Spell TANGA

43 3 0
                                    

Few days later . . . . . .

Hinihintay ko pa rin siyang i-contact ako and to my another disappointment ni-ha ni-ho wala ak0ng narinig mula kay Lennon.

Umaasa pa rin ako kahit papaano na mahal niya ako tulad ng sinabi niya sa akin. kahit na gusto kong magmukmok na lamang sa kwarto ay hindi pwede. kailangan kong pumasok. ayokong mag-alala si mama.

matamlay akong naghanda. pilit akong kumain kasama si mama. naiisip ko pa rin ang nakita ko. siguro naman magkakausap kami ni Lennon.

pagdating ko sa school andun na ang motor niya.

ibig sabihin. . . .

pero. . .

sabay kami lagi pumapasok dahil sinusundo pa niya ako sa bahay namin . . .

NOON.

lalo akong pinanghihinaan ng loob. pero pilit ko na lang binaliwala ang pakiramdam ko at tuloy-tuloy na naglakad patungong classroom ngunit. . .

higit palang sakit ang aking mararamdaman.

Ang boyfriend ko,

nakaakbay sa kanyang ex at  hinahatid ito sa classroom ng huli.

kaya pala hindi man lang ako nakuhang sunduin.

pinipigilan ko ang mga luhang gustong kumawala sa aking mga mata. dali dali akong pumasok sa aming silid-aralan. pilit kong inabala ang aking sarili kahit parang nakalutang ang aking kaluluwa.

maya maya nakita k0 ang pagpasok ni Lennon sa classroom. Akala ko lalapit siya sa akin ngunit. . . .

nilagpasan lamang niya ako na para bang hindi niya ako nakita.

gusto k0ng lumingon sa pwesto niya

gusto kong tingnan siya

pero

hindi ko kaya

sapagkat nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luha.

ano bang nangyayari?

natapos ang klase ng hindi ko namamalayan. nagulat na lang ako ng nagsisipaglabasan na ang aking mga kaklase. naramdaman kong tumayo na siya.

muli niya akong nilagpasan ngunit agad akong tumayo at hinawakan ang kanyang kamay.

"Babe" mahina kong tawag sa kanya.

Inalis niya ang aking kamay na nakahawak sa kanya.

"I'm sorry Charissa let's end this"

muli na namang tumulo ang aking luha. wala na akong pakialam kahit pa may mga mag-aaral na napapatingin sa amin.

"ganun lang ba kadali sa yo? Lennon four months! four months na tayo tapos. . .  tapos . . . ang mga salitang gustong lumabas sa akin ay naging hagulhol. "Babe, baka naman. . . baka naman pwede pa nating gawan ng paraan? " alam kong para na akong disperada pero mahal ko siya.

Hindi man lang siya sumagot. Muli ko sana siyang hahawakan ng biglang pumasok si Kyla, ang kanyang ex. yumakap ito sa boyfriend ko.

"Lennon love let's go na. Huwag mo ng sayangin ang oras mo sa pathetic na yan" biglang nagpanting ang mga tainga ko sa narinig. How dare her!! Siya ang dahilan ng sakit na nararamdaman ko. Siya na ex na lamang ng boyfriend ko!

Nakakatakot ang tinging ipinukol ko dito at sasagutin ko sana siya ng matigilan ako sa mga salitang nagmula na naman sa kanya.

"Akala mo mahal ka talaga ni Lennon ano? Nakakal0ko ang ngiti niya na para bang tuwang-tuwa pa sa ka miserablehan ko. "For your information pinagselos lang niya ako para muli akong bumalik sa kanya. at ikaw namang si gaga dalang dala sa mga pambobola niya sayo. hindi mo manlang naramdaman na niloloko ka lamang niya dahil ako pa rin ang mahal niya"

"That's enough Kyla" Saway ni Lennon dito. pero hindi nun napagaan ang pakiramdam ko. hindi rin nagpatalo si Kyla.

"hayaan mo siya Lennon, hayaan mo siyang malaman ang totoo. masyado kasing ambisyosa. Alam mo charissa matalino ka lang! hindi ka maganda kaya wang kang mangarap na magkakagusto sayo ang boyfriend ko! yes you heard me right dear. kami na ulit ni Lennon.

Hindi ko na kaya.
dali dali akong umalis kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Akala ko talagang mahal ako ng lalaking mahal ko . . . akala ko lang pala . . .

spell TANGA
it's me

C-H-A-R-I-S-S-A

-----------------------------------------------------
Huhuhu😢😢😢
nag-un announced earthquake drill samin kaya naman nahuli akong ang c-cellphone.
why o why sir!😣
~ARIA💖

HMBH-(Heal my Broken Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon