Ep 3: Talking rabbit

17 0 0
                                    

CHIMCHIM

"Chimchimmm!? Gusto mo ba saakin sumama sa parke?" tanong niya saakin mula sa loob at naglalagay ng polbos sa mukha niya.

"ano gagawin natin doon?" tanong ko naman sakanya dahil nakalabas na siya sa bahay.

"malamang maglalaro. Ano ba gusto mo dun gawin? Mag swimming? Mag hiking? Malamang maglalaro tayo. At saka, may bibilhin ako." sabi naman niya at pumasok uli sa loob para kunin ang sling bag niya.

"ano? Tara na!"' sabi niya at lalabas na sana kami ng bahay pero may naiwan pala akong dalhin.

"Teka. Yung bag ko." sabi ko sakanya at dali-dali akong pumasok sa loob para kunin bag ko. Lumabas naman agad ako at hinawakan ang kamay niya dahil maliit lang ako. "Tara na." sabi ko at tuloyan na kaming naka alis.






~sa parke~~

Ano ba kasi ang binibili niya at kailangan niya pa talagang matagalan? Baka naman nadaganan na siya ng binibili niya sa sobrang bigat kaya natatagalan na siya.

Hayyy nako naman ang babaeng yun. Makakain nga muna ng petchay.

"Mama, look! That rabbit is so big! It's bigger than me." sabi nung batang babae sa mama niya habang tinuturo ako na parang ngayon pa lang nakakita ng rabbit na ganito ka-laki.

"Oo nga baby!! Sino kaya may-ari niya, diba baby?" pagkamangha naman na sabi nung mader nung bata.

Sorry, wala pa si among.

"I want it!" sabi nung batang babae.

Hala! Kung maka-"I want it" ka naman. Parang sa gigilid lang akong rabbit.

"Sorry. Not for sale. Di ako binibili." sabi ko at pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko.

Nabigla naman yung dalawang mag-ina.

"Mama, it's a Talking rabbit!!" sabi nung batang babae.






***

280 words

Ang rabbit na nagsasalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon