Chapter 1

5 1 0
                                    

Excited na ako gawin ito eh HAHAHAHAHA :) Sana magustuhan nyo :3

~

Ako si Sheena Ritz Tuazon also known as Ritz. Wala akong kinilalang magulang since nung ako ay bata pa. Pero may mabuting puso naman ang kumupkop sa akin at yun ang mga kinikilala kong magulang ngayon. 17 yrs old na ako at wala padin silang sawa sa pagmamahal sakin, madami nadin akong tanong about sa tunay kong mga magulang. Grade 6 ako nang nalaman ang lahat dahil sa mga pangaaway nang mga kapwa ko bata sakin kaya naman nasubukan kong magtanong. Noong una masakit pero natanggap ko din agad at pinasalamatan ang mga taong nagaruga at nagmahal sakin. OKAY MEDYO MMK NA ANG BUHAY KO >______<

"Ritz, halika na dito at kakain na tayo" sigaw ni Mama Tere ang nagadopt sakin 

"Sige ho! papunta na po." sagot ko habang inaayos ang gamit sa aking kwarto.

Si Mama Tere at Papa Oscar ang nagalaga sakin, hindi ko alam kung bakit nila ako inampon. Hindi kaya baog sila parehas ? Okay wag nating pag-usapan ang personal na bagay na yan. 

"Ritz, kumusta yung inapplyan mong eskwelahan na papasukan mo? Scholar kana ba dyan?"

"Medyo may kalakihan ang school ma, pero pasok naman ako sa scholar." sagot ko.

Matalino ako at masipag, HINDI AKO NAGYAYABANG. I'm telling the truth :) 

*Sa School (Feimes Academy)*

"Ritz!!!!!" sigaw na narining ko sa malayo pero pamilyar ang boses

"Ritz!!!" sigaw ulet, pero this time lumingon na ako. Sabi ko na nga ba kilala ko at sya si Trina an matagal ko nang kaibigan.

"Nahanap mo na ba ang room muh?" humihingal na tanong nito.

"Hindi pa e, teka anong room kaba?" tanong ko

"Room 15" sagot nya.

"15? So, magkaklase tayo?" gulat na tanong ko

"Tara hanapin na natin, baka sakaling maraming gwapo tayong kaklase" pagmamadali nya

Hay naku, wala paring pinagbago tong kaibigan kong si Trina. Kahit kelan talaga may kating taglay din ito. Pero kung ako ang tatanungin? Hindi talaga ako naniniwala sa Love na yan. Kasi minsan isa ako sa mga taong nega. Since elementary up to high school wala akong naging boyfriend o kahit crush man lang. Kahit madami dami ding nanliligaw sa akin. HABA NANG HAIR KO EH!!. Pero ewan ko kung bakit nila ako nililigawan eh lagi ngang gulo gulo ang buhok ko tas naka eyeglass. Medyo may kalabuan din na kasi ang aking mata, matangkad? ummmh. Sakto lang. Pero ang kaibigan kongsi Trina laging ayos sa sarili. Papasok lang sa school akala mo laging aattend ng JS PROM o Graduation Ball. Maganda din sya katunayan nga eh, 4 na naging Boyfriend nya pero laging babaeromga nagiging Boyfriend nya kaya minsan sakin lumuluha at humihingi nang advice. AYAN HA! KOTANG KOTA NA KAYO SA INFO.ABOUT SAMING DALAWA. Pero akala ko kapag tumungtong ako nang college ganun padin ang pananaw ko about sa Love. HINDI PALA!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Double Love: Double Couple ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon