PROLOGUE

13 2 0
                                    

Isabelle's POV

Isang umaga na naman. Isang umagang nakakatamad na naman. Hayst. Papasok na naman ako sa eskwela. Nakakabagot na ang mag-aral argh! Nagulat ako nung tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa side table dito sa kwarto ko. "Aaahhhh! Ang aga-aga may mambi-bwiset na naman oh!". Pero napangiti ako noong makita ko kung sino ang tumatawag. Si Aaron Lorcuades. Boyfriend ko.

"Goodmorning my sunshine! Kamusta ang tulog mo?"

"Goodmorning din lovey. Ayos lang naman ang tulog ko."

"May gagawin ka ba after class? Punta tayo ng mall, libre ko."

"Oo lovey, I'm free after class, but I'm not sure at it. I'll call you later if my schedule has been changed."

"Okay lovey. See you later. I love you."

"Love you too. Bye."

Nag-ayos na ako ng sarili ko para pumunta na sa school. I put on a mild make-up para hindi mukang pupunta ng party. Then I ready myself para bumaba at kumain with my family.

Pababa na ako at naka salubong ko si Yaya Melinda.

"Good morning Nay!" Sabi ko habang nagsusuklay ng aking buhok. "Magandang umaga rin hija, o siya bumaba ka na doon para mag-agahan at hinihintay ka na nila Sir." Sabi niya habang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Sige po, nay." Pagkatapos noon ay bumaba na ako para kumain.

Naabutan ko sa kusina sina Mama Mabelle, Papa Isac at ang pinaka walang kwentang kuya sa buong mundo, si kuya Ismael.

"Goodmorning, beautiful sister!" Namutawi ang boses ng pinakamamahal kong kapatid sa loob ng bahay namin. Nakakarindi. Argh ang aga-aga mambi-bwiset na naman to.

"Shut up, you dimwit!" Nawala yung ngiti sa aking labi dahil kay kuya.

"Guys, chill. Ang aga-aga ayan na naman kayo." This time si Mama ang nagsalita. Actually, I like the way my mom talk. Napaka millenial hindi masyado strict. Hindi katulad ni Papa na napaka intimidating.

Kaya natatakot akong malaman nila ang tungkol samin ni Aaron. Baka kung ano pang magawa ni Papa sa kanya pag nalaman niya na ang unica hija niya ay may boyfriend na pala.

Nang matapos yung breakfast namin ay nag kanya-kanya na kami ng sakay sa sarili naming kotse para pumunta sa school at work.

"Baby Sister!" Papasok na sana ako ng sasakyan ko nung tinawag ako ni kuya. "Oh?" Yun lang ang sinagot ko sa kanya.

"Sira yung sasakyan ko e. Pasabay muna." Bago pa ako maka-angal ay nakasakay na agad siya sa passenger seat ng sasakyan ko. Wow, just wow!

Wala namang problema kung sumabay siya sakin dahil pareho lang naman kami ng pinapasukan na university. Ang Orion's Field University.

Tahimik lang ang naging biyahe namin ni kuya kasi natulog siya. Mabuti nga iyon at walang epal.

Hindi naman kalayuan ang school namin sa bahay kaya naman mabilis lang ang biyahe namin. It just takes 20-25 minutes in order to go to school kaya hindi kami nag-aalala na male-late kami.

Nandito na kami sa school namin at ginising ko na si kuya. "Kuya, andito na tayo." Sabi ko habang niyuyugyog ko ang katawan niya. "Ambilis naman." Sabi niya habang kinukusot ang mga mata. Tinanggal na namin ang aming mga seatbelt tapos lumabas na kami.

Dumiresto na kami sa aming kanya-kanyang klase.

It's only 6:45am at 7:15am pa ang first class ko. May 30 minutes pa akong free time. Pumunta ako ng CR para mag-retouch and to have a pee.

Habang nasa cubicle ako ay may narinig akong nag-uusap. Or should I say, nagchi-chismisan. Hindi na iyon bago dito sa OFU. Halos araw-araw may bago at mainit na balita.

"Girl, may nag-aaway don sa gym at hindi maawat. Grabe, girl, kawawa naman yung isa." Sabi nung isang babae. "Oh, talaga?! Sino yung nag-aaway?" Tanong naman nung isang babae. "Yung captain ball ng basketball na si Even Bartolome at yung team captain ng soccer na si Aezach Gonzales-" Hindi na natapos magsalita yung isang babae dahil sa pagkakabangga ko sa kanya. Kumaripas agad ako ng takbo nung malaman kong nakikipagbugbugan na naman si Even.

Si Even Bartolome. Siya ang pinaka bestfriend ko sa lahat. Bata palang kami ay matalik na kaming magkaibigan. At alam ko kung paano siya magalit.

Nang makarating ako sa gym ng school ay marami ang tao doon. God! Wala man lang bang aawat sa mga ito? Pati security guard takot kay Even. Oh hell!

Binangga ko ang mga tao na naka-harang at pumunta ako agad kay Even. "Nako jusko!" Yun nalang ang sinabi ko nang makita kong bugbog-sarado na si Aezach.

Agad kong hinila ang damit ni Even para pigilan siya. Tumingin siya sakin ng may pagka-gulat. Patay toh saking lalaking toh mamaya!

Pagakalipas ng ilang segundong pagtititigan namin ay binitawan niya na si Aezach. Good God!

"Hey, Even! What do you think you're doing?" Mataray kong sabi sa kanya. Hindi parin siya sumasagot at naka tunganga parin siya sakin.

Pumunta kami sa hindi mataong lugar at doon ko gagamutin ang sugat na natamo niya. Good thing lagi akong may dalang first aid sa bag ko. Pero hanggang ngayon ay tikom parin ang bibig niya.

"Hey, bud? Bakit ba hindi ka nagsasalita?" Sabi ko ng may pagtataka ang muka. Tumingin siya sa akin. Idadampi ko na sana ang bulak na may alchohol sa kanya ng magsalita siya. "Is it true?" Sabi niya na may lungkot sa muka. "What?" Sabi ko habang ginagamot ang sugat niya. "Is it true na kayo na ni Aaron?" Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin lamang siya sa mga mata ko.

"Paano mo nalaman?" Nakita kong mas naging malungkot pa ang muka niya. "Narinig kong sabi ni Aezach. Kaya ko siya binugbog kasi akala ko imbento niya lang! Pero totoo pala!" This time sinisigawan niya na ako. Bigla akong nainis sa kanya. Bakit ba ganito siya? "Bakit sino ka ba para sabihin ko yon sayo?" Nagsisigawan na kami ngayon dito.

"Oo nga naman, sino nga ba ako?" Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay umalis nalang siyang bigla.

And there is me, dumbfounded.

A/N: Sana magustuhan niyo guys hahahaha hindi ko talaga alam pinaggagagawa ko actually. #FirstTimeFeelz

instagram: ajeceaa
facebook: Ajhe Cea
youtube: Ajhe Cea

His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon