Moved on?

39 2 0
                                    

Whew! after of how many times of re-reading this chap. it's now time to publish😊😊😊
Hehe sinamantalang wala si Sir dahil busy ang mga kaguruan.
Sa mga nagbabasa nito
hope you enjoy it☺
------------------000-------------------

Matapos ang insidenting iyon ay parang naging ibang tao siya bigla. Nawala ang dating masayahing Charissa. Paano ka ba ngingiti kung sa bawat araw na dumadaan ay lagi ring nandyan sa iyong paligid ang mga taong dahilan ng iyong sakit na para bang talagang ipinamumukha na maligaya sila sa kabila ng ginawa nila sayo.

Tinangka siyang kausapin ni Lennon ngunit siya na ang kusang umiwas. Baka magpakatanga na naman siya at paniwalaan pa ang kung anumang sasabihin nito ay lalo lamang siyang masaktan muli. Kahit masakit at mahirap pinipilit niyang magpatuloy. Kailangan niyang malagpasan ito, para sa kanya at sa kanyang ina.

Limang taon na rin ang nagdaan subalit sariwa pa rin ang sugat na nilikha ni Lennon. Palagi pa ring bumabalik ang mga ala alang tila ayaw siyang tigilan.

Malapit na ang kanilang graduation noon ng kumalat ang balitang buntis si Kyla. Umiyak na naman siya sa nalaman. Masakit pa rin sa dibdib lalo na ang makita mong ang mahal mo ay masayang masaya dahil sa iba. Nawala ang natitirang tapang niya sa katawan. Tahimik siyang lumuluha sa gilid  ng field na maraming puno. Doon ay malaya niyang inilalabas ang sama ng loob sapagkat alam niyang nag-iisa siya. Ang hindi niya alam ay nandoon ang kaklase niyang si Clloyd at tahimik siyang pinagmamasdan. Hindi siguro ito nakatiis kaya lumapit ito sa kanya at marahang hinagod ang kanyang likod.

"tama na sis. Hindi worth it ang mga luha mo sa mga walang kwentang yon" Dahil namimigat ang kanyang ulo ay sumandal siya dito. Hindi man sinasadya pero natuklasan niyang miyembro ito ng federation. Lihim lang iyon sapagkat astig ang porma nito sa loob at labas ng paaralan. Hindi rin daw ito alam ng mga magulang ng huli. Wala naman siyang balak na ipagkalat iyon. Mula noon naging kaibigan na rin niya ito. Kahit ngayong may trabaho na siya ay bff pa rin sila at masama mang pakinggan ay ito talaga ang dahilan kung bakit siya natanggap sa kompanyang pinagtatrabahunan niya ngayon. Family kasi ni Clloyd ang ang may-ari ng company at doon din ito nagtatrabaho.

Si Clloyd din ang nag balita sa mga huling kaganapan sa buhay ni Lennon. Right after the graduation  kasi ay umalis na siya sa lugar nila at lumuwas para magtrabaho at makalimot. Ayon dito ay hindi rin  nagkatuluyan sina Kyla at Lennon  pagkat nalaman nitong hindi siya ang ama ng pinagbubuntis ng babae. Buntis na pala ito bago pa makipagbalikan kay Lennon at dahil sa ayaw akuin ng tunay na ama ng bata ang responsibilidad ay si Lennon ang ginamit nito. Nalaman iyon ng huli sa mismong bibig ni Kyla habang kausap ang barkada.

Ang karma nga naman.
Hindi alam ni Charissa kung ano ang dapat na maramdaman sa mga nalaman pero isa lang ang alam niya, ayaw na niyang magmahal muli sapagkat nadala at nasaktan na siyang minsan.

~ARIA💖

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HMBH-(Heal my Broken Heart)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon