Hello guys and gals. I just want to say, "Thank You" to all of the people who never left me. Until now, nandiyan pa rin kayo. Well, I can't promise na lagi akong mag-a-update dito sa wattpad, as usual, I a very busy in real world. Anyway, kahit paano, nabisita ko ang platform na ito na libangan ko before. And right now, me regalo ako regarding this story. Ang bagong revised chapter of "My Boy! I Got The Boy!" na dating My Boy! Medyo, Maraming pagbabago po ang gagawin ko rito but the plot and story ay katulad pa rin ng dati. Nawala kasi ang kopya ko ng mga chapters nito sa computer ko, maging yung kuwento nito dito sa wattpad. Hindi ko siya marecover, sayang. Nanghihinayang ako talaga. Pero, ayun nga, nakagawa ako ng bago. Hindi ko na patatagalin. Kaya eto na po ang Chapter 1 ng ating story.
Date: December 24,2023
Time: 4:55 PMFront Act 1
"HUMANDA KA! Ako ang magandang tagapagtanggol ng Pag-ibig at Katarungan! Ako si Sailormoon! Parurusahan kita sa ngalan ng buwan! " Hawak-hawak ko ang malaking headphones habang nagbibitaw ng linya na nakatingin sa tv monitor kung saan kasalukuyang pinapalabas ang popular na anime na Sailormoon. I'm doing a dubbing for anime when a door opened. Pumasok ang isang babaeng nasa edad na thirty five years old, si Ninang Angelica.
"Napakagaling mo talaga! " Pumapalakpak na papuri ni Ninang Angelica sa akin nang tuluyan na siyang makapasok sa recording studio. "Bakit kaya 'di ka mag-artista? " Tanong pa niya sa akin.
"Ako, artista? " Natatawang naituro ko pa ang sarili ko na nanglalaki ang mga mata na tumingin kay Ninang Angelica. Inalis ko ang headphone sa aking ulo. Tinurn-off ko muna ang tv monitor at ang recording para sa dubbing.
"Oo! " Sabi ni Ninang Angelica na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "You've got the look. Beautiful face. Classic beauty. Nakikita ko sa iyo ang dating artista na si Paraluman. Isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. "
"Ay weh?" Sabi ko kay Ninang Angelica. Hindi ako naniniwala sa kanya. Likas kaya na bolera ang Ninang Angelica. Pero hindi ko siya masisisi. Marunong siyang kumilatis ng isang tao kung ito ba ay magiging artista. Isang talent manager si Ninang Angelika o mas kilala sa mundo ng showbiz bilang si Ate Angge. Sampung taon na siya sa industrya at marami-rami na siyang talent na napasikat. Tatlong television network ang kumukuha ng mga talents sa kanya. Exclusive man o hindi ang contract ng mga alaga niya sa malalaking tv network or film outfit ay napapasikat niya at nabibigyan ng break sa showbiz. Isang magaling na starmaker.
"Ano ka ba naman, Mika? " Pumalatak ang Ninang Angelica ko. "Sasayangin mo ba ang talento na mayroon ka? Nagkakasya ka na ba sa pagiging voice talent lang? Well, hindi ko nila-lang lang ang pagiging voice talent ng isang artist Pero sayang ka, me potential ka na maging big star. "
"Wala sa pangarap ko ang maging artista o modelo sa entertainment industry, Ninang. Mas gusto ko itong ginagawa ko. Isa pa, hindi masyadong nakaka-drain ng energy ang pagiging voice talent. "
"Well, if you ever change your mind. Please, take me a beep, ok? " Sabi ni Ninang Angelica na iginala ang paningin sa buong studiio. "Do you need new equipment? "
Umiling ako sa kanyang huling tanong. Sapat na ang mga recording equipment sa studio.
Naririto kami sa isang maliit na recording studio. Personal recording studio na mismong ako ang nagpagawa na katabi lang ng malaki kong kuwarto. Yup, tama ang narinig ninyo. I am a voice talent. An unknown voice talent. Why did I tell you that I am an unknown voice talent? Wala kasing nakakakilala sa akin na isa akong voice talent. Kilala ako sa mundo ng Voice Dubbing bilang si Serenity. Gumagawa ako ng voice dubbing sa television commercial or kahit sa mga telenovelas, tagalized foreign movies and korean drama, cartoons and anime. I am credited as Serenity. Nakokontak ako ng kumukuha ng mga serbisyo ko sa pamamamagitan ni Ninang Angelica. Actually, si Ninang Angelica rin ang unang tumulong sa akin na mapunta sa voice dubbing. I was fifteen years old that time nang pasukan ko ang pag-bo-voice talent. As Serenity or mas kilala na The Girl With A Hundred Voices dahil kaya kong mag-iba-iba ng boses. Mayroong boses-batang babae o batang lalaki. Ganoon din ang boses matandang babae o boses matandang lalaki in a natural way voice. Hindi katulad ngayon na puwede nang gawing boses babae ang isang boses lalaki dahil sa modern technologies.
BINABASA MO ANG
MY BOY! I GOT A BOY![On-going/Bi-Monthly]
Novela JuvenilNagpanggap si Mika bilang isang lalaki upang makapasok sa mundo ng isang Pop Idol Group. Ninais niyang mapalapit sa isang lalaking malaki ang nagawang kasalanan sa kanyang pamilya. Nang magtankang magpakamatay ang kanyang kapatid dahil sa naranasang...