Dear Future,
Siguro nga hindi pa natin nakikilala ang isa't isa o siguro nagkrus na yung landas natin o siguro naman magkakilala na tayo pero walang masyadong komunikasyon o di kaya naman magkakilala na tayo at magkalapit na. Pero malamang sa malamang sa ngayon hindi pa natin alam na tayo ang itinadhana para sa isa't isa. Ni hindi ko nga alam kung sino ka. Kung anong itsura mo at ugali mo. Pero kung tayo talaga ang itinakda ng tadhana, tatanggapin ko kung ano o kahit sino ka pa. Gusto ko lang sabihin sayo na, ingatan mo muna ang sarili mo habang wala pa ako sa tabi mo. Kasi mamahalin ko pa yan, yung ikaw, yung buong ikaw. Kung busy ka pa sa paghubog ng iyong kinabukasan, kaya mo yan, ikaw pa. Wala man ako ngayon sa tabi mo para tulungan ka, wag kang mag-alala, dahil kapag tayo na ang pinagtagpo ng tadhana, handa kitang samahan sa kung anong tayo, sa kung ano ang magiging hinaharap natin. Sabay tayong huhubog sa magandang kinabukasan natin. O kung ikaw naman ay dumaranas ngayon ng kalungkutan, dulot ng iyong nakaraan. Cheer-up! You're worth it! Hindi dapat katulad mo ang umiiyak, At hindi katulad niya ang dapat iniiyakan. Paumanhin kung wala ako ngayon sa tabi mo para pangitiin ka at para punasan ang bawat pagpatak ng iyong luha. Ano kaba! Hindi talaga kayo ang itinadhana, kasi nga tayo ang itinakda. At siguro malakas lang talaga ang panalangin ko para maghiwalay kayo haha. Joke! Kaseee ngaaa inilaan ka talaga NIYA para sa akin, yun yun! Kaya wag ng malungkot. Sign na yun, na papalapit kana sa akin haha. Ang mahalaga ngayon yung ikaw, yung tayo at ang hinaharap natin. Kaya ngiti na 😄
Uy future, kapag darating na yung panahon na pagtagpuin na tayo ng tadhana. Wala akong maipapangako sa kung anong mangyayari ha. Basta ang alam ko kapag nasa tabi na kita, sasamahan kita sa lungkot, pagsubok, ligaya at saya. Alam kong ganun karin naman para sa akin. Siguro magkakaroon tayo ng hindi pagkakaintindihan at pagsubok na dadaaanan. Pero alam ko at alam mo na walang iwanan. Alam mo ba kung bakit? Kasi ngaaaa tayo ang itinakda diba? So walang iwanan.. Period. No erase. Thumbtacks!
Ang maipapangako ko lang ay ang aalagaan, rerespetuhin at mamahalin ka sa abot ng aking makakaya. Hindi ako mahilig sa material na bagay. Hiling ko lang kapag magkasama tayo dapat lagi tayong masaya. At yung nandiyan tayo palagi para sa isa’t isa. Yung nasasabihan natin ang isa’t isa ng lahat ng bagay, kapag inaatok, nagugutom, nauutot o kahit natatae pa haha. Yung kapag magkasama tayo, para tayong baliw. Yung feeling na tayo lang ang tao sa mundo. Magkasama sa lahat ng trip. Yung mga kahit simpleng bagay dun natin maipaparamdam kung gaano natin kamahal ang isa’t isa. Yung kahit mga simpleng bagay dun tayo magiging masaya. Sasayaw tayo kahit nasa kalye at kakanta ng sabay kase favorite natin yung tugtog. Yayakapin at hahalikan kahit pawis na pawis. Yung hahalikan ang noo ng di namamalayan ng madaming madaming beses. At magkaholding hands kahit tayo'y natutulog. Yung feeling na kahit hindi natin sabihin ang salitang “mahal kita” naipadama na natin sa bawat isa.
Hanggang dito nalang future. Hindi ko man alam kung sino ka. Basta kapag nahanap na kita hinding hindi na kita pakakawalan.
Rerespeto, mag-aalaga at magmamahal sa’yo,
BINABASA MO ANG
#HugotBes
AcakGusto niyo ba makarelate sa mga Hugot line? eto basahin mo. panigurado akong makakarelate ka at matatamaan sa mga line na to. PS: THIS IS NOT A LOVE STORY OR WHAT. THIS IS A SIMPLE QOUTE TO RELATE YOU. Enjoy Reading this #HugotBes 101 Thank you #Hug...