Two

26 4 0
                                    

Yukihira: Chapter 2 na tayo! Excited na ako *u*!!!!

~♥~♥~♥~

C Y R E E 

*bzzt* 

From: Chelle 

Mauuna na ako sayo papuntang school Cy! May project nga pala kami. 

~-~~

Waaaa! Ang daya ni Chelle! Akala ko pa naman susunduin niya ako dito. Yun pala nauna na. Hayyy, looks like magpapakaloner ako papuntang school. 

"Cyree anak!!" sigaw ni mama. "Po?!" hindi ako galit ah :3 Di lang kasi rinig pag di ako sumigaw. "May bisita ka!! Bumaba ka na rito!" Bisita? Sino? 

Agad agad akong bumaba. Nakaupo siya sa sofa namin, wala pacool cool lang. Feeling bahay niya. "Anong ginagawa mo dito?" 

"Naisipan ko lang na sabay na tayong pumunta ng school, same division rin naman tayo eh. " sagot niya. 

"Sige. Tara," kinuha ko na yung shoulder bag ko na naiwan ko pala sa sofa kagabi at nagpaalam na kina mama at papa. 

Habang naglalakad...

Awkward.

Awkward. 

"Wait," napatigil ako sa paglalakad. "May lunch ka bang dala?" tanong ko sa kanya. "Hmm? Wala." 

"Sa school ka nakain?" ewan ko pero bigla akong naconcern sa kanya. "Hindi ako nakain ng lunch."  Tiniklop niya ang kanyang mga braso sa kanyang balikat. "Huh? Dapat kumakain ka!" 

Hinalungkat ko yung lunchbox ko. 2 Layers kasi yun eh. "Eto oh," tinignan niya lang ako. "Para san 'yan?" 

"Para sayo! Hindi ka kasi nakain ng lunch!" napakagat ako sa labi ko. This is embarassing for me. Unti-unti siyang nagsmirk. "Heh, you care for me huh? That's nice. " kinuha niya yung lunch box na hawak-hawak ko. "For the first time, someone cared for me." mahina niya yung sinabi pero rinig ko. 

"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit niya naman nasabing walang nagmamalasakit sa kanya? "Wala. Tara na." nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakarating na rin kami sa wakas sa school. 

Pinagtitinginan kami ng iba pang mga estduyante sa Elegance division. Siguro nagtataka sila kung bakit kami magkasama. Napansin kong medyo nagiging uncomfortable si Kirvin. "Ayos ka lang ba?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya, at napansin kong umatras siya. "Y-yeah.. Tara na. " 

Hmm? Ano naman kaya ang problema nun? 

"BAKIT magkasama kayo???" bigla biga nalamang sumulpot si Christian sa harap namin with matching taas ng glasses. "huh? Ano naman kung magkasama kami?" Hinila ako papalayo ni Xtian. "Waaa ano ba?!" nilingon niya sandali si Kirvin na kasalukuyang napapalibutan ng mga babae. 

"Hindi mo ba alam na may pagnanasa siya sayo--" 

"Yes, I know that!! Kaya nga gusto kong baguhin ang pagnanasa niyang iyon!" bumitaw ako sa pagkakahawak ni Christian sa braso ko. "Kirvin!"  lumapit ako sa kanya pero dahil sa napakadaming mga babaeng nakapalibot at pinagkakaguluhan siya ay natumba ako. May mga nakaapak rin sakin. 

"Ah...aray..." sinubukan kong tumayo pero masakit yung pagkakatumba ko. Wala pa kami sa hallway, nasa may rough area lang kami, kaya nung natumba ako nagdugo na yung tuhod ko. "Kirvin!" tinawag ko siya ng tinawag pero hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng hilo... 

Umiikot na yung paningin ko... Hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari. 

--3 HOURS later, CLINIC--

Nagising ako sa isang pamilyar na kwarto.  Nakita ko ang nurse na may sinusulat sa lamesa niya. "Umm... Sino pong nagdala sakin dito?" dinala kaya ako ni Kirvin dito? 

"Dinala ka ng isa sa mga teachers ng mapansin niya ng nagcollapse ka. Pwede ka ng bumalik sa classroom mo kung mabuti na ang pakiramdam mo." sagot nito. "Sige po. Salamat...." inayos ko ang buhok ko dahil medyo magulo ito nung nahiga ako. 

Kung ganon pala hindi niya ako dinala dito... Imposibleng hindi niya ako makitang hinimatay dahil nakita nga ako ng teacher na nagcollapse siya pa kaya.. 

Siguro nga hindi naman ako ganun kahalaga para sa kanya. Tss, sa bagay, kahapon lang naman kami naging close.. haha, nakakatawa lang, akala ko magkaibigan kami eh. 

Dumiretso agad ako sa upuan ko ng marating ko ang classroom. Hindi ko siya nilingon, dahil ang alam ko he's just two seats behind me. Absent yung lalaking nasa likod ko kaya kita niya ako. 

--LUNCH-- 

Dumiretso ako sa paborito kong lugar, at kumain ng mag-isa dahil alam kong busy si Chelle sa project. 

"Uy," tch. Siya? Lakas ng loob tumabi sakin. "What?" inis kong tanong. "Anong ginawa ko bakit ka ganyan?" nahampas ko na ang lamesa na kinakain ko. Wala namang tao kasi andito ako sa may garden. 

"ANONG GINAWA MO? NOTHING MUCH! Hindi lang ako makalakad kanina dahil nadapa ako, at hinimatay ako ng hindi mo napapansin!! DAFUQ?!" hindi ko na kaya kaya nagwalk-out nalang ko. Oo, alam kong napakababaw kong tao para magalit sa simpleng bagay na yon pero kasi ang gusto ko lang naman ay magmalasakit sakin kahit konti! 

Marahas kong pinupunasan ang luha na pumapatak mula sa aking mga mata. 

--DISMISSAL-- 

Umuwi agad ako galing school dahil ayokong abutan pa ang lalaking yun. Ni hindi man lang siya nagsorry. Bwiset talaga. 

"Lady Cyree, may mga padala po kayo sa kwarto niyo." -manang. "Sige po." As I twisted the doorknob to my room..

"OH.. MY... GOSH.." I gasped. My room was filled with a bunch of flowers with notes written: I'm sorry, please forgive me, and balloons shaped like hearts with I'm sorry written to it too. 

"WAAAA! "nagulat ako ng biglang may sumulpot na nilalang sa may bintana namin, ala ninja lang. 

"Kirvin?!" I said, habang hawak hawak ko ang dibdib ko. 

"SORRY, CYREE!!!" malakas niyang sigaw. Nabingi halos ako. Mas nagulat ako ng kargahin niya ako bridal style at tumalon sa bintana ko. "UWAAAAAAAAAA!!!!" tumalon kami ng bintana at napunta kami sa may garden namin. 

"Sorry na ha?" -Kirvin. 

-♥-♥-♥-

harhar. Chap 2, donneeeee :3 

-Yukihira 

Let Me Change YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon