Nandito ako sa mall ngayon pero hindi ako mag shoshopping bibili lang ako ng kailangan ko para sa project namin sa school
Dumiretso ako sa national bookstore at iginala ang mata ko para madali kong makita ang mga gamit na kailangan ko. At hindi nga ako nag kamali nakita ko nga iyon lahat.
Bumili na rin ako ng ballpen ko para may extra ako kung saka-sakali.
Pumila na ako sa cashier ang haba ng pila siguro pang ten ako tapos may mga lima pang nakapila sa likod ko
So wala akong nagawa kundi mag hintay para sa turn ko.
Boring....
Hays! After thousands of years finally turn ko na.
Nag bayad na ako at lumabas na ng national bookstore
Na feel ko na gutom na ako kaya pumunta ako sa isang fast food chain.
Umorder ako ng makakain ko tapos nag hanap ng mauupuan ko.
May nakita akong bakanteng upuan kaya dun ako umupo
Habang nakaupo ako naalala ko yung tinanong sa akin ng cashier sabi niya...
"That would be all ma'am?"
Like duuuh! Kung may idadagdag ako edi sana matagal ko ng idinagdag common sense! Nag papatagal lang ng time yug babaeng yun eh!
Dumating na yung waiter na may dalang pagkain. Burger at float lang naman ang inorder ko kaya di matagal. At ayoko rin mag tagal dito
Pag kabigay na pagkabigay sa akin nung order ko lumabas na ako sa fast food chain na yun at nag lakad papunta dun sa exit
Habang nag lalakad ako sinisipsip ko yung float ko
"Awww!" Sigaw sa harapan ko ng lalaki
May mantsa sa damit niya at malaki ang bawas sa iniinom ko
Which means natapunan ko ng float yung damit niya
Tiningnan ko lang siya at nilag pasan na siya.
Hinatak niya yung braso ko para maiharap ako sa kaniya
WTF!
"Miss hindi ka man lang ba mag sosorry? Natapunan mo kaya tong damit ko" sabi niya
Inirapan ko lang siya
Why would I say sorry?!? Pag nag sorry ba ako matatanggal yung mantsa sa damit niya?!? The fck
Nanatili lang ako na nakatitig sa kaniya na parang sinasabi ko na 'what now?'
"Hindi mo ba alam na ang mahal mahal ng damit na ito tapos tatapunan mo lang ng pipitsuging drink-----" i cut him out bukod sa gunagawa na kami ng scene dito eh nabobore na ako sa kaniya
"Pag nag sorry ba ako sayo matatanggal yang mantsa sa damit mo? Isa lang ba ang mahal mong damit? Kaya ayaw mo ito mamantsahan? So cheap" sabi ko ng dirediretso ng nakatitig sa mata niya
Sasabat pa sana siya pero inunhan ko na siya
"Shut up. I don't need your opinion" sabi ko at tuluyan na siyang nilagpasan
tch.
✴✴