Chapter 2
Di makatulog sa gabi sa kaiisp,
(wheh?)
Sa diwa ko’y ikaw ang aking panaginip
O, bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko.
(‘di ka palaging laman ng isip ko)
Sa bawat sandali ay nais kang makita
Kapag tumitig na sa akin ay ligaya
(oo na lang) -__-
Anong hiwaga ang nadarama, Anong kaba...
2:16 am na at hindi pa din ako makatulog dahil sa sinabi niya kanina. Gusto niya daw ako? Higit pa sa kaibigan? Dapat na ba akong kiligin? Hmm. No way. Di ko nga type yung panget na yun eh.
TEKA! SANDALI LANG!
Ako hindi makatulog?!!!!
Si Jasmine Marie Enopiquez, First year college at Kumukuha ng kursong Doctor Of Veterinary Medicine sa De La Salle Araneta University na nakatira sa Batangas at nagdo-dorm na pangatlo sa apat na magkakapatid na 17 taong gulang na mahilig sa purple na may tatlong aso, may dalawang guinea pig at isang pusa , Hindi makatulog?!
Spell ASA. A-S-A. ASA!
Nakatulog naman kasi ako kanina. Mga bandang 1:32 am na. Nag tagal pa kasi kami kagabi sa tapat ng gate ng school. Puro kwentuhan lang. Tsaka yung kaibigan ko sinasamahan namin para intayin yung sundo niya. Grabe lang kagabi. Sana talaga maaga dumating ‘tong sundo ni Jamaila para naman hindi nadagdagan ang mga banat nung panget na yun. Errrr. Kakairita talaga yun.
Alam niyo kung bakit?
Lahat na lang ata ng banat nasabi na niya eh. Di naubusan. Di tumitigil. Buti na lang tinawag na siya ni Kuya Charles.
Woooh Kuya Charles savior kita!!
Ano nga ba ang mga nangyari pagkatapos niyang sabihin yun sakin?
*Flashback*
“Bakit ba ang kulit mo? Wag mo nga akong sundan!”
“Bakit? Kasi gusto kita. Gusto kita makasama. Gusto kita...higit pa sa kaibigan.” Seryosong niyang sinabi sakin sabay kurot sa pisngi ko at bumalik sa mga kaibigan niya.
Nabasa niyo yun? Bumalik sa mga kaibigan niya!! Kainis!
Matapos aamin-amin ng ganun mag-wo-walk out na lang. Hello??? Pwede namang intayin ang sasabihin ko diba? Pinutol agad. PSSSSH.
I’ll just take that as a, uhmm, good time. As in biruan lang.
“Grabeng Panget yun ah.” May pagka-bulong kong sinabi habang nakatingin sa kanyang likuran na papalayo sa akin.
“Sus Jas! Luke ka pala eh! Yan pala magpapatameme sayo eh! AHAHAHA “
Shemay. Nandito nga pala sila. Nakakainis naman!!!
“Sige lang Jamaila, mang-asar ka pa. Iwanan ka namin dito ni Mikaela eh.” Sabay tingin kay Mikaela at tayo habang sinasabi ang: “Mikaela tara na nga, iwan na nga natin ‘tong babaeng ‘to.”
“Wag na kasi ideny Jas! Kinikilig ka lang eh. Ayiiieeee! Ahahaha.” Humahalagahak sa tawa yung dalawa. Wala na akong kakampi. Pati mga kaibigan ko baliw na. -__-
Naglakad na lang ako at...
I Just spotted Jude Sinahon standing there, ALONE! Mukhang wala pa ang sundo! AYOS! Makiki-FC nga ako.
“Hi Ju— Ay! Ano ka ba?!” Eto na naman ho siya. Kilala niyo na kung sino ang nanghigit ng kamay kong dapat ay ikakaway ko kay Jude. -__-
“Wag ka ngang lalapit dun!”
“Eh paki mo ba?! Crush ko yung tao eh.” Sabay hatak ko sa kamay kong hawak pa din niya.
Aba, Ayaw bitawan. Nakakainis naman. Ano na naman bang problema nito? Mag-wo-walk out siya kanina tapos ngayon, pakikialaman ako.
“Hoy ano ba?! Bitawan mo nga ako! Pupuntahan ko pa si Jude!” Sigaw ko sa kanya.
“Bakit mo ba gusto puntahan yun? Wala namang kwenta yun eh.” Medyo bumaba ang tono ng pananalita niya. At nakatungo siya habang sinasabi niya 'yun.
“Eh ano bang pakialam mo? Crush ko nga diba!”
“Manhid ka ba Jas?! Nagseselos ako! Hindi ba halata?! T*ng *na naman!” Sabay bitaw ng kamay ko at walk-out, na naman. Ako? Became startled.
Nagseselos? Uso ba yun? Eh diba parang joke time lang naman yung kanina? I mean wala namang seryosong naganap kanina? Kasi mukhang lokohan lang naman yung kung ano man ang naganap kanina? Kasi diba nagwalk out siya pagkasabi niya nun? Diba? DIBA?
Haha! Okay ako na ang parang timang dito sa kakaisip, tapos ayun siya, sa mga brod niya, masayang nakikipag bonding. Eh ako? Pinipilit sa sarili na joke time lang yun. Kasi totoo naman, diba?
“Oy Jas! Sama ka mamaya? Shots tayo” Bati sakin ni Kuya Charles.
Napansin atang nakatingin pa din ako kay panget.
“Oh Jas? Wag mong pansinin ‘yang si Luke. Palabiro lang talaga yan. Kahit sa mga sis naman lagi bumabanat yan”
Nakuha ko na ang sagot ko.
Laging bumabanat.
Palabiro.
Edi ako ito, di gagawing big deal kung ano man yung joke time na nangyari between Me and Luke kani-kanina.
“Teka, Shots? Saan naman? Game ako diyan!” Sabi ko nung medyo natapos na akong isipin yun.
“Trinoma daw eh. Dala ko naman sasakyan ko eh.”Sabay tawa. “Dont worry,Makakasama mo si Luke.”
“Eh? Wag na lang? Anong oras na din kasi eh. Tsaka pano ako babalik ng dorm diba?” Pagrarason ko. Kung kasama naman pala yun, edi wag na lang.
“Oy Luke! Pagsumama ba si Jas ihahatid mo siya sa dorm niya?” Biglang sigaw ni Kuya Charles kay Luke.
Naglakad tuloy dito papalapit samin. “Ha? Oo naman! Si Jas naman yan eh”Tapos medyo ngumiti sakin.” Wala naman akong gagawing masama sa kanya.”
“Wala daw?” Nagmamaang-maangan kong tanong sa kanya.
“Wala nga, nirerespeto kita eh. Alam mo namang gusto kita eh.” Tapos ngumiting nakakaloko.
*end of Flashback*
In the end,’di pa din ako sumama. Kahit medyo gusto kong sumama, madaling araw na din kasi. Mahihirapan bumalik ng dorm kasi konti na lang ang PUV tapos baka manyakin pa ako sa daan.
After nung conversation namin tungkol dun, nagkayayaan na silang umalis. Sakto namang dumating ang sundo ni Jamaila. Oh diba, Ayos lang.
Kinabukasan (Saturday)
Pagkauwi ko ng bahay pagkatapos ng NSTP. Nag-facebook agad ako.
Siyempre, tingin-tingin ng notifications. Browse dito, browse dun. Basa-basa ng ibang stories sa wattpad.
Maya-maya tumunog yung message tone sa facebook. Nung nilipat ko sa Fb Tab, Si panget pala ang nag-pm.
“Uy Jas : )” yan lang naman ang sinabi sakin.
“Oh bakit?” Reply ko sa kanya.
“May number ka ba ni Jamaila?”
The heck! Sakin pa tinanong! Amfuta!
Okay. Alam ko iniisip niyo, na nagseselos ako.
Pero di ako nagseselos. Sino bang hindi magiging ganun ang reaction kung kagabi lang sasabihin sayo nung tao na gusto ka niya. At higit sa kaibigan pa. Nak ng Tokwa naman.
“Ha? Wala eh.” Sinabi ko na lang kahit meron naman talaga.

BINABASA MO ANG
To the Flirt I've Fallen For
Teen FictionEverybody has the capacity of loving someone. But in My Case, that 'someone' is a FLIRT.