IKAW BAKIT MOKO HINAAYANG MAMATAY

4 0 0
                                    


Horror Book

Hello gusto ko ishare tong scariest story naming mag BFFs. Mga March 4 or 5 yata un. Pumasok na kaming mag BFFs sa school na parang ordinary day lang. 3 kaming mag BFFs tapos ung isa naming BFF na si Vanessa (Not her real name) may dala syang horror book. So hiniram agad ni Amanda (Not her real name) then kinabukasan na lang daw nya ibabalik kc mahilig sya sa horror book. Pero ako ayaw ko kasi matatakutin ako eh xD

Kinabukasan tinanong na ni Vanessa si Amanda kung asan na ung horror book pero hindi sya sumasagot. Tapos parang ang weird nya kasi di namamansin tapos magugulat ka na lang bigla syang magsasalita. Pero hindi namin maintindihan ung words and mahina ung salita nya. Pinabayaan lang namin, baka may topak lang. Nung tapos na ung school, nagdesisyon kami na tumambay muna sa bahay ni Amanda kasi malapit lang naman mga bahay namin. Nung nasa bahay na nya kmi, bigla bigla na lang tumakbo si Amanda sa kwarto nya. Samantalang dati iaalok nya pa kmi ng food or drinks. Then biglang nagtanong ung mama nya kung may nangyare ba daw kahapon sa school kasi bigla na lang daw naging weird si Amanda. So lahat na kami nagtaka. Sumunod na kami kay Amanda sa kwarto nya and medyo natakot na kami. Kasi nakaupo lang sya sa sahig habang hawak ung horror book. Nung binabawi na ni Vanessa ung horror book, bigla na lang kami tinignan ng masama ni Amanda and sobrang higpit ung pagkahawak nya sa horror book.

Nagdesisyon na lang kaming 2 ni Vanessa na sa bahay na lang nya tumambay dahil sobrang creepy talaga ni Amanda. Pagkapasok pa lang namin sa bahay ni Vanessa, bigla nagtanong ung lola nya. Tapos halatang nagpapanic na tinatanong nya kung asan daw ung horror book. Yun pala nakuha lang ni Vanessa un sa pinakasulok ng cabinet ng lola nya. Ayun kinwento namin kung ano nangyayare kay Amanda na may hawak ng horror book. Lalong nagpanic ung lola ni Vanessa tapos kinwento nya ung story nung horror book:

Dati daw nung hindi pa sya masyadong matanda, papunta sila nung BFF nya sa bundok para mag picnic. Yung BFF nya ung nagdadrive tapos ayaw mag seatbelt. Yung lola naman ni Vanessa natatakot kasi nga bundok ung pupuntahan, so ung daan medyo delikado. Kaya nag seatbelt sya pero ayaw talaga nung BFF nya mag seatbelt. Nagbabasa pa ung BFF nya ng horror book (Yun yung horror book na na kay Amanda ngayon) habang nagdadrive and sinasaway na ni Lola. Kasi delikado pero ayaw makinig nung BFF nya (Diba malufett? Di na nga nagseseatbelt tapos nagbabasa pa xDD). Tapos bigla na lang sila bumunggo dun sa malaking truck, intersection kasi yun Anlakas nung pagkabunggo, buti si lola naka seatbelt so konti lang sugat nya. Pero yung BFF nya nagulat sya kasi anlakas ng pag kakauntog and may dugo na. Buti marunong mag drive si lola so hindi nya muna inisip yung banggaan. Basta agad syang nagdrive papunta sa ospital kahit nayupi na yung unahan ng sasakyan, pero patay na nung naka abot sila sa ospital. Nakita ni lola yung horror book na may dugo and tinabi na lang nya para remembrance daw.

So nung nakwento nya na, nashock kami ni Vanessa and agad kaming pumunta sa bahay ni Amanda kasama ang lola nya para bawiin na ung horror book. Pagdating namin, sumalubong agad yung nanay ni Amanda. Halatang natatakot, si Amanda daw kasi biglang tumatawa ng malakas and kakaiba yung tawa nya, pang devil daw. Nung pagpasok namin sa kwarto nya, hawak nya pa rin yung horror book. And pagkakita nya sa lola ni Vanessa bigla nyang sinabi ""IKAW, BAKIT MO KO HINAYAANG MAMATAY"" Nagulat kami kasi iba talaga yung boses nya so nagtulong tulong kami para makuha yung horror book. Pero sobrang lakas talaga nya, pero at last nakuha din namin and sabi ni Lola ni Vanessa sunugin namin.

Kinabukasan okay na si Amanda and wala daw syang natatandaang nangyare simula nung natapos nya basahin yung horror book. Hehe sorry kung mahaba.

Ms. Know-It-All :3

BY CUTE PYEWhere stories live. Discover now