"Good morning Ma'am. May I excuse Arianna Melendez for a while?" sabay tingin sa'kin at...
Tinanguan ulit niya ako.
Omg. Ang hot niya 'pag ginagawa niya iyon. Simpleng tango lang 'yun pero ang gwapo niya na lalo na sa serious look niya.
Siniko ako ni Tina.
"Pinapatawag po siya ni Ms. Fuentes sa faculty room, Ma'am." Magalang na sagot ni Ryan.
Tumango-tango si Ma'am.
"Okay, just be back immediately, Arianna." Sabay tingin niya sa'kin.
Tumayo na ako at tumango, "Sige po Ma'am."
Tapos sabay na kaming lumabas ni Ryan.
Kinakabahan ako ng bongga...
At kinikilig din siyempre. Aba! Sabay ba naman kaming naglalakad ni crush? Wala na akong mahihiling pa!
"Ah... R-Ryan, bakit daw ako pinapatawag ni Miss Fuentes?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam eh. Tinawag lang niya ako nang dumaan ako sa may faculty." Sabi niya.
Tumango ako.
"Sige, dito na ako." Sabi niya nang nasa tapat na siya ng room nila.
"Sige." Sabi ko sa kanya at ngumiti.
Akala ko face palm lang ang isusukli niya sa'kin pero nagkamali ako...
Dahil ngumisi siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Let's Try.
Teen FictionSabi nila, ang gamot sa taong masungit ay ang pagmamahal ng taong makulit. Let's see about that. Let's try. © 2014