Nihon no Ai (A Japanese Love) I

71 3 2
                                    

Nihon no Ai

by: ILBS <3

Nandito ako ngayon sa Yoyogi Koen o Yoyogi Park na matatagpuan sa Tokyo,Japan. Magi-isang buwan na rin ako dito sa Japan at nami-miss ko na ang Pinas. Unexpected din kasi ang pagpunta namin, at unexpected din na malaman kong

isa pala akong japanese. At pure-blooded pa. Nabigla ako ng todo ng sabihin sakin ni mama na isa akong japanese at hindi ko siya tunay na ina. Si mama na step-mom ko pala ay isang pure pinay.. siya daw ang dating yaya ng aking ina at ang nag-alaga sakin pero

ng mamatay ang mama ko ay hinabilin niya daw ako sa kanya. Ang papa ko? Kasama ko na siya ngayon, pure japanese din siya at siya ang rason kung bakit ako nandito ngayon. Bukod sa family, eh hindi naman tlaga aakalaing hapon ako. Oo nga at maputi ako, singkit din at medyo manipis ang kilay pero kung sa kilos ang babasihan hindi mo tlaga aakalaing hapon ako.

Dahil lahat ng kilos ay parang pinoy tlaga kaya nag-alinlangan ako nung una kung totoo pa ang sinabi ng mom (step-mom) ko pero ng dumating ang papa ko eh natanggap ko na din.

Its Feb 14, ang ibig sabihin Valentines' Day na. Ramdam din ang Valentine feeling sa Japan particular sa park kung nasaan ako. Puno ng tao ang buong park at napakadaming lovers, may nagkwe-kwentuhan, may nagkukulitan, may kumakain, may nage-exchanging gifts at meron din namang nagla-landian. Kahit saang sulok ng park ata ay may makikita ka paring mag-syota

at parang ako lang ang single na naririto. Pero anong magagawa ko, si Papa mismo ang nagpumilit na pumunta raw ako dito dahil baka raw eh matagpuan ko ang girl of my dreams kesa naman makipagtalo ako sa kanya eh pumunta na lang ako, wala naman ding mawawala diba?

Sumandal ako sa punong nasa tabi ko habang nagmamasid pa rin. Ang saya ng buong Tokyo, parang ako lang ang malungkot. Hindi ako malungkot dahil single ako o wala akong kasama ngayon, malungkot ako kasi naalala ko ang step-mom. Dati kasi kami ang laging magkasama pag ganitong okasyon. Wala naman kasi akong naging GF ever since. Kaya namimiss ko yung mga oras na nagce-celebrate kami ni Mama.

Napabugtong-hininga ako at nagsimula ng maglakad. Gabi na rin kasi, buti pang umuwi na ako. Wala naman din akong mapapala dito, dahil wala din namang pumapansin sakin. Sino ba namang papansin sa isang taong di nila kilala?

I'm Ren J. Kazuto sounds japanese right? Pero di ko yun napansin.,dati. Isang pure-blooded japanese ako pero mas pure-blooded pinoy at heart. Hindi ako gaanong marunong ng language ng japan kaya madalang din akong magsalita. Pag nag-uusap naman kami ng Dad ko eh english, buti na lang english major ang dad ko. Yes, he's a teacher kaya ang swerte ko. Madami akong kasama sa bahay like mga pinsan at mga pamangkin pero lahat hindi ko close kasi nga di ako  nagsasalita at di ko rin sila naiintindihan kaya nahihirapan tlaga akong mabuhay dito sa Japan.

Pumapasok naman ako sa isang japanese teaching class, hindi pa tlaga ako nag-aaral sa isang academy dahil kailangan nga daw kasi eh matutunan kong mag-japanese. And I'm trying my best naman tlaga para matuto agad at maka-adapt na sa environment ko dito. Boring eh, sana naman may kausap ako dito yung maiintindihan ko at maiintindihan din ako.

Nasa may tapat na ako ng gate ng bigla kong makita ang isang babaeng pagka-ganda ganda, japanese din. Chinitang-chinita eh. Nakasuot siya ng kimono at nakatali ang buhok, may red flower din siya sa buhok niya at napakaganda niya. Mukhang may hinahanap siya, kanina pa kasi siya libot ng libot at hanap ng hanap sa mga bushes. Ano kaya ang hinahanap niya? 

Lumapit ako sa kanya pero hindi yung napakalapit tlaga. May distance pa rin kami at nag-isip muna ako. May alam na naman akong japanese eh,konti. Ok naman na siguro yun, maiintindihan na naman siguro niya ako.

"eto..Doushita no?" sabi ko.Ack, awkward pa rin ang accent ko.  Bigla naman siyang napatayo at napatingin sakin. Umiiyak ata siya, may luha sa kanyang mga mata eh.Bigla niya namang pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata at nag-bow sakin, nataranta ako dahil nakalimutan kong mag-bow kasi.. kailangan ata yun dito eh? Tama ba?

(um.. What's the matter?)

"Watashi wa nanika o ushinatte shimatta" natigilan ako sa sinabi niya, lagot masyadong mataas yun! Ugghh, panu ko sasagutin yun? Naku naman >_< Tinitigan niya lang ako at wari bang hinihintay ang reply ko pero wala tlaga akong maisip na palusot o sagot sa kanya ng may mapansin akong kumikinang sa bandang ibaba ng bench. Pumunta ako dun at pinulot yung kumikinang. Isa palang hikaw, eto kaya yung hinanahanap niya?

Nakatingin pa rin sakin yung babae at mukhang nagtataka sa mga kinikilos ko. Sorry naman. (I've lost something)

Pumunta ulit ako sa harapan niya at pinakita ko sa kanya yung hikaw. Tinititigan niya lang ako kaya napa-bugtong hininga na naman ako. Ang hirap naman neto.

"Kore wa soredesu ka?" sabi ko sa kanya napatingin naman siya sa hawak ko at hinablot agad-agad ito sa kamay ko. Tatalon-talon siya at ngiting-ngiti, may mga sinasabi din siya pero hindi ko maintindihan eh kaya naman ngumiti lang ako at tinitigan lang siya. Mukahng na-feel niya naman ang presence ko kaya tumigil siya sa pagtatalon at nag-bow ulit sakin. Ang cute niya naman pag naka-ngiti. Mukhang iyon nga ang hinahanap niya, buti naman. Kung sinuswerte ka nga naman.

(Is this it?)

"Hai, kore ga soda. Arigato!" ngiting-ngiti niya naintindihan ko naman ang sinabi niya, konti. Yung arigato lang ang alam ko meaning nun eh "thank you" diba? Nginitian ko ulit siya at ginulo ang kanyang buhok.Mukhang nagulat siya dahil hinawakan niya bigla ang kamay ko at titig na titig sakin. Naku naku, mali ba yung ginawa ko? Bawal ba ang ganun? ugh. patay.

(Yes, this is it! Thank you!)

"ah, g-gomen" tapos nag-bow ako sa kanya ng paulit-ulit. Sana naman mapatawad niya ako, sana hindi niya ako ipapatay sa mga yakuza niyang kuya o kakilala. Di ko naman talaga alam eh. 

(ah, I-i'm sorry)

"ah, daijoubo!!" tapos eh nag-smile siya ulit sakin & this time ako naman ang nagulat dahil ginulo niya din ang buhok ko tapos eh tumakbo. Nang mabalik lang ako sa srili ko eh dun ko lang siya tinawag pero huli na kasi wala na siya. Hayy. Hanubayan, tanga ko tlaga. Di ko din naman kasi inaasahan na gagawin niya yun dahil usually ako ang gumagawa nun sa iba at first time kung maranasan yun.

Napangiti na lang ako at umalis na ng tuluyan sa park. Sayang, di ko nalaman ang name niya.

Sana lang eh makita ko siyang muli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nihon no Ai (A Japanese Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon