*TEASER*
"Nakakainis! Nakakainis na Tina! Ilang beses na 'kong nagparamdam sa kanya, nagiging mabait naman ako ah? Hindi naman ako suplada, o isnabera! At higit sa lahat 'di din naman ako makulit, sinusubukan ko lang naman eh. Pero bakit ganun siya? Ang sungit niya!" napapapadyak-padyak na sabi ng frustrated girl na si Arianna.
Ilang beses na siyang nagpaparamdam at nagiging mabait naman siya sa natitipuhan niyang schoolmate na si Ryan, ngunit hindi pa din siya nagoopen up sa dalagita. Palagi itong naka face palm at kadalasan pang nagsusungit. Yung tipong parating may period? At naiinis na talaga si Arianna, nawawalan na siya ng pag-asa kaya nagdadabog siya sa best friend niyang si Kristina at ilinalabas ang sama ng loob dito.
Natawa si Tina, "Alam mo Rian? Isa lang ang mai-aadvice ko sa'yo eh..." ngumiti ito na para bang nang-aasar at bumulong sa kaibigan, "Ang gamot sa taong masungit... Ay ang pagmamahal ng taong makulit."
Napatigil si Arianna saglit at unti-unting napangiti sa advice ng kaibigan at walang anu-ano'y yumakap siya dito. "Thanks, Tina. I love you na! Hmm..." napangisi siya nang naghiwalay na sila mula sa yakap na iyon, "Ma-try nga, Ryan. Tignan ko lang kung 'di ka pa ma-fall sa charms ko."
*smirk*
* * * *
PLEASE VOICE OUT YOUR OPINION. :)
BINABASA MO ANG
Let's Try.
Teen FictionSabi nila, ang gamot sa taong masungit ay ang pagmamahal ng taong makulit. Let's see about that. Let's try. © 2014