PHILOPHOBIA

4 0 0
                                    

May mga araw na ang ganda ng iyong mga ngiti

At meron ding mga araw na ito'y naglalaho unti-unti

Sa inyong usapan na nagpapakilig sa'yo

Yung tipo kung minsan ay lubos na nakakalito


Totoo ba toh o charot lng na banat

Lambingan daw sa araw-araw na nagsisimula sa umaga, pagkamulat

Di naman kasi tulad ko ang iyong tipo

Pero bakit nahuhulog ako sa iyong mga biro


Alam mo naman di ko pa kayang magmahal muli

Dahil ayoko umiyak lang sa huli

Ayoko nang dagdagan pa ang dating lamat sa puso kong basag

Hirap kasi maghilom (walang aangal at walang papalag)


Dahil ang pagmomove-on

Ay dinanas ko ng ilang taon

Ayoko na maulit, ulit

Ang pag-ibig na mistulang pilit


Ako lng din kasi ang masasktan

Dahil lang din sa sarili kong katangahan

Yoko na ang puso'y masugatan

Sa pagkahulog sa taong mali naman


102515    

This is what i felt todayWhere stories live. Discover now