CHAPTER 23

25.3K 576 28
                                    


Tanya:

Ilang araw na ang nakakalipas naging okay naman ang lahat ngunit hindi kami ni Dale.


Madalas na ang aming pagtatalo lalo na at nalaman kong lumabas sila nung Doctora Erica na yun. Sobrang sasabog nanaman ako sa galit pinipigilan ko lang dahil buntis ako.





Kung tutuusin hindi pa nga natatapos yung tungkol sa angel na yun na tinutukoy ni Debbie at ngayon sa Erica naman.





Sino naman kasing di mabubwiset hanggang ngayon ay di padin pinapaliwanag sakin ni Dale yung tungkol sa Angel na yan.






Flashback...



Dale:

"Hello? "





"Hello Erica Kamusta ka? Pwede ba tayong magkita? Importante lang."






"Oh hi Dale I miss you! Sure sa coffee bean nalang tayo magkita okay? 2pm sharp."






Tinapos ko kagad ang tawag at nagmamadaling umalis ng bahay. Mabuti nalang at tulog pa ang asawa ko.






***

Si Erica ang kababata ko at siya din ang nakakaalam ng lahat tungkol sa pagkatao ni Angel.





"Hi nandiyan kana pala have a sit. " Salubong sakin ni Erica.






"So Date ba to?"






"No Erica. Hindi ako nandito para makipaglikohan seryoso ang pinunta ko dito."





Kailangan kong humingi ng tulong kay Erica. Siya ang gumamot kay Tanya noong nawalan ng ala ala to. Tama si Tanya at Angel ay Iisa.






Matagal na akong may pagmamahal para kay Tanya. Unang beses ko palang makita to ay tinawag ko na siyang Angel dahil para siyang anghel na nagmula sa langit.





Nagiwan pa ako ng pangakong pakakasalan ko siya bago kami tuluyang maaksidente at mawala ang ala ala namin pareho.





Ilang taon ding nawalan ako ng alaala. Nalayo sa totoong mahal ko. Pag mulat ng aking mga mata hindi ko na kilala ang mga taong nakapaligid sakin. Pagmulat ng mga mata ko iba na ako. Ibang iba na ang tinakbo ng buhay ko. Nagsimula yon ng magtrabaho ako bilang guro at makilala si Debbie.





Di nawala sa isip ko ang babaeng laman lagi ng panaginip ko. Dumating na sa punto na kakahanap ko sakanya ay niloko na ako ni Debbie. Nagpanggap siyang si Angel at sinamantala niya ang pagkawala ng ala ala ko.





1taon pa ang lumipas nagkita kami ni Erica hindi ko man maalala ito ay tinulungan niya akong maibalik ang ala-ala ko.




At ngayong naibalik na ang ala-ala ko kailangan ko ng tulong niya para ipaliwanag ang lahat lahat kay Tanya.





"So ano nga ang dahilan at nakipagkita ka?"






"Kailangan ko ng tulong mo para maibalik na si Angel."






"Oh c'mon Dale. Ilang taon ng walang maalala si Tanya Hanggang sa nag ibang bansa na ito sa tingin mo ba maibabalik pa yun?"





"Hindi ko alam."






"Dale mag isip ka. Masaya na si Tanya ngayon. Kung totoong mahal na niya ipagtapat mo sakanya ang lahat."






"Pano? Hindi ko alam kung san magsisimula."






"Unti untiin mo lang muna Dale. Wag ka mag alala narito lang ako sa tabi mo okay? I got your back."





Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.






"Salamat Erica."








End of flashback...

He's Cold Hearted ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon