Revised Version: January 19, 2015
Author's Note:
Sorry guys, talagang makulit lang ang inyong mabagal pa sa pagong na author ninyo, si abJC. Ayan, ni-revised ko na naman. Sensiya na, minsan talaga ay nawawala ako sa mood na magsulat kaya di ako makapag-update. Pero sana naman, magtuloy-tuloy na ito. Cross fingers!
PROLOGUE
Hawak-hawak ko ang isang local newspaper, nakabukas iyon sa entertainment section, page 11. It was an articles about the audition for a local boyband group, the NOVIOS. Binasa ko nang mahina ang artikulo.
Ang DreamSTAR Entertainment ay nag-aanyaya sa isang open audition para sa magiging karagdagang miyembro ng NOVIOS. Ang mga interesadong kabataang lalaki ay kinakailangang nasa 13 hanggang 18 na taong gulang.
Ang audition ay nakatakdang gawin sa June 6, 20XX, 3:30 n.h. sa DreamSTAR Entertainment Studio, DreamSTAR Building, Meralco Avenue, Pasig City.
Napangiti ako bigla nang matapos kong basahin ang naturang anunsyo. Ilang beses ko na yatang nabasa iyon.Hindi ako maaring magkamali.Nangangailangan ng bagong miyembro ang boyband na NOVIOS. Mukhang umaayon ang pagkakataon para makapasok ako sa mundo ng mga pinoy pop idols.Well, kung bakit gusto kong makapasok ay meron akong matinding dahilan na ako lang ang nakakaalam.Maging sa pamilya ko ay hindi ko ito sinabi.Itinago ko ito sa aking sarili. Gusto ko kasing ako ang trumabaho nito na mag-isa.
This is it!This is it! This is what I am waiting for! Natutuwa ako sa mga takbo ng pangyayari. Mukhang ang lahat ay naaayon sa aking mga plano. Pagkakataon ko na kasing maging parte ng isang boyband group kung saan naroon ang taong nais ko na mapaghigantihan.Naaalala ko pa ang lahat kung bakit kinakailangan ko itong gawin ang mga bagay na ito.
It was saturday night, almost three o'clock in the morning . Naalimpungatan ako nang sunod-sunod na tumunog ang aking mobile phone. Wala na sana akong balak na sagutin ang mobile phone sa dahilang pagod na pagod ako sa maghapong paggagala namin ng bestfriend kong si Joey Mabalatan. Hinagilap ko ang katabi kong asul na unan sa tagiliran at tinakpan ko ang aking ulo. Ayokong marinig ang sunod-sunod na ring ng aking mobile phone. Bumalik ako sa aking pagkakatulog. Pero patuloy pa rin ang pagtunog ng makulit na aking mobile phone. Wala na sana akong balak sagutin ang mobile phone pero mukhang hindi titigil iyon hangga't hindi ko nakakausap ang kung sino man na tumatawag.. Kung hindi ko lang siguro pagmamay-ari ang mobile phone ay baka naihagis ko na iyon sa labas ng nakabukas na bintana.
Naiinis sa sarili na dinampot ko ang aking mobile phone. Mabilis kong pinindot ang answer call button at inilapit ito sa aking kanang tenga. Hindi ko na inabala pa ang sarili na silipin ang number ng aking caller.
"Who's this?" iritadong tanong ko sa kung sino mang hinayupak na tumawag sa akin nang dis-oras ng gabi.
Magpapakawala pa sana ako nang katakut-takot na mura at masasamang salita pero hindi ko na iyon nasabi nang marinig ko ang boses ng aking kakambal na kapatid na lalaki, si Michael Angelo Tatlonghari.
"Mika!" may halong tensyon ang mala-anghel na boses na iyon ni Miko nang magsalita sa kabilang linya.
"O, kuya Miko, bakit napatawag ka? Alas tres na nang madaling araw ah?" sinilip ko saglit ang wristwatch kong Rolex saka ako pumikit. Antok na antok akong talaga. Pinipilit ko lang ang sarili na manatiling gising. Hindi biro kasi ang pagpupuyat ko. Ilang beses na kasi kaming gumigimik ni Joey. Sinusulit namin ang summer vacation dahil next month ay pasukan na namin sa eskuwela.
"It's about Momoko!" kahit hindi ko nakikita ang mukha ng kakambal ko ay alam kong hindi ito maipinta. Mukhang may malaki itong problemang kinakaharap, lalo na't involved ang kanilang half-sister japanese na si Momoko Chiba.
BINABASA MO ANG
MY BOY! I GOT A BOY![On-going/Bi-Monthly]
Teen FictionNagpanggap si Mika bilang isang lalaki upang makapasok sa mundo ng isang Pop Idol Group. Ninais niyang mapalapit sa isang lalaking malaki ang nagawang kasalanan sa kanyang pamilya. Nang magtankang magpakamatay ang kanyang kapatid dahil sa naranasang...