This is on a girl's point of view named Zene.
WARNING:
This Point of View may contain hatred....
.
.
.
a lot of hatred.
Ipinaglaban kita di lang dahil sa mahal kita, kundi dahil alam kong sayo ako sasaya. Ikaw yung dahilan kung bakit nagiging masaya pa ko sa buhay ko ngayon pero bakit ganun?
Bakit yung ipinaglalaban ko parang ayaw naman akong tulungang maging masaya? Tama pa ban tong ginagawa ko?
Taman pa bang ipaglaban kita?
Oo, Gusto mo ko, pero kailangan mo din ba ko tulad ng paghahangad ko sayo sa buhay ko? sabihin mo ng selfish ako pero gusto ko akin ka lang eh. pero sa ngayon parang kailangan ko ng gawin ang tama kaysa sa kasiyahan ko.
wala na kong dahilan para ipaglaban at ipagpatuloy tong kalokohan na to. ano pa bang magagawa ko? nangyari na yung di dapat eh.
Gusto man kita ipaglaban pero ikaw naman mismo yung unang bumitaw diba. Sinisisi kita kung bakit ako naging dependent sayo at ngayon ay nahihirapan na iwan ka. sinisisis kita kung bakit kailangan kitang bitawan at sukuan. Sinisisi din kita kung bakit ka umiiyak ngayon sa harapan ko at nagmamakaawa.
Bakit mo ba kasi ginawa yun!? Ipinaglaban kita! Ginawa ko naman lahat para sayo ah! Di pa ba sapat yun? Pero alam mo sinisisi ko din yung sarili ko eh, bakit nga ba kasi pinanindigan pa kita kung alam ko namang sa bandang huli, masasaktan din naman ako. Masokista ba?
Pero di ko naman inasahan na ganito pala kasakit yung gagawin mo sakin. Sinasabi mong di mo sinasadya? Pero sinisigaw mo pa yung pangalan ng ate ko habang gumagawa kayo ng kababalaghan! Mukhang siyang siya ka pa nga nung nahuli ko kayo eh. And you guys are both sane at that time, neither drunk nor on drugs!
Dalawang gabi na lang oh, 48 hours na lang ikakasal na sana tayo. 2 nights na lang iintayin mo para makuha yung gusto mo di mo pa nagawa!. di naman kita pipigilan eh. Kung gusto mo salubungin pa kita ng mga halik ko pero bakit di mo ko nagawang hintayin? Ganyan ka ba kakati at pati yung ate ko dinali mo? Alam mong may gusto din sayo yung tao, pinatulan mo naman.
And what's worst? yun ay ang lokohin ako ng mga pinagkakatiwalaan ko, ng dalawang taong pinahahalagahan ko sa buong buhay ko at yung mga dalawang taong meron na lang ako ngayon.
Di ko na alam kung kanino pa ko maniniwala. maski sa sarili ko, nahihirapan na din akong pagkatiwalaan kasi kada desisyon na gawin ng utak at puso ko, sinasaktan din naman ako. BIGTIME!. Parang sa lahat ng choices, di nawawala ang additional feature na Extreme Pain.
Dahil sa inyo, Ive learned to view things in a really negative way. Thank you for turning my life into a living hell.
A cemetery.
It helped me a lot to open my eyes and see the true shit of the world.
Thanks for the life wrecking memories you have given to me.
I will surely treasure them up until you guys meet the devils. Thank you for killing me in a really painful way...
BINABASA MO ANG
A Betrayed Person's Point of View
HumorZene is a fictional character inside my little head which happens to be suffered a lot of times in her entire life. And by this time, She wanted to be heard. to be acknowledged, to be FREE...