Right Love At The Wrong Time

296 11 0
                                    

Isang mabait na mag aaral si Mira sa isang sikat na Unibersidad. Marami syang kaibigan at mga ka kilala sa buong campus. Pihikan sya sa mga manliligaw at ayaw nyang makipag relasyon dahil naniniwala sya sa destiny.


Isang araw habang nag hihintay ng klase ay lumapit si Ivan sa kanya at nakipag kwentuhan ito. Hindi naman nya sinungitan si Ivan dahil mabait ito at bagong lipat lang sya sa school nila. Crush nya si Ivan dahil bukod sa gwapo ito ay magaling mag basketball.


Nakilalang mabuti ni Mira si Ivan at halos lahat ng subject ay mag kasama sila. Iniisip ng mga kaibigan ni Mira na nililigawan na sya ni Ivan dahil kahit mag lunch break ay mag kasama sila. Madalas silang mag kulitan at mahilig silang kumanta. Hindi malayong mahulog ang loob nila sa isat isa.


Nanlilisik naman ang mga mata nila Ned at Brian kapag nakikita nila si Mira at Ivan na mag kasama sila kasi ang mga manliligaw ni Mira. Hindi rin gusto ni Jorge si Ivan para sa kapatid nyang si Mira.
Ang ginawa ni Ivan para matanggap sya ng pamilya ni Mira ay dinadalhan nya sila ng pagkain at nakikisalamuha sya sa mga ito at malugod naman syang tinanggap ng mga ito maliban lang kay Jorge.


Madalas nyang dinadalaw si Mira sa bahay nila pagkatapos ng klase. Lagi naman nag babangayan sila Jorge at Mira kapag pumupunta si Ivan sa bahay nila. Binabastos ni Jorge si Ivan at ayaw na ayaw nyang pumupunta si Ivan doon.



Hanggang isang araw noong palabas na ng campus si Ivan ay hinarang sya ng grupo ni Jorge at dinakip nila sya. May masamang plano si Jorge kay Ivan dahil ayaw na ayaw nya ito para sa kapatid nya.


Noong makarating na sila sa liblib na lugar ay doon sya binugbog ng mga ito. Iniwan nila si Ivan ng walang malay. Pinag bantaan ni Jorge si Ivan na mauulit muli ang pambubugbog nila sa kanya kapag lumalapit pa rin sya kay Mira.


Pagkalipas ng ilang linggo ay hindi na pumapasok sa school si Ivan at labis na nalungkot si Mira. Hindi makapag tanong si Mira kahit kanino dahil sya lang ang kaibigan nito sa school. Nag aalala syang baka ano na ang nangyaring masama kay Ivan.


Sumapit ang championship game ng basketball at mag kalaban dapat ang team nila Jorge at Ivan. Masayang masaya si Jorge dahil sigurado na syang mananalo ang team nila. Nawala na din sa landas nya ang laging sumisira ng araw nya.


Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay dumating si Ivan at na ka uniform ito at mag lalaro sya ng basketball. Sa 1st and 2nd half hour ng laro ay di nag pahinga si Ivan at ayaw nya mag pa sub sa mga ka team mates nya. Star player sya dahil sa dami ng 3 point shots na ginawa nya. Pagkatapos ng laro ay masaya ang team nya dahil nanalo sila. Galit na galit naman si Jorge dahil hindi nya akalain na sisipot pa si Ivan sa championship game.


Hindi sila nag kita ni Ivan at Mira sa araw na iyon dahil umuwi kaagad si Ivan pero dinalaw nya si Mira kinaumagahan sa bahay nila. Matagal silang nag usap at masaya silang dalawa. Itinataon na lang ni Ivan ang pag dalaw kay Mira kapag wala si Jorge doon ng hindi sila mag kabanggaan na dalawa.


Noong malapit ng matapos ang sem ay konti na lang ang tao sa campus. Nakita nila Jorge at ang grupo nya si Ivan na papunta sa likod ng building dala ang mga pintura para sa gagamitin sa stage play.

Sinundan nila ito at balak uli nila syang bugbugin pero hindi pa nila nagagalaw si Ivan ay bigla na lang silang nag kasakitan. Hindi nila mapaliwanag ang nangyayari na parang may kumu-control sa kanila. Habang nag kakasakitan ang lima ay nanonood lang si Ivan at nakangisi ito sa kanila. Umabot sa pagkakaroon na nila ng sandata at mas lalong tumitindi ang laban nila sa isat isa.

Natigil lang silang nag kakagulo noong dumating si Mira at nasaksihan nya na nag papatayan ang kuya nya at mga kaibigan nito habang si Ivan ay nanonood lang at walang ginagawa. Matapos na ma control ni Ivan sila Jorge ay nag sitakbuhan na sila palabas ng lugar na yun dahil sa takot.


Nilapitan ni Ivan si Mira at lumabas sila ng building. Dinala ni Ivan si Mira sa isang classroom at doon sila nag usap. Buong mag hapon silang mag kasama at nag tapat na din sya ng pag ibig kay Mira. Masaya silang dalawa dahil pareho sila ng nararamdaman.

Ilang sandali na lang ng unti-unting nahihilo si Mira at hinayaan ni Ivan matulog si Mira sa classroom. Habang tulog si Mira ay sinagawa ni Ivan ang masamang balak nya kina Jorge. Iniwan na nya si Mira sa school.

Una nyang biktima ay si Alex. Papauwi na si Alex ng biglang harangin sya ni Ivan. Hindi sya makagalaw sa kinatatayuan nya habang papalapit naman si Ivan sa kanya. Itinulak ni Ivan si Alex mag mula 5th floor hanggang 1st floor at nahulog si Alex sa terrace ng hallway ng building. Dead on spot si Alex dahil pag bagsak nya ay syang pag tuhog naman ng bakal na pader sa katawan nito. Mabilis umalis si Ivan sa lugar at walang nakakita sa kanya. Lumalabas sa imbistigasyon na nag suicide si Alex.

Sinunod nyang biktima ay sila Gabby at Migs. Inaayos ni Migs ang sasakyan ni Gabby. Habang nasa ilalim sya ng kotse ay tumagas ang gasolina sa mukha nya at sa damit kaya dali-dali syang tumayo at nag punta sa banyo para mag hilamos. Si Gabby naman ay nag iihaw sa labas ng bahay. Pinuntahan nya si Migs sa garahe pero hindi nya ito nakita kaya pumasok sya sa bahay para hanapin ang kaibigan. Hindi nila namalayang dalawa na yung tumatagas na gas galing sa kotse  ay papunta na sa ihawan. Ilang sandal na lang ng sumabog ang kotse ni Gabby at nasunog ang buong bahay. Hindi sila makalabas na dalawa dahil tumataas na ang apoy at nasa bubungan na ito. Bago sila mawalan ng hininga ay natanaw nila si Ivan na nanonood sa kanila at nakangisi ito sa kanila.

Sinunod nyang puntahan ay si Albert. Nag aabang ng taxi si Albert at noong nakasakay na sya ay bigla itong nahilo sa loob ng taxi. Si Ivan ang nag mamaneho ng taxi. Noong nasa express way na sila ay bigla syang tumalon habang si Albert ay nasa kotse pa na walang malay. Nabangga ang taxi ng mga rumaragasang sasakyan. Palaisipan sa mga nakasaksi ng aksidente na wala ang driver at lasuglasog naman ang sakay nito sa likuran. Dead on spot na din si Albert at hindi rin sya nakaligtas. Maraming motorista ang nadamay sa aksidente na ito.

Ang hinuli nyang pag higantihan ay si Jorge. Wala na syang pakialam kung kapatid sya ni Mira. Gusto nya mag higanti dahil sa ginawa nila sa kanya. Pauwi na si Jorge ng biglang may kumo control ng sasakyan nya. Hindi nya ma preno at nag tuloy tuloy ito na mahulog sa bangin. Pagkatapos mag pagulong gulong ang sasakyan ay sumabog ito at hindi na rin nakaligtas si Jorge.

Kinaumagahan sa panig ni Mira ay nagulat sya dahil nasa kwarto na sya na natutulog. Naguguluhan sya dahil ang alam nya ay mag kasama sila ni Ivan sa school.

Noong bumaba sya para mag almusal ay nagulat sya dahil madaming tao sa sofa nila. May nakaburol sa sofa at noong titignan na nya kung sino ang nasa kabaong ay nagulat sya dahil kuya nya ang nakaburol. Umiyak sya at sobra syang nalungkot sa sinapit ng kuya nya.

>>>>Fast forward<<<<


Namatay na si Ivan noon pang nabugbog sya nila Jorge sa liblib na lugar. Nakipag kasundo sya sa kampon ng kadiliman para bigyan sya ng pangalawang pagkakataon mabuhay sa mundo at ng makapag higanti kina Jorge. Pinag bigyan sya sa hiling nito pero sa isang kondisyon na kung makakapag bigay sya ng anim na kaluluwa kapalit ng buhay nya. Pumayag si Ivan sa kondisyon na ito.

Hindi na rin si Ivan ang nag lalaro ng basketball noong championship game nila kundi kasama na nya ang kampon ng kadiliman at tinutulungan syang mag higanti sa mga taong nang api sa kanya.
Dahil lima lang sila Jorge at mga kaibigan nito ay kulang pa ng isang kaluluwa na ibibigay nya sa kampon ng kadiliman. Gusto nila na pati si Mira ay kitilin din nya ang buhay nito. Hindi sya pumayag kundi buhay na lang nya ang inalay nya ng mamuhay ng payapa si Mira. Ginawa nyang ialay ang buhay nya dahil sa pagmamahal nya kay Mira.


-THE END-



Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon