga sa mundo.
Nagpatuloy kami sa pagtakbo ni Gel,
*takbo*
* +akyat sa hagdan*
* +takbo ulit*
* =pagod……… pagod na pagod*
Dumiretso kami ni Gel sa pinaka dulong part, dun kasi sumasakay yung crush ko.
Pagdating namin doon,……
*tenen*
Wala na siya……
Haaayyy naku, maghihintay na naman ako ng isang araw para makita ko siya.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*kinabukasan*
“Kim, mauna na ako umuwi sa’yo”
“bakit? 5:00 palang ah”
“pinapauwi na kasi ako ni mama, may pupuntahan daw,…nagpaalam na din ako kay coach”
“sige, ingat ka ha”
Ano ba yan
, kung kelan naman ako madami dala saka naman wala ako kasabay. May program kasi ngayon sa school at madami ako dalang props. Kainis naman…