Sana ay Makita mo na ang the one mo
Susuportahan kita kung sino man sya, dahil di sya ako
Humanap ka ng babaeng karapatdapat
Na mamahalin ka ng sobra at tapat
Sa isang tulad mo na nakakapagpangiti sa akin
Sana matumbasan din nya ang mga ngiting yun at di pasakit
Sa araw-araw na asaran, hinihiling ko na ako sana
Ngunit Malabo ang pagkakataong iyon dahil alam ko'y ito'y trip lamang
Pinipigilan ang sariling sayo'y mahulog
Dahil di pa nakarecover ang puso kong bugbog
Sa maling taong minahal ko na may mahal palang iba
Ayoko na maulit sau dahil di naman tulad ko ang gusto mo, di ba?
Sana'y mahanap mo na sya
Ng ikaw ay sumaya
Sa akin ay ok lang dahil para na kitang kapatid
Kapatid, kaibigan na nakikinig sa akin na walang patid
Salamat sa iyong kabaitan sa akin
Tatanawin ko itong pagpapala ng langit
Na ako'y nabigyan ng isang ikaw
Na nakakapagpangiti sa akin sa araw araw
102715
YOU ARE READING
This is what i felt today
Poetrypoems :) language: English and Filipino i hope you like it minna (^_^) (C) to the owner of the cover picture