Chapter 1
When I walk in the spot, (yea) this is what I see (okaay)
Everybody stops and they staring at me
I got a passion in my pants and I ain't afraid to show it, show it, show it, show it...
I'm sexy and I know it
Ayyy
I'm sexy and I know it
Check it out, check it out
Wiggle, wiggle, wiggle, wig-yea, yea
Do the wiggle, man
I do the wiggle, man (yea)
I'm sexy and I know it...
I-I-I work out (Ahhhh)
Girl look at that body
Girl look at that body
Girl look at that body
I-I-I work out...
I'M SEXY AND I KNOW IT.
Sila na ang sumasayaw ngayon. Grabe lang. Parang kanina lang medyo nakakaantok ang ibang intermissions.
Pero sila?
Nakakasigla,
Nakakatawa,
At,
take note,
Nakakapang-init.
“Jas! Ang HOT sumayaw ni Kuya James! WAAAHHH!”
Loko talaga ‘tong kaibigan ko. Pero totoo namang hot sumayaw si Kuya James. Atska kahit 10 pm na at andito pa sa school dahil may student’s night-slash-concert, eh ang sinasayaw ng boys sa org nila ay macho dance. At SEXY Dance. Buti na nga lang at hindi careless whisperer yung tugtog eh.
Napansin ko si Panget. Yeah. Panget tawag ko sakanya. Tinext niya ako na panuorin ko daw yung mga brothers niya sa org na sumayaw. Nung una di ko alam na kasama siya doon pero nung nag-text ulit siya kaninang umaga, ang sabi niya panuorin ko daw siya sumayaw.
At ang ginawa ko, pinanuod ko nga siya kahit saglit lang. Huling-huli niya akong pinapanuod siya. Siyempre, huling-huli ko din siyang tumitingin din sakin. Medyo nagkakatitigan kami paminsan-minsan.
Inoobserbahan ko ang pag-galaw niya at napansin kong nagkakamali na siya. Hala! Ganoon ba epekto ng pag-titig ko sa kanya habang sumasayaw siya? Maasar nga mamaya.
Nang matatapos na sila sa kanilang sayaw, nakaboxers na lang sila. Tama kayo ng binasa. Nakaboxers! At Topless pa silang lahat. Ano masasabi niyo dun? Sino ba namang hindi iinit ang pakiramdam sa ganoong, ehem, view diba? Tapos andoon pa si Kuya James na sooooo pogi.
Ang init talaga ah. Init sa pakiramdam ng sayaw nila. xD
Pagkatapos nila, Parokya Ni Edgar naman. Sila na ang pang-huling performer. Talk about slamman’, apakan, bungguan, siksikan at tilian. Ganoon ang scenario kanina dahil sa P.N.E.
Ngayon? 11:38 pm na at nag-iintayan ng sundo at puro kwentuhan tungkol sa nangyari kanina sa concert sa tapat ng gate ng school. Nakikita ko pa nga ang soon-to-be-artista na si Jude Sinahon eh. Kilala niyo yun?
Kausap ko ang isang member ng org nina Panget dahil ka-close ko din naman ang iba sa kanila nang biglang sumingit yung Panget.
“Hi Jas! Nakita mo ba akong sumayaw kanina? Galing ko no?” Ngiting-ngiti niyang bati sakin. Hello naman. Nakita ko ‘yun. Ba naman. Nagkatitigan nga kami kanina diba? May Amnesia talaga ‘to. Tsk.
“Ay hindi. Hindi kita nakita kanina. Si Kuya James kasi pinapanuod namin eh.” Sarcastic kong sabi sa kanya yung unang pangungusap.
“Ay sasayawan na lang kita para makita mo kung gaano ako kagaling.”
“Wag na Kuya Luke, baka magunaw ang mundo pag sumayaw ka.” Pang-asar kong sabi sa kanya.
“Galing ko kayang sumayaw kanina. Akala ko nga may kukuha ng number ko pagkatapos eh.”
“Akala mo lang ‘yun. Walang hihingi ng number mo noh.”
Eto namang si Jamaila, ayun, sinakyan ang biro nung loko. “Kuya, anong number mo? Pwede mahingi? Elibs ako sayo eh.”
Nagtatawanan na lang sila. Ako naman, medyo iritable sa panget na ‘yun. Ewan ko ba kung bakit. Basta bigla na lang akong nainis.
“Kuya Charles, diba may vaccination kayo bukas? Sama ako ah.” Tanong ko sa isang member ng org nila.
“Nako tapos na, kahapon nila ginawa ‘yun eh. Sayang di ka nakasama.”
“Ay ganun.” Medyo nalungkot ako doon ah. Hindi pa kasi ako nakakasama sa vaccination na sila ang org kahit medyo close ako sa kanila.
“Sa bahay ko na lang ikaw sumama. Doon din naman yun eh.” Sabi ni Kuya Luke sakin habang nakangiting nakakaloko.
“Ano naman gagawin ko ‘don?”
“Ipapakilala kita sa parents ko. Sasabihin ko ikaw ang gusto kong regalo sa pasko” Seryosong sabi niya tapos maya-maya, tumawa.
Taenang yan. Hiyawan tuloy sila. Makabanat ba naman kasi.
“Hindi naman ako mareregalo ng mga magulang mo sayo eh. As if naman kasing papayag ako diba?”
Nalungkot tuloy mukha ni Kuya. Buti nga sa kanya. Lakas kasi bumanat eh. Basag tuloy.
Tumawid ako sa kabilang kalsada (sa may gate ng school) para umupo sa hagdanan sandali. Napansin kong sumusunod siya sakin. Nasa likuran ko kasi, mukhang body guard.
“Bakit mo ba ako sinusundan?” Iritang tanong ko sakanya ng hindi siya nililingon.
“Gusto kita makasama eh. Ang cute mo kasi” The heck? Bumabanat na naman ‘to? Tsk. Di ako malilinlang nito.
Lumingon ako sa kanya at binigyan ng masamang tingin. Aba, nginitian lang ako. Hmmp.
Tinabihan ko sa hagdan ng school si Jamaila at si Mikaela. Sinasabi ko sa kanila ang inis ko kay panget, mga kaibigan ko naman inasar lang ako dun sa loko.
At eto namang isa...
“Bakit ba ang kulit mo? Wag mo nga akong sundan!” Naiinis na ako. Ang kulit kasi. Kanina pa ako palipat-lipat ng pwesto dito sa hagdanan papasok ng school namin.Tumatabi kasi sakin eh. Nakakinis. Kayo kaya, May ganitong tao sa inyo, Anong mararamdaman niyo?
Tinignan ko siya kasi hinihintay ko kung ano ang isasagot niya at natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Nagkatitigan ang aming mga mata nung seryosong sinabi niya na:
“Bakit? Kasi gusto kita. Gusto kita makasama. Gusto kita......higit pa sa kaibigan.”
Seryosong niyang sinabi sakin sabay kurot sa aking pisngi at bumalik sa mga kaibigan niya.
ANO DAAAAAAW?
BINABASA MO ANG
To the Flirt I've Fallen For
Teen FictionEverybody has the capacity of loving someone. But in My Case, that 'someone' is a FLIRT.