Di ko aakalain na sasangayon sya na sumama sakin ngayon.
Basta talaga mga hindi planadong lakad natutuloy , at yun ang nagyari sa amin ni tom."San tayo pupunta ? Di pa ba tayo aalis ?
Biglang tayo ni tom sa kinauupuan nya at sabay hawak sa kamay ko kaya napatayo na din ako sa kinauupuan ko at muntik na ko mabilaukan sa iniinom ko.
"nag aaya ka bakit di ka makapagsalita ?"
Tanong niya.
WOOOOW . I can't believe it, di ko naman aakalain na go na go pala si tom akala ko napakainosente na parang pabebe ang datingan nya pero nagkamali ako.
"Tara. Samahan moko gumala kahit saan basta ikaw kasama ko"
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at sabay kami lumabas ng coffeeshop.
Una namin pinuntahan ay mall around manila , at nanood ng sine .
Parang batang inosente lang si tom habang naglalakad ay hawak hawak ko padin ang kanyang kamay. Di ko talaga mapigilang ngumiti at ngitian sya kapag nililingunan ko sya , ningitian din naman nya ako kapag ako'y lumilingon na sya naman aking ikinatutuwa."ano gusto mo panoorin?" tanong ko sakanya .
"ikaw bahala" sagot nya,
Pagkabili ng ticket, dumerecho nakame sa loob ng sinehan.
Nakahanap kame ng pwesto sa itaas na parte ng sinehan kame umupo .
Habag nag sisimula na ang movie, mukhang di sya nabored sya pinili ko so, habang ang mata at utak nya ay busy sa screen , dahan dahan kong inangat ang isang braso ko at pasimpleng sinandal sa likod nya hanggang sa maabot ng palad ko ang kanyang bewang .
Maingat kong nilapad ang palad ko dahil baka magalit sya ngunit walang respond na nagmula sakanya so sinulit ko ang ganong pwesto ng bigla nyang sinandal sa bandang dibdib ko ang kanyang ulo."thank you"
Bulong na sinabi ni tom sa akin.
Natapos ang palabas ng ganoon ang aming pwesto, kumain kame sa restaurant .
"ano gusto mo kainin ?"
Tanong ko sakanya habang nakatingin sa menu book."Kung ano sa'yo , yun na din sa akin"sabi nya
Usual ko na naririnig yan, ganon ba kahirap umorder at kung anong inorder ng isa ganon din ang order ng lahat lol
Iniabot ko na sa waiter ang menubook at sandali lamang ay dumating na ang aming order.
Sinumulan na namin kumain ng biglang,"maraming salamat......"
Nakalimutan ko pala na di pa kame magkakilala.
"Jin . JIN ang name ko. You're tom right?"tanong ko .
"yes, my name is tom"
Dami naming napagkwentuhan at napatingin kame sa aminh relos at mag 11pm na .
Mahaba habang araw din kame magkasama ni tom at so far , eto na ata ang pinaka masayang araw ko.
Inihatid ko na muna sya sa unit nya which is goodthing na same kame ng building na tinutuluyan.
So may chance ako na puntahan sya anytime lol.Bago kame magkahiwalay ng landas,
"see you tomorrow jin?"
"uhmm yes, see you tomorrow tom."Dahan dahan ko nilapit ang mukha ko sa mukha nya hanggang sa maglapit ang aming labi.
Smack lang ang ginawa ko dahil bigla pumiglas si tom sa paghalik ko.
Pumasok na si tom skanyang unit, at ako naman ay dumerecho sa unit ko na may ngiting wagi sa aking bibig .To be continued :)