One

128 2 0
                                    

FIRST OF ALL, GUSTO KONG MAGPAKILALA BILANG SI CheeseCakeLovesYou. Dito ko na po itutuloy ang 'Let Me Change You'. Maiiba rin po ang ilang mga scenes. Inuulit ko po, ako si CheeseCakeLovesYou, at ginawa ko ang account na ito para dito ipagpatuloy ang Let Me Change You. Maiiba rin po ang cast ng story. Pero same plot parin po. Thank you sa pag unawa. 

~♥~♥~♥~

C Y R E E 

 "Cy, hindi ka pa ba handa? Malapit na magsimula yung party. Andun na rin yung mga bisita natin. " -Michelle. 

"Sandali lang Chelle." hindi pa ako tapos isuot yung gown. Mayroong party na magaganap sa bahay namin. May bussiness churvaloo kasi sila mama at heto, pati si Chelle nahila ko para sumama sa party. 

"Okay na ako. Tara na." lumabas ako sa closet room. Naglakad na kami papunta dun sa hall. Lahat sila ay nakatingin samin. Binabati kami ng mga kakilala namin, yung ibang lalaki naman ay inaaya kaming uminom ni Chelle. "Sorry, but we're still Minors. " yun lang ang nasabi ko. 15 palang naman kami ni Chelle, pero sanay na kami sa mga ganitong okasyon. 

"Mama," I kissed her on the cheeks. "Cyree, this is Mr. and Mrs. Lee. They are the parents of Kirvin Lee." Kirvin Lee? Sino yun? 

"Oh, I see. Nice to meet you, Mr. and Mrs. Lee." hindi ko naman talaga kilala si Kirvin Lee. Pero yung pangalan niya sounds familiar eh. After ng small conversation with the Lee's ay umalis na rin ako. Si Chelle? Nakikipag-usap sa mga unfamiliar guys dun sa party. 

Let me introduce myself. Ako si Cyree Na, 15 years old at nag-aaral sa Haven Academy, kung saan nahahati ito sa 3 Divisions, ang Elegance, Strength, at ang Side division. Kasama ako sa Elegance division, kung saan usually napupunta ang mga Royal Blood. 

Naglakad-lakad ako and naramdaman ko na may humila sakin. 

*flash flash click click* 

May humila sakin sa media, isa itong lalaki. Ang kanang kamay nito na kanina'y nasa aking balikat ay nasa beywang ko na. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon, at nakangisi lamang siya. Imbis na sumigaw ako, hindi ko alam kung bakit, pero yumakap nalang ako sa kanyang kanang braso, na siyang ikinagulat niya. Ng nawala na ang media. Tumingit ito sakin at tumawa. 

"Haha, bakit mo ginawa 'yon?" tanong nito. "Sino ka?" straight na tanong ko sa kanya. "Ahaha, ako si Kirvin Lee. " kung ganun siya pala si Kirvin. Naririnig ko rin ang pangalan niya kay Chelle. Ang sabi sakin ni Chelle, he 'LUSTS' me. 

Nginitian ko siya. "HIndi ba't, you only feel Lust for me?" sabi ko sa kanya. "hah, Oo." 

"Kung ganon," Tinapat ko ang hintuturo ko sa kanyang mukha at napaatras siya sa ginawa kong iyon. "I'm going to change that Lust, into Love." 

"Pfft. Haha, as if. " tatawa tawa itong umiiling. "But you know," inilapit niya ang kanyang mukha sakin. "I'm interested in you." at ang mga salitang 'yon ang nagpabilis sa tibok ng aking puso. 

"Oh, Kirvin, Cyree! Magkasama pala kayo." dumating si Mama. "Good evening po tita." pormal na bati nito kay Mama. "Since magkasama na rin naman kayo, bakit hindi nalang kayo ang maging main dance?" 

"Main dance po Mama?" nanlaki ang mga mata ko. "Oo! You guys actually look cute together. Kaya sige na." aangal na sana ako ng biglang, "Sure po tita. I would love to. " yun ang sagot ni Kirivn. 

"Splendid! Maiwan ko na kayo diyan ha?" pumunta na si mama sa iba pang mga bisita at patuloy lamang sa pagbati rito. 

"Bakit ka naman pumayag na maging main dance tayo?" medyo naiirita kong tanong kay Kirvin. "Katulad ng sinabi ko kanina, I'm interested in you." naglahad ito sakin ng kamay. "tara na?"  I sighed. "Sige." at idinampi ko ang palad ko sa kanyang palad. 

At sa pagdampi ng aking kamay sa kanyang kamay, doon na nagsimula ang aming kwento. Isang kwentong alam kong manganganib ang aking puso.

Hindi ko alam kung magagawa ko bang baguhin ang nararamdaman ni Kirvin. At hindi ko rin  alam kung handa ba si Kirvin na gawin iyon. 

Sana, sa paggawa ko sa aking misyon,magtagumpay ako. At magawa kong matapos ito. Malakas ang pakiramdam ko na masasaktan ako, Pero wala akong pakialam. Masaktan na kung masaktan. Pero hindi ko kayang hindi subukan. 

Natapos ang main dance. Ang ibang mga bisita ay nagsiuwian na. Natira na lamang ang malalapit sa aming pamilya. At kabilang na dun ang pamilya ni Kirvin. 

"Saang division ka? Elegance? Strength? Side?" tanong ko kay Kirvin, na kasalukuyang naglalaro sa swing. 

"Sa Elegance ako," sagot nito. "Kung ganon pareho pala tayo." tumingin ito sakin, at ngumiti. "Sana maging matalik na magkaibigan tayo." 

Lumawak ang ngiti ko. "Oo naman." 

 "Ano phone number mo?" tanong niya sakin. Nilingon ko ito at nakikita kong medyo nagbublush ito dahil sa liwanag ng buwan. 

"Hahaha!" natawa nalang ako sa kanya. "H-Hoy! Bakit ka natawa?!" ang tsundere naman niya. "Kasi nagbublush ka! Hahaha!" 

"Hindi ako nagbublush noh!" yumuko ito. "hahaha! Sure!" 

"Pero hindi nga.. Dali na kasi!"  para siyang bata na gusto ng candy. "Eto na nga oh," sinulat ko ang number ko sa isang papel. Lagi kasi akong may dala na ganun sa purse ko. "hahaha! Oh ayan na ha. Sige blush pa," pang-aasar ko rito. 

"H-Hindi nga kasi! Aish! Aalis na nga ako! Bye!" tumalon ito sa swing at parang bata na nagwalk-out. "Sandali lang!" 

"Bakit?!" 

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Friends?" sambit ko. "Friends." at niyakap niya rin ako. 

~♥~♥~♥~

Chapter 1 is finished :) Sabi ko naman sa inyo maiiba ang cast at ang story eh xD Ito po talaga ang nangyari sa panaginip ko :) Originally mga nasa 30+ na yung lalaking humila kay Cyree eh. Pinabata ko lang para mas madevelop ang kanilang love story~ 

Nagustuhan niyo ba? ipakita! Vote, comment, fan!  

~Yukihira-chan. :* 

Let Me Change YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon