Spanish class passed by in a blur and surprisingly walang asungot ang lumitaw. Hindi ko alam kung bakit hindi pumasok ang kumag na yun pagtapos niya akong asarin. May nalalaman pa siyang 'Can't wait to spend Spanish with you later.' eh di naman pala papasok o baka naman hindi ko talaga siya kakalase? Oh well, I couldnt care less. The more na hindi kami magkita the better.
Pinisil naman ni Ethan ang ilong ko causing me to snap out of my reverie.
"Ow." Pagrereklamo ko. Ethan snorted while shoving a spoon-full of vanilla ice cream in his mouth.
"Tunaw na yang ice-cream mo sa sobrang lalim ng iniisip mo." Pagsita nito. Napatingin naman ako sa hawak kong cup ng ice cream. He's right tunaw na ito.
"Now you see it." Sabi ko bago ko higupin at inumin ang ice cream since hindi na ito solid. "Now you don't" Sabi ko sabay tapon sa ice cream cup sa nadaanan namin basurahan.
Hindi naman napigilan ni Ethan ang matawa. "Hindi ko alam kung anong klaseng tyan meron ka. That was three orders of ice cream in one cup tapos isang lagukan lang? Kelan mo ba kakalma yung dragon diyan sa tyan mo?" Pangaasar nito.
"Kakalma lang to pag binilhan mo na ako ng lunch. May utang ka pa kayang lunch sakin." I grinned.
Napailing naman si Ethan. "Well come on Dragon Head, let's get you your lasagna and two jumbo sausages." Natatawang sabi nito bago niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako papasok ng Cafeteria.
Mabuti nalang at di na ko muling nilingon ni Ethan habang papasok kami ng Cafeteria dahil kung nagkataon di ako alam kung pano ko ipapaliwanag ang pisngi ko na for sure ay sobrang pula na. Di ko kasi mapigilan, Ethan always remember the little details about me.. well about all of his friends. Pero kahit na alam kong wala namang ibig sabihin yun pati na din ang paghawak niya sa kamay ko di ko padin mapigilang kiligin. I've always had a crush on him ever since we've been friends pero sadyang manhid lang si Ethan saka wala din akong lakas ng loob upang umamin. Oh gosh! I couldnt imagine kung malalaman niya ito. Hindi ko kakayanin, that's for sure.
"Okay Blakey-boy, sit here. I'll get you your lunch para matahimik na yung dragon dyan sa tyan mo." Biro nito as he guided me to our seat. See? Paano ba naman ako aamin niyan? Blakey-boy? Tss. Mukha na ba akong lalaki sakanya? The last time I check wala pa naman akong balbas. Oh well, sanay na ako. Ayan kasi ang tawag niya sakin ever since. Panglalaki naman kasi talaga ang pangalan ko. But I believe that makes me unique.
I watch Ethan habang papalapit siya sa counter ng Cafeteria, napakagwapo nito kahit na nakatalikod hindi nakapagtataka kung bakit hindi lamang ako ang nakatingin sakanya. Halos karamihan ng madaanan niyang mga babae ay napapatingin dito, some of them even greeted him at siyempre dahil sobrang napakabait na tao ni Ethan di niya ito iniisnob.Nabulabog ang masaya kong pagmamasid kay Ethan ng biglang may umupo sa tabi ko. Strangely, muling tumaas ang mga balahibo ko at isa lamang ang pumasok sa isip ko. That jerk from Calculus.
Mabilis kong nilingon ang tao sa tabi ko to confirm what I thought only to prove myself right and come face to face with Cassiel. My eyes widened nang marealize kung gano kalapit ang aming mga mukha. He smirked kasabay ng paglayo ko.
Dahil sa pagkabigla ay di ako agad nakapagsalita sa halip ay napatingin ako sa paligid at sa mga nagbubulungang tao.
"Hup. Hup." Bigla akong sininok. Great. Way to go Blake!
Tumawa naman ng mahina ang mokong. "Are you intimidated by me?" He hissed, his deep cold voice sending shiver on my body.
Ngumiti naman ako bago ko siya tinulak ng mahina palayo. "If intimidated is equal as disgusted then I guess yes."
BINABASA MO ANG
The Last Pure Soul (ON HOLD)
Siêu nhiênWhat would you do if you fall in love with the person who's destined to kill you? Blake Perischev is a normal Highschool student in Hilton High, or atleast that's what she thought. She have always hated listening to her Literature subject specially...