CHAPTER 24

27.7K 614 11
                                    


Tanya:

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko kay Dale ng umuwi na tong late sa bahay.

"Bat gising kapa? Tara na matulog na tayo." malambing niyang sabi at hinila nako papasok ng kwarto.

"Dale ano bang nangyayare sayo? Late kana lagi umuuwi. Nakikipagkita ka padin ba sa Doctora na yun? Wag kang magsisinungaling sakin Dale sinasabi ko sayo." Inis na sabi ko.

Ngumiti naman ito at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Tanya my wife ikaw lang okay? Pasensiya kana at late ako nakakauwi may inaasikaso lang ako."

"Ano naman yun?"

"Ssssh hindi naman masiyadong importante yun. Mas mabuti pa matulog na tayo para baby okay?" At hinalikan niya ako sa mga labi ko.

Sa simpleng paglalambing lang ni Dale ay nawawala din ang pagkainis at pagka topakin ko. Alam ko din naman na dahil din to sa pagbubuntis ko.

Humiga na kami sa kama at niyakap ko siya. Ayoko na kasing wala siya sa tabi ko kaya pagkatapos at pagkatapos palang nitong makapag bihis ay niyakap ko agad siya ng mahigpit.

Ipinikit ko na ang aking mga mata.

•••

Nagising ako ng maramdaman kong wala ang asawa ko sa tabi ko. Tumingin ako sa wall clock at 2am na pala ng madaling araw.

Tumayo ako para mag banyo at pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto para hanapin siya.

"Dale?" Tawag ko sakanya. Patay ang mga ilaw at liwanag lamang ng buwan ang tanging ilaw ko.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan para hanapin ang asawa ko.

Naglakad lakad lang ako at may narinig ako.

Boses ni Dale yun at may kausap to sa phone.

Lumapit pa ako para madinig ko kung ano yun. Kung ano nga ba ang pinaguusapan nila.

Nasa bandang kusina ako at nagtatago sa wall para hindi ako makita ni Dale.

"Kamusta na siya? Nakainom nadin ba siya ng gamot?" Yun ang narinig ko kay Dale.

"Tulog na si Tanya. Ipainum mo ang mga vitamins na pinadala ko para din sa kalusugan niya."

"Okay lang wala yun hindi ka naman nakakadistorbo nagising din ako."

"Sige mag ingat ka nalang palagi. Bye."

At pinatay na niya ito.

Nanikip ang dibdib ko kasabay non ay wala akong maalala kung ano na ang sunod na nangyare.

***
Pagmulat ng mga mata ko ay puting kisame na ang nakita ko kasabay non si Dale na nagaalalang lumapit sakin.

"Tanya okay ka lang? Nag alala ako sayo. Nag passed out ka kanina. Dapat tinawag mo ako kung may kailangan ka sobrang alala ko alam mo ba yun. I can't lose you again my wife."

Hindi ako nagsasalita at naalala ko nanaman ang nangyare kaninang umaga kaya nakaramdam nanaman ako ng kirot dito sa puso ko kahit hindi ko pa talaga alam kung ano ang dahilan.


Tumalikod ako sakanya.


"Wag na muna tayo magusap."


"Why? May nagawa ba ako? Tell me."



"Ayokong makausap ka ngayon okay?"


Magsasalita pa sana to ng bumukas ang pinto at si Erica ang niluwa nito. Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng to alam kong may gagawin siyang hindi maganda na magiging dahilan ng paghihiwalay naming mag asawa.

He's Cold Hearted ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon