Nikita's POV
"ikaw?!" sigaw ko sa taong bumangga sakin
Tumayo muna ako bago nagsalita
"ikaw lalaki ka wala ka na ba talagang magawang matino at ang aga aga eh namba-badtrip ka ng tao hah?!" galit na reklamo ko.. kaasar kasi eh
"wala eh" naka-smirk niyang sabi
"gago! kung wala kang magawa maghanap ka ng iba mong pwede pagtripan!!" sigaw ko ulit sa kanya
"boring pagtripan yung iba d nakakatawa eh" nakatawa pa rin na sabi niya.
"sira ulo ka talaga eh noh?! para lang sumaya ka inaasar mo na ako sa umaga!" dumukot ako ng piso at binigay sa kanya
"ito piso bumili ka ng tao na pwed mong pagtripan!" sabay abot ng piso at nilampasan ko siya
Nakasalubong ko pa yung 4 na unggoy na kaibigan nung kaaway ko.
"oh Nikita anong nangyari at nakabusangot mukha mo?" natatawang tanong ni Steven, kaibigan nung walang magawang unggoy
"itanong mo dun sa unggoy na kaibigan mo!" sabay irap.
Paalis na sana ako ng marinig kong sumigaw yung unggoy
"hoy kuting!! bakit piso lang? kulang ito! wala ako mabibili sa halagang piso!"
Nilingon ko siya at kitang kita ko nakatawa pa rin siya. Ine-enjoy talaga ng unggoy na ito pang-aasar sakin.
"bahala ka sa buhay mo! at pwed ba wag na wag mo akong tawaging kuting?! Hindi ako pusa!!!" naiiritang sabi ko
Lumapit na rin ang gago na di pa rin naaalis ang ngiti sa labi
"why? diba tagalog ng kitten ay kuting?" nakangising sabi into
"grrrr! nakakainis ka talaga!" sabay hampas ng bag sa kanya
Nagsitawanan na lang barkada ni Storm sa bangayan namin.
"hahaha grabe ang aga aga niyo naman maglambingan" nakangiting sabi ni Steven na halatang nag-eenjoy sa panonood samin
"heh! Hindi kami naglalambingan!" sigaw ko
"woooh feisty! rawr!!" sabay sabay sabi nung tatlong unggoy na sila Jeff, Vince at Renzo habang naka-pose pa ng parang nangangalmot
"grrrr! nakakainis talaga kayo!! sinira niyo umaga ko!!!" tinalikuran ko na sila at patakbong umalis baka kasi mapatay ko yung limang unggoy ng wala sa oras
"bye kuting!" narinig ko pang pahabol ni storm sakin. Tsss.. badtrip!
Pagdating ko ng classroom umupo na ako. Buti na lang nauna ako ng 2minutes sa prof ko. Suplada kasi yun late ka lang 1minute pagagalitan ka na. Nasa menopausal period kasi kaya ganyan ka-strict
Nagsimula na rin lectures ng prof namin blah blah blah......
Bago ko makalimutan ako pala si Nikita Kitten Lim 17 years old. 2nd year BS Biology student. Half-filipino half-chinese. Simpleng babae, maputi at matangkad. Itsura ko naman? maganda syempre. Singkit ang mata at pag tumawa lumiliit. Yung buhok ko straight abot hanggang bra line.
Mayaman din kami at may business si dad here in the Philippines at meron din sa labas ng pilipinas. Kahit mayaman kami d ako lumaking spoiled dahil laging pinapaalala sakin ni dad na dapat maging mabait ako.
BINABASA MO ANG
My new kuya is a gangster/bully
Teen FictionAnong gagawin mo kung isang araw magigising ka na lang sinabi ng daddy mo gusto na niyang magpakasal ulit? Papayag ka pa kaya kung malaman mong ang magiging future kuya mo ay ang leader ng nambu-bully sayo sa skul?! Ok na sana ang lahat kay Nikita p...