Wala

1 0 0
                                    

Sa mundong maraming tao, nabuo ang ikaw at ako.
Sa mundo na ang lalaki ay para sa babae, ang babae ay para sa lalaki.
Pinilit natin na magkaroon ng tayo kahit ito ay patago.
Nagkita tayo sa isang lugar na di natin alam kung saan at wala tayong pakialam.
Nagkakilanlan, nagkausap at nagkasiyahan.
Oras ay lumipas ng napakabilis at hindi na natin to namalayan.
Sinabi mo na magkikita tayo muli at di kakalimutan ang isa't isa.
Isang araw habang ako ay naglalakad, ikaw ay nasulyapan.
Dala mo ang isang ngiti na di ko makalimutan tatlong buwan na ang nakaraan.
Ako ay lumapit sayo at tayo'y nagkamustahan.
Nagkabigayan tayo ng numero at nangako na magkakausap tayo sa susunod na araw.
Lumipas ang dalawang araw at ako ay nakatanggap ng isang mensahe galing sayo. Sinabi mo ay gusto mong makipagkita at ako naman ay sumangayon.
Ginamit ang pinakamamahal na damit at nagayos ng sarili.
Laking tuwa ko at ika'y aking nasilayan sa isang lugar na maraming at malapit sa bayan.
Tulad nung unang araw tayong nagkakilala, saya ang aking naramdaman.
Dumating ang hapon at napagdesisyunan kumain sa gilid ng kalsada.
Kwek-kwek, kikiam, fishball at kung anu-ano pa na pareho nating gusto.
At simula noon ay lagi na tayong nagkakausap, nagkakatext at kahit ano pang bagay na magbibigay satin ng komunikasyon sa isa't isa.
Di ko mawari ang aking saya tuwing tayo ay nagkakausap, na para bang tayo ay matagal ng magkakilala.
Isang araw tinanong ako ng kaibigan ko kung bakit naging maaliwalas ang mukha ko.
Ako ay namula at di ko alam aking isasagot.
Sinabi ko na lang ay ayokong gawing malungkot ang araw ko dahil wala tong mapapala sa buhay ko.
Mula non ay tinanong ko ang sarili ko.
Ano nga bang nagbago sakin simula nung nakilala kita?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WalaWhere stories live. Discover now