Ep 6: Chinchin

8 0 0
                                    

CHIMCHIM


Habang kumakain ako ng carrots hindi ako mapakali dahil sa nakatingin saakin ngayon. Hindi ko alam kung galit ba siya saakin o sadyang may kasalanan ako sakanya kaya masama ang tingin niya saakin.

"Kanina ka pa saakin nakatingin." simangot ko sakanyang sabi.

Ang nakaka-inis lang kasi hindi ko alam kung bakit nakapasok ang isang askal na aso dito sa pamamahay namin.

"Ang panget kasi ng mukha mo habang kumakain. Para kang pinaglihi sa sama ng loob." sabi niya at dahilan naman para ma-ibuga ko yung nginunguya kong carrots.

"At hindi ko alam kung bakit may nakapasok na Askal dito sa bahay na ang pangalan ay CHINCHIN!" sabi ko sakanya at saka naman kinain ang petchay.

Ahh!! galit nga pala ako sakanya kasi ang amo niya ay ginaya ang pangalan ko at pinalitan lang ang M ng N. Nakakainis! Gaya-gaya ng pangalan hindi naman sakanya bagay! Ako mamahalin na rabbit eh siya pipitsugin na aso!

"Umalis ka nga dito pipitsugin na aso! Ayaw kong makipaglaro sayo!" Pagtaboy ko sakanya.

"Heh! Ikaw ang pipitsugin na rabbit! Gulay lang ang kinakain!" sabi niya saakin na may maliit na boses. Oo, babae siya at lalake ako.

"Tanga! Kelan pa kumain ng karne ang rabbit!?" sigaw ko sakanya habang punong-puno yung bibig ko ng petsay.

"Bakla ka talaga! Nang-aaway ka ng babae!" sabi niya na medyo teary-eyes na.

"Eh sa ikaw ang nanguna!" sabi ko sakanya.

"Salbahe ka talaga! Uuwi na nga ako!" sabi niya at mabilis na tumakbo palabas ng bahay namin.

Yes! Panalo na naman ako!

Habang nagsasaya ako, nakita ko naman si Mako na nakatingin saakin. Bigla naman siyang nag thumbs up kasi panalo na naman ako!







----

Yey! Nag update na naman ako! Minsan nga mapapatanong ka na lang, "buhay pa ba ang author na 'to?" HAHAHA! sareh! Next UD naman po! Ciao~

Ang rabbit na nagsasalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon